SURELY

7.1K 32 0
                                    

Naghahanda na si General MJ at Sky para sa Flight nila papunta sa Puntod ni Sir Ken, ito ang Araw na pinapunta sila ni Capt. Gringgo at kahit na wala silang Idea ay naisipan pa rin nila pumunta, one thing is for sure it's all about Frinah and Capt. Gringgo.

Nang makalapag na sa Airport ang Dalawa ay Kumain na muna Sila at pumunta na sa kanilang na Booked na hotel, balak nila may stay for one night sa Manila bago pumunta sa Batanes sa susunod na araw.

Nagpasya ang Dalawa na magpahinga muna dahil sinadya nila ito. Naligo na muna Sila at humiga sa kanilang Kama habang nag bukas ng usapan si General MJ.

"Bakit Batanes ang napili mo na puntahan natin para sa ating Bakasyon?" Tanong ni General MJ.

"Kasi isang Perpektong Paraiso ang Batanes para saakin, maliban doon ay bago mawala ang Mommy mayroon na rin kaming Plane Tickets papunta ng Batanes. But sad to say, she died before we went there. Kaya Pinangako ko sa Sarili ko, the moment na pumunta ako ng Batanes gusto ko ay ang Taong makakasama ko sa habambuhay ang kasama ko pumunta don para mapalitan ang Lungkot ko sa tuwing maiisip ko ang Batanes tungkol kay Mom."
Mahabang pahayag ni Sky.

"So, are you willing to spend time with me forever?" Tanong ni General MJ.

"Of course, Babe. I am more than willing, gusto ko ay tanging ikaw lamang." Wika ni Sky.

"That makes me kilig, Babe."
Wika ni General MJ.

"Very Conyo, babe." Halakhak ni Sky.

"Ginagaya lamang kita."
Natatawang wika ni General MJ.

"Pero wait, are you Proposing?"
Tanong ni Sky na nanlaki ang mga Mata.

"Nope, I just wanted to hear the reason why you chose to go there in Batanes."
Sagot naman ni General MJ.

"Awww. That's hurt."
Kunwaring tampo ni Sky.

Tumawa lamang ang Lalaki at niyakap ang Dalaga, lingid sa kaalaman ni Sky ay nakapag paalam na si General MJ sa Ama ng Babae para sa Proposal na gagawin nito sa Batanes, maging kay Beverly.

Pumayag na ang Ama nito at nangakong pupunta rin ito sa Batanes upang masaksihan ang Proposal ni General MJ.

Samantala, maging sila Chastine, Frinah, Sir Azi at Capt. Gringgo ay lilipad din sa Batanes upang saksihan ang makapag pabago sa Buhay ni Sky at General MJ.

Almost prepared na rin ang lahat dahil ang Dalawa na lamang at ang kanilang mga Kaibigan ang kulang para sa Proposal.

May singsing na rin na nabili si General MJ at hawak ito ni Beverly at mauna na ito doon sa Batanes ngayon dahil ayaw ng Lalaki na makahalata si Sky.

Ginastusan ito ni General MJ, the ring was worth P580,000. Iba pa ang naging gastos ng Lalaki para sa Events Coordinator, Photographer at Videographer. Maging ang kakanta ng Live na isang sikat na Singer at mayroon ding sikat na Banda.

Wala pa ang maramis na Oo ni Sky ay nakahanda na rin si General MJ para sa kanilang Kasal, hindi niya ito balak tipirin.

Pati ang Bahay, Negosyo, mga Ari-arian at Pera sa Bangko na matagal na pinag ipunan ni General MJ para sa kaniyang Future.

Kinakabahan man si General MJ ay mas iniisip pa rin nito ang Kasiyahan ni Sky.

POSSESIVE WILD SERIES #4 ; HIDE AND SEEK by SKY AND MJWhere stories live. Discover now