Chapter 4
Padabog na pumasok sa kwarto ng lolo at lola niya si Amber. Patalim itong naka tingin sa lolo niya kaya naman napa lunok ang lolo niya na kinakabahan sa tingin nito. Mukhang galit ang kanyan apo.
"Apo bakit naman basang basa ka?" kumuha ang lola niya ng towel at pinunasan ang apo niya na tuyo na tubig sa katawan tanging buhok at damit na lang niya ang basa.
"What's wrong hija?" maanong tanong ng lolo niya sa kanya at pina upo ito sa isang upuan.
"Tell me na hindi totoo lolo!" pagbabantang sabi ni Amber sa kanya.
"Ang alin hija?" maingat na tanong ng lolo niya. Binatukan naman ito ng asawa niya.
"Ano ang ginawa mo sa apo ako?!" pagbabantang tanong ng lola ni Amber.
"Wala!" sagot ng lolo niya habang kamot kamot ang nabatukan na ulo. "Malay ko!"
"Sabihin mo hija. Anong ginawa ng lolo mo at kakalbuhin ko 'to!"seryosong sagot ng lola niya.
"Nakita ko si Luke kanina sa ilog, may sinabi siya sa akin tungkol sa pinagkasunduan niyo ng dad niya."
"Ah! Hahaha ha ha" awkward na napatawa ang lolo niya na tinginan naman ng matalim ng lola niya. "Huwag mo iyon pansinin hija. Biruan lang iyon."
"Ano yun Santiago?!" nagulat naman ang lolo niya sa pagsigaw ng lola niya. Kung may pinagmanahan man itong apo niya, malamang mana ito sa lola niya.
"Tell her lolo or ako ang mag kukwento." pagbabanta ko kay lolo.
"Naku! ganito kasi yun. Bumisita dito si pareng Marko. Alam mo naman yun masyadong business minded. Napag usapan lang naman namin na mag tulungan para sa ikaw uunlad ng bayan na ito. Yun lang yun." pilit na tumawa si lolo pero hindi siya naka ligtas sa matatalim na tingin ng asawa niya at apo niya.
"Ano kasi. Nag suggest si pareng Marko. Nag suggest lang naman siya. Na ano daw." halos pagpawisan na ang lolo niya sa pag sasalita. "Na para daw iyong negosyo namin ay magkaisa para sa bayang ito, naisipan niya na paano kung maging isang pamilya kami. Kaya sabi ko 'ano pag aasawahin natin ang mga apo natin para mas maging maunlad ang negosyo naatin?' sabi kung ganoon. Tapos ito namang si pareng Marko sabi niya 'Magandang ideya yan pare. Magkaedad ang ating mga apo. Pwede.'"
"Ikaw talagang matanda ka!" halos sabunotan na ng lola niya ang lolo niya pero inawat niya ito.
"Biro ko lang naman iyon hindi ko alam na sinersoyo niya talaga." explain pa ng lolo niya.
"Hindi mo na klaro? o sinabihan na biro lang yun?! Anong akala mo sa apo ko, nabibili ng pera?!"
"Naging abala na kami pareho sa negosyo at hindi na rin siya nakakadalaw uli dito kaya hindi na rin namin napag usapan. Aray! Ang brutal talaga ng lola mo."
"LOLO!!!" sigaw ni Amber na halos mag wala na siya sa frustrations sa ginawa ng lolo niya.
"Ngayon din, sasabihan ko siya. Sasabihin ko na biro lang iyon!" nag astang aalis na ang lolo niya. "Huwag kang umiyak, hindi sinasadya ng lolo na saktan ka o panghimasukan ang buhay mo. Patawarin mo na si lolo."
"Not until na mabawi mo yung sinabi mo sa pamilya nila." padabog na umalis si Amber sa kwarto ng lolo niya at iniwan niyang nag tatalo naman ang lolo at lola niya sa loob ng kwarto nila. Nakasalubong niya si Silver sa hallway at hinarang siya nito.
"Take a bath now and give me back my polo." sabi niya kay Amber at dumeretso siya sa kwarto niya.
Inis naman na pumasok si Amber sa kwarto niya at naligo uli. Pagkatapos nitong magbihis, umupo siya sa harap ng desk niya at nag laro sa computer niya. Sa sobrang inis niya at halos seryoso niyang nilaro ang computer at halos panalo siya.
BINABASA MO ANG
Sweet Summer
Teen FictionAko ang taong mahilig sa Fictional story, something weird at something na exciting. Kaya hindi nakapagtataka na isang Fictional character na lalaki din ang dream guy ko. Oo fictional, dahil iabg sabihin hindi na siya makatotoohanan sa panahon ngayon...