Chapter 14
THEA'S POV
Masyadong nag lungkot lungkutan si Amber pagkaalis ng boyfriend niyang si Silver pero ito ngayon ngiting ngiti dahil ka videocall niya ito kanina pa.
"Hoy! TIgilan mo na yan!" pangungulit ko sa kanya kasi wala akong kausap dahil lagi silang magka videocall ng ni Silver.
Totoo talaga ang sabi ng iba na nag iiba ang best friend mo pag may jowa na. Hmp! Kawawa naman ako.
Tumunog ang phone ko, sa wakas may nakaalala sa akin!
EASTON: "Panget! nasa Bahay na kmi"
Itong Easton talaga na 'to kaya mo naman ka gwapuhan. Nakipag chat na rin ako sa kanya, na kaka miss rin ang ka daldalan at kakulitan ng lalaking 'to.
It's been a week since bumalik kami ni Amber ng manila. Naka tira kaming dalawa sa iisang building pero magkaiba ang condo unit namin. Kaya madalas din kaming magkasama.
Ilang beses lumipat ng school si Amber noong highschool kami dahil sa trabaho ng kanyang parents, nag uumpisa palang ang negosyo ng parents niyang construction company at kada may project sa malalayong lugar ang parents niya ay sinasama siya ng mga ito. Habang ang mga parents ko naman ay nag mamanage ng hacienda dahil retired na si lolo. We have other businesses to but that is our main business.
Ngayon na college na si Amber, kailangan niyang pumermi para makapag focus kaya kinumbense namin ang mga magulang namin na kuhanan kami ng condo unit. Gusto sana nila na iisang unit lang kami but we want to live independently.
"Okay we're here. Tama na yan! But Silver boy! May pasok na po kami! Babosh!" sabi ko at hinatak na si Amber habang baliw na baliw sa pag ibig.
First day namin today kaya kailangan may grand entrance kami. Charing!
Sa totoo lang malaki ang University na ito kaya malabong magkakakilala halos ang mga estudyante dito.
"Oh isn't that Emily?" turo ko sa poster na naka kabit sa labas ng cafeteria. Naka pose ito nang pormal at may hawak na libro at bag at may naka lagay sa poster. "WELCOME SCHOOLMATES!" ang lame naman ng poster na ýun. Kaya pinag tawanan ko. Siniko naman ako ni Amber dahil may mga nakatingin sa akin.
"Ang pangit ng poster." bulong ko kay Amber.
"Manahimik ka, nandiyan ang mga minions." sabi ni Amber habang nakita namin na nag lalagad ang mga kaibigan ni Amber na magkakasama.
"AMBER! THEA!" sigaw nila sa amin at excited na nakipag beso beso sa amin. Akala mo naman close kami.
Hindi nawala sa paningin ko ang pag takbo papalayo ng isang kasamahan nila. Siya iyong babae na nag spiked ng inumin ni Silver. Lagot ka kay Amber mamaya.
Nakita ko naman ang tingin ni Amber sa kanya habang tumatakbo siya palayo.
May nakita kaming nag tatakbuhan sa field. Kaya napatingin kaming lahat at naki usisa. First day na first day may gulo na ba agad? Hays.
Nakita ko si Emily sa gitna hawak hawak ang isang babae na mas maliit sa kanya, kinukwelyuhan niya ito at may sinasabi siya dito. Hindi namin marinig dahil malayo ito sa amin.
"Don't you dare take a video or else, you will be expelled and you will have a bad record!" matapang na sita niya sa mga nanood na akmang kukuhanan siya ng video.
"What is she doing?" tanong ko sa isang minions niya.
"Emily is the Queen here. Anyone that will go against her will be punished. She rule this school." sabi ng isa.
BINABASA MO ANG
Sweet Summer
Teen FictionAko ang taong mahilig sa Fictional story, something weird at something na exciting. Kaya hindi nakapagtataka na isang Fictional character na lalaki din ang dream guy ko. Oo fictional, dahil iabg sabihin hindi na siya makatotoohanan sa panahon ngayon...