Chapter 9
2PM na kami nag tanghalian dahil nagluto pa ang iba ng aming kakainin. Merong mga taga luto dito sa villa kaya karamihan ay nag enjoy lang.
May malakas na tugtugan, videoke, at night light ball sa Dining hall na part ng villa na ito. Malaki ang isla, may tatlong villa at dalawang maliit na bahay kung saan naka tira ang mga trabahador dito. may basketball court, billiard hall at playground din dito. Meron ding maliit na sari sari store para sa mga turista dito.
Basang basa ako kaya naupo ako sa kilid ng dining hall habang kumakain. Gutom na gutom ako. Si Thea naman ay nakikipag daldalan sa mga ibang kasamahan namin. Nakabihis na ito ng two piece swim wear na pero medyo disappointed ang mga boys nang makita siya dahil naka mini skirt ito na swimwear at naka cardigan. Haha akala nila maiisahan nila si Thea pero sila ang naisahan. Ako naman ay hindi na nagbihis at wala akong pake.
"May ang abot sa akin ng softdrink, kasamahan ni Emily." nag se-serve siya ng drinks.
"Thanks" sabi ko.
"Hi I am Jea" sabi niya at tumango lang ako sa kanya dahil madumi ang kamay ko para makipag shake hands, nag kakamay kasi ako.
Umalis na siya at gumala ang mga mata ko parahanapin ang paasang lalaki. Tatayo na sana ako kumiha ulit ng rice pero nakita ko ang paglapit ni Silver sa buffet table habang naka sunod si Emily sa kanya. Naka kapit ito sa braso niya habang nagsasalita habang hinahayaan lang siya ni Silver at patuloy ng paglalagay niya ng ulam sa serving plate.
Nakaramdam ako ng inis kaya napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko. Sarap manakit ng tao!
Hindi ko namalayan na nag bend na para ang tinidor sa kamay ko. Tinapon ko agad ito sa basurahan para walang may makakita.
Is he toying me?
Sa sobrang inis ko, lumapit ako sa tabi nila.
"Excuse me po. Kuha lang po akong ulam." sabi ko tsaka umurong sila sa bigla kung pag singit sa tabi nila. "Naku ang sarap! Nakakagigil kainin!" sabi ko sabay tusok ng tinidor yung grilled pork.
Umalis na ako at nag madaling pumasok sa assigned room namin sa harap ng infinity pool. Tsaka ko na isip na wala pa pala ang mga gamit ko doon. Kaya bumalik ako para kunin ang bag ko.
Nakasalubong ko naman si Silver bitbit ang yellow bag.
"That's mine!" sabay kuha ko sa kanya ng bag at tumalikod na sa kanya pabalik ng room.
APOV
Pagbalik ni Silver sa Dining hall, badtrip na badtrip siya dahil hindi siya pinapansin ni Amber buong araw. Tinatarayan pa siya nito. Alam niya na na missunderstood ni Amber ang sinabi niya kagabi kaya naiinis din siya sa sarili niya dahil sa ginawa niya.
He planned to court her grandparents first then her parents before finally courting her pero mukhang napa sama yata. And he can't stand to see Amber holding somebody's hand or with other guy. Nasasaktan siya at hindi niya kayang makita kaya umupo ito sa harapan kanina sa bangka para hindi niya ito makita na maykatabing ibang lalaki si Amber.
Yes, he may be a bit possessive kahit wala siyang karapatan. Kaya he choose to keep distance and stay silent. At hindi nakakatulong ang pag buntot ni Emily sa kanya dahil kanina pa niya napapansin ang inis sa mga mata ni Amber. Pero napa ngiti siya nang sumingit ito kanina sa tabi nila para ipakita ang inis nito.
Natutuwa siya kasi ibig sabihin, she is affected. She is jealous too. Nakangiti niyang kinuha ang bag ni Amber at plano niya na ihatid ito sa room niya pero nagulat siya nang sumulpot si Amber sa harapan niya kaya hindi agad siya naka pagsalita.
BINABASA MO ANG
Sweet Summer
Teen FictionAko ang taong mahilig sa Fictional story, something weird at something na exciting. Kaya hindi nakapagtataka na isang Fictional character na lalaki din ang dream guy ko. Oo fictional, dahil iabg sabihin hindi na siya makatotoohanan sa panahon ngayon...