LIKE A SHIT

14.3K 75 0
                                    

Habang naglalakad si General MJ at Sky ay hindi mapakali ang Babae dahil baka maabutan ni General MJ si Beverly at Capt. Salcedo na may ginagawang milagro.

"Pwede mo ba akong samahan sa Room ko para makaligo?"
Wika ni Sky.

"Doon ka na lamang maligo sa Kwarto at doon ka rin matulog ngayong gabi, magkatabi tayo. Para may kasama rin si Beverly." Wika ni General MJ.

"Sa Room ko na lamang para masolo kita." Palusot ni Sky.

"Huwag ka mag alala. May sariling Mundo iyon si Beverly, hindi niya tayo pakikialamanan." Natatawang wika ni General MJ.

Walang nagawa si Sky ng hilain siya ni General MJ papunta sa Room nila ni Beverly. Kinakabahan ang Babae.

Naka cross finger sabay hiling na sana ay wala na si Capt. Salcedo sa Kwarto nila Beverly at General MJ!

Habang papalapit sila ng papalapit ay nanghihina si Sky dahil alam niya na magagalit si General MJ sa maabutan sa loob ng Kwarto.

Hindi nala lock ang Pinto at tuloy tuloy na pumasok si General MJ at Sky. Nagulat pa ang Babae ng biglang nagmura si General MJ at kinuha nito ang Baril na nasa loob ng Bag nito, kinasal niya ito.

"Holy Shit! Salcedo bakit mo ginalaw si Beverly! Tangna ka!" Galit na Galit si General MJ habang papalapit sa Kama.

Naabutan nila na nasa ibabaw ni Capt. Salcedo si Beverly at wala silang mga saplot. Napabangon si Beverly at kumuha ng Towel para itakip sa kaniyang Katawan at inagaw ang Baril kay General MJ.

"Tangna ka! Hayop ka Salcedo! Ang daming Babae si Beverly pa ang kinana mo!" Sinugod nito si Capt. Salcedo.

Tumakbo si Sky para pumagitna kaya sakaniya naman nailipat ni General MJ ang galit nito.

"Alam mo ba ang lahat ng ito?"
Sigaw ni General MJ.

Yumuko si Sky habang nasa likod niya si Capt. Salcedo. Akmang susuntok si General MJ kay Sky ngunit nasalo ito ni Capt. Salcedo.

"Huwag mong Saktan si Sky! Babae iyan! Ako na lamang ang Saktan mo!"
Sigaw ni Capt. Salcedo.

"Tumigil na kayo! Hindi na ako Bata, MJ! Utang na loob naman. Bakit pinapalaki mo pa ito?"
Sigaw ni Beverly.

Tiningnan ito ni General MJ at nagpipigil na sumigaw.

"Iniingatan kita para dahil ikaw na lamang ang Pamilya ko, pero hinayaan mo na dungisan ka ng Lalaki na ito!"
Kalmadong wika ni General MJ.

"Parehas naming ginusto ito, MJ. Kaya pakiusap hayaan mo na Silang makalabas dito. Gusto ko ng magpahinga."
Pinal na wika ni Beverly.

"Lumabas na kayo! Huwag na huwag na muling magkikita ang mga Landas nating tatlo!" Sigaw ni General MJ.

Tiningnan ng masama ni General MJ si Sky at Salcedo ng masama. Halos hindi na ito makilala ni Sky sa mga ginawa at pinagsasabi nito sakaniya.

"Hayaan mong lumabas si Beverly ng Comfort Zone niya, hindi mo habambuhay ma kokontrol ang mga pusong gustong umibig."
Umiiyak na wika ni Sky.

Tumalikod na si Sky at inalalayan ito ni Capt. Salcedo dahil tila ito ay babagsak sa nasaksihan nito kay General MJ.

"I'm sorry, Sky. Nadamay ka pa."
Paumanhin ni Capt. Salcedo.

"Gusto ko ng umuwi, pakisabi kay Capt. Gringgo. Banggitin mo na lamang bukas kay Frinah na nagpahatid lamang ako kay Capt. Gringgo. I can't drive right now. Thank you."
Pahayag ni Capt. Salcedo.

Paalis na Silang lahat ngayon sa Palawan, naiwan na lamang doon Sila General MJ, Beverly at mga kasama nitong mga Kaibigan.

Walang nangahas na magsalita at magtanong habang nasa iisang Sasakyan lamang Sila Sky.

Nagpanggap na lamang ang babae na natutulog.

Shit! Para akong tae sa mga Mata ni General MJ kanina kung paano niya Ako tingnan.

POSSESIVE WILD SERIES #4 ; HIDE AND SEEK by SKY AND MJWhere stories live. Discover now