15 - The Grim

4 0 0
                                    


Chapter 15

Ilang buwan narin ang pasukan kaya medyo busy na kami dahil sa dami ng gawain sa school. It was quite hard for me coz I am having a double major.

"You can do it!"

Sabi ko habang naka tingin sa eyebags ko sa salamin. Pumapanget na ako sa kakagawa ng mga articles at report.

Lumabas na ako sa sasakyan kasama si Thea. Madalas na naming kasama si Crystal dahil naging magaan na rin ang loob ko sa kanya.

"Look" sabi ni Thea habang nakita namin na makakasalubong namin ang mga minions ni Emily. Hindi kami tumabi kundi tuloy tuloy lang kami sa paglalakad.

"Hi Amber, hi Thea!" sabi ng isang minion ni Emily, siya iyong medyo friendly at mabait sa grupo nila. Lagi din niya kaming binabati pag nagkikita kami.

"Hello" sagot namin at ngumiti sa kanya pero ang iba parang sinita siya dahil kinausap niya kami.

"Tahimik yata ang campus. Hindi ko nakikita ang reyna nila." bulong ni Thea sa akin.

"Buti nga at wala nang maarte at nag mamaganda dito. Kaya siguro maraming tao sa field ngayon at maraming naka tambay sa hall way. Walang mag sasabi 'Tabi! Alis dadaan ako.' "at ginaya ko si Emily mag salita na bossy at maarte.

Nag apir naman kami ni Thea dahil sa kalokohan namin.

Matapos ng morning classes ay tumambay na kami ng cafeteria kung saan kami nag kikita nina Thea at Cystal.

"Amber." tawag ni Crystal habang tumatakbo papunta sa lamesa ko.

"Kumusta?" tanong ko kay Crystal.

"Kilala mo ba 'to? tingnan mo." pinakita niya sa akin ang post sa isang univerity group. Isa itong group ng mga malalaking university. "Di ba ito ang sinabi ni Thea dati?"

GRIM IS BACK

Meron itong litrato ng mga silhouette ng mga babae at lalaki kaya walang mga mukha ang makikita sa poster kundi isang long post ang mababasa mo.

"Can I borrow?" tanong ko kay Crystal habang naka tingin sa phone niya, binigay naman niya ito sa akin para makita ko ang post.

-We are back to track to track the bullies. As we have some internal situation, we ought to let the students knows that we are still watching you. Many have been reported and some have taken action to stop those bullies. However, we need further support from someone who was our brain and backbone. Contact us, we need you.-

"What do you think?" tanong ni Crystal at dumating naman si Thea para makibasa din.

"Huh The Grim is back. Akala ko wala na sila eh."

"You know them?" tanong ko kay Thea

"Nah. I just heard it from a friend in Russel University. Doon ka galing diba? You know, Ken?" Umiling ako.

"Ano ba ginagawa nila." maang maangan ko na tanong. I wanted to know their thoughts about the org.

"According to Ken, they are a secret organization who bully the bullies. Meron daw kasi dati gusto mag pakamatay noon sa school nila, pero this organization save her. Tapos ginantihan nila yung mga bullies by exposing their activities and lies. Cool diba?" sabi ni Thea habang bilib na bilib. Napangiti ako.

"So they are from Russel University?" sabi ni Crystal.

"Yun din ang akala namin before but the same thing happen also in Meiter, Craig at Shiva University." sabi ni Thea.

"Ibig sabihin sakop nila ang iba't ibang University?"

"Mismo, kaya hindi sila basta basta. Even the Elites are scared of them."

Sweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon