8 - The Lover

8 1 0
                                    

Chapter 8

Matapos nila mamasyal ni Silver, umuwi sila sakay sakay sa bisekleta ni Amber. Pareho silang nakangiti umuwi parang walang nang yari na pumasok sa mansion. Hindi sila na pansin ng mga kasama nila sa bahay dahil abala sila sa kanikanilang ginagawa.

"Can I ask a favor?" tanong ni Silver

"Yeah sure." Amber

"Can you please not entertain someone or let any boys hold you when I am around?"

Natawa si Amber sa request niya. Na paka possessive naman nito.

"Bakit? I want to make it clear to you also. We are not yet dating. Okay? Understand? Kaya you don't have the right to request things like that." prangka ko na sagot sa kanya.

"Yeah I know, I get it. But if I am around just please refrain from it. I just don't know how can I control myself yet. Just for a week. Please?"

"Be honest with me. Do you have anger problem?" 

"No not that. I am just... ugh! never mind. I am sorry, that's too much to ask. You should rest. See you around." sabi niya at ngumiti ito at tumalikod na sa akin.

Naligo si Amber at nag pajama sabay harap sa laptop niya. Nag lalaro siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Pasok!" sigaw niya sa kumakatok.

"Hija! Nandito ka lang pala. Kanina kapa namin hinahanap. Halika mag bihis ka at meron kang bisita sa baba."

"Bisita? huh?! sino naman po?"

"Basta halika!"

Bababa na sana siya nag hinila siya ng lola niya para mag bihis ng maayos na damit. Hinayaan niya na lang ang lola niya.


AMBER'S POV

"Heto na siya." sabi ni lola

May nakita akong tatlong lalaki kasama si Luke. Sila iyong sa party pero ang isa hindi ko pa kilala. Naka upo sila sa sofa at nandoon si lolo sa gitna nila. Nag taka naman ako kasi wala sila Thea dito, akala ko sila yung nag uusap sa bababa.

"Oh hi. Anong meron?" tanong ko sa kanila. Nakita ko naman sa kusina umiinum ng tubig si Silver habang naka tingin sa akin.

"Narito ang binatang ito para umakyat ng ligaw sa iyo Hija." turo niya kay Luke na may dala dalang mga rosas na kulay pula. Siya kaya yung nag padala ng Sunflower?

"Huh? Ah o-okay." awkward na sagot ko ngumiti ng awkward. Tumingin ulit ako sa kusina pero wala nang nakatayo doon.

"Hi, Amber. Sana tanggapin mo ito." sabay abot ng bulaklak sa akin.

"Salamat" sabi ko at umupo na ako.

Hindi naman makapag salita si Luke dahil nandiyan sa harapan namin sina lolo at lola. Halos pagpawisan na siya at aligaga sa kinauupuan niya.

"Amber, noon pa akong may gusto sa iyo. Alam ko na alam mo na iyon pero hayaan mo na mapadama ko iyon sa iyo sa maayos na paraan. Alam ko na medyo makulit na ako pero sana payagan mo akong ligawan ka." sabi ni Luke habang naka tingin sa akin na kinakabahan.

"Lola, lolo. These tea, I especially made for you." nagulat ako sa pag sulpot ni Silver dala dala ang try na may teapot at mga tasa.

"Oh that's so sweet of you Hijo." sabi ni lola sa kanya.

"Naku Salamat at tamang tama, gustong gusto ko na mag tsaa." sabi ni lolo.

"I am sorry but I only made these for you, I have not prepared anything for the visitors." aba nagiging madaldal na din ito kina lolo at lola, close ba sila?

Sweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon