UNEXPECTED VISITOR

6.9K 36 0
                                    

Kinabukasan ay nagluluto si Sky ng kanilang Almusal, nasa Unit pa rin Sila ni General MJ at doon na Sila natulog.
Tinamad na kasing bumalik ang Babae sa Unit niya.

Nakasuot lamang si Sky ng malaking T-shirt ng Lalaki ng biglang may nag door bell. Napatingin tuloy ang Babae sa Orasan at nagtaka kung sino iyon.

Binuksan ng Babae ang Pintuan at nabungaran niya ang Limang Lalaki na puro may mga itsura, at isang Babae na Matangkad. Makinis ito, Maamo ang mukha,Malaki ang dibdib at Maputi.

"Hello, Is this MJ's Unit?"
Tanong ng Babae na nakangiti.

Shit! Pantay pantay ang ngipin at mapuputi.

I think this is Beverly! Talong ka Sky!

"Yes, Ma'am. Tara, tuloy kayo!"
Nakangiting aya ni Sky at pinapasok Sila.

Nakatingin lamang kay Sky ang mga Lalaki at nakangiti. Kaya naman ngumiti na lamang din si Sky.

Pinuntahan ni Sky ang Kwarto ng Lalaki at ginising ito.

"MJ, may mga Bisita ka. Gising na, nakapag luto na rin ako ng Breakfast.
Kumain na muna kayo."
Wika ni Sky.

Bumangon ang Lalaki at naligo ito bago hinarap ang mga Bisita, halos hindi na nito pinansin si Sky.

Pumunta si General MJ sa Salas at hinalikan sa pisngi ang babae, kinamayan naman nito ang mga Kaibigang Lalaki.

"God! I miss you so, so much."
Wika ni Beverly.

"Likewise, Honey! Kumain ka na?
Mga Kumag, Kumain na muna tayo."
Nakangiting aya ni General MJ sa mga Bisita.

Hinanda ni Sky ang Dining Table upang makakain na muna Sila ngunit nagulat si Sky ng binulungan Siya ng Lalaki.

"Sky, I'll call you later. Thank you for cooking." Bulong ni General MJ.

Tumango ang Babae at ngumiti, sa Unit na lamang siya iiyak bulong ni Sky sa isip niya.

"What's your name, Goddes?"
Tanong ni Kier, Tropa ni General MJ.

"Hello! I'm Sky." Ngiti ni Sky.

"Daughter of General Julio De Vera."
Saad ni General MJ.

Wow MJ ah! Daughter of General Julio lang? Fuck! Sarap mo tirisin.

"Oww. Off limits."
Tawanan ng mga Kaibigan ni General MJ.

"I'll go ahead guy's!"
Nakangiting paalam ni Sky.

Tumalikod na si Sky papunta sa kaniyang Unit, dumating lamang si Beverly ay parang hangin na lamang si Sky sa Lalaki.

Honey pala eh! Sarap mo tirisin, MJ!

Nagpupuyos sa Galit si Sky sa ginawa ni General MJ sa kaniya. Mamaya na lamang kakain ang Dalaga at matutulog na lamang muli.

Lumipas ang buong araw at wala man lamang paramdam ang Lalaki kay Sky kaya tinawagan niya na lamang si Frinah at Chastine para ayaing mag Bar.

"Tara, bar us!" Aya ni Sky

"Andito ako sa Bahay nila Chastine, tara na lamang dito." Wika ni Frinah.

"Sige, I'll go there. See you, girls!"
Paalam ni Sky.

"See you! Take care!" Sabay na wika ni Frinah at Chastine.

Naligo lamang si Sky at nag ayos ng mga dadalhin niyang Damit, balak niya mag stay ng Tatlong Araw sa Bahay nila Chastine at Sir Azi para makapag libang.

Pagbaba ni Sky sa Parking Lot ay sakto namang paglabas nila General MJ at mga Kaibigan nito sa Sasakyan ng Lalaki, hindi na niya papansinin ang mga ito ngunit napansin Siya ni Beverly.

"Hello there, Sky! Where to go?
Tara sa Unit ni MJ, shot tayo."
Nakangiting aya ni Beverly.

"May lakad ako eh, maybe next time?"
Nakangiting sambit ni Sky.

Tumango si Beverly na nakangiti at sinulyapan niya si General MJ na hindi man lamang Siya pinansin at pinilit na makasama Siya sa mga ito.

Gigil much ako saiyo, MJ!

POSSESIVE WILD SERIES #4 ; HIDE AND SEEK by SKY AND MJWhere stories live. Discover now