Nagkayayaan ang Dalawa na mag Movie Marathon sa Unit ni General MJ, umorder na lamang Sila ng Pagkain.
Unti unti ay naging Komportable na si Sky sa piling at presensya ng Lalaki at natatakot Siya dahil hindi naman malinaw sa Dalaga kung ano ang nasa isip ni General MJ.Pinanood nila ang Movie na Barcelona, habang naka upo si General MJ sa Sofa nito at ang Babae naman ay nakaunan sa Kandungan ng Lalaki.
Sumisinghot na ang Babae dahil nadadala Siya sa Kwento ng Pelikula at nagsalita.
"Ang sakit nung ganoon, ano? Iyong hinayaan ng Lalaki na ma fall ang Babae pero hindi pa pala ito handang pakawalan ang Past niya."
Wika ni Sky."May mga ganoong bagay talaga, Sky.
Hindi mo basta mabitawan ang nakaraan dahil iyon ang bumuo at naging dahilan kung ano ka ngayon."
Komento ni General MJ."Ikaw ba, MJ? Handa mo bang iwan ang nakaraan para makapasok ang present?" Tanong ni Sky.
"If it's worth the risk, Why not? Kaya nga mahirap kasi, What if masaktan lamang ulit?" Pahayah ng Lalaki.
"Bakit ka matatakot masaktan at iwan ang nakaraan kung kapalit naman noon ay tapat na Pag-ibig? Paano kung paranoid ka lamang?" Wika ni Sky.
"Paano kung hindi naman pala Tunay at Tapat? Kaya dapat simula pa lamang ay malinaw na." Wika ni General MJ.
"Ikaw, MJ? Ano ba ang iyong nakaraan?" Tanong ni Sky at bumangon.
"Malalim at masalimuot ang nakaraan ko, Sky. Lumaki ako sa Bahay Ampunan dahil sanggol pa lamang ako ay namatay na ang mga Magulang ko.
Nag-iisang Anak lamang ako, ni isa sa bawat Pamilya ng Parents ko walang kumupkop saakin. Kaya may nagmalasakit na kapitbahay namin noong 10 yrs old lamang ako, wala rin naman silang sobra na Pera kaya minabuti nila na dalhin ako sa Bahay Ampunan kaysa maging palaboy."
Seryosong pahayag ni General MJ."Paano ang naging Buhay mo sa Bahay Ampunan?" Seryosong tanong ni Sky.
"Mabuti naman Sila saakin, kaya nga hanggang ngayon ay bumabalik ako doon para tumulong. May mga nawala na at andoon pa rin pero iyong utang na loob ko ay hindi mawawala."
Dagdag pa ni General MJ."Paano ka nakapag-aral?" Tanong ni Sky.
"May mga Sponsor ang Bahay Ampunan na iyon. Mga Pulitiko, mga Mayayaman at iyong kahit may mha simpleng buhay lamang pero nais tumulong. Sila ang naging daan, ang Pamilya nila Beverly."
Nakangiting wika ni General MJ."Oh! That's why you'll like to go there?"
Gulat na tanong ni Sky."Oo, kasi ang mga Magulang niya ang nag Sponsor saakin hanggang sa makapasok ako sa Army. Mabuting tao sila, Sky. Hindi nila ako sinukuan hanggang sa mag pursige ako at maging Opisyal." Pahayag ng Lalaki.
"Nasaan na ang Pamilya nila Beverly Ngayon?" Tanong ni Sky.
"Wala na ang mga Magulang niya, solo lamang din na anak si Beverly. Ako ang Protector at Tower ng Babae na iyon.
Simula ng namatay ang mga Magulang niya ay doon na Siya nanirahan sa Europe mag-isa. Walong taon siyang andon at hindi nagpakita saamin ng mga Kaibigan niya. Actually, Siya lamang ang Babae sa Grupo namin."
Pahayag ni General MJ."Nagkaroon din ba kayo ng Relasyon?"
Tanong ni Sky."Oo, saakin pinagkatiwala si Beverly ng mga Magulang niya Bago sila mawala. Sa sobrang bait at ganda ni Beverly ay halos lahat nahumaling sakaniya pero ako lamang ang minahal niya. Dapat ay mag early retirement ako sa Army para samahan Siya sa Europe, ngunit nagalit Siya ng malaman niya ang gagawin ko. Ang sabi niya saakin ay matagal kong pinangarap ang pag susundalo tapos ay binitawan ko kung kailan General na ako." Mahabang wika ng Lalaki.
Tumango na lamang si Sky at natakot bigla ito na tanungin kung nasaan ba Siya sa Buhay ni General MJ. Mukhang katulad ng Bida sa Barcelona ay hindi pa rin ito nakaka get over sa Past niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/367650674-288-k271661.jpg)
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #4 ; HIDE AND SEEK by SKY AND MJ
RomanceSi Sky ay isang Anak ng Army General. Mahigpit at mataas ang Pangarap para sakaniya, minsan ay isinama Siya ng Ama sa Conference nito at nakilala niya si Capt. Gringgo. Dumalas ang kanilang pagkikita dahil natuto ang Babae na tumakas. Ngunit hindi...