Larry mits POV
"Don......!!" Sigaw ko pagdating ko sa bakery.
Bakit ba nakakapagod ngayong sabado?
"Larry....kung pwede wag kang sumigaw ng malakas, ang sakit sa tenga," Natatawang sabi ni Don. at pumasok na sa loob.
Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Oh siya, dito kana ha!, at pupunta na ako" paalam ni Don.
"Opo, ingat po." Kinaway ko ang kamay ko.
Matapos ko i-prefer lahat, inilagay ko na ang mainit na bagong mga tinapay.
Tumunog ang cellphone ko, tinignan ko ito sino ang nag text saakin.Ang magandang si Fe: bakit hindi moko ginising?, lagot ka saakin pag-uwi!😤🙄
Natawa naman ako sa nilagay niyang emoji. Kahit naman gisingin ko siya, matutulog parin ulit. Hindi ko na ito nireplyan dahil may bumili.
"Magandang umaga po." bati ko sa Ginang na namimili ng mga tinapay.
"bale 50 pesos na Pandesal, neng..." Mahinang sabi ng Ginang at kumuha ng pera sa bag niya.
Inilagay kona sa supot iyong pandesal. Alas singko pa kasi kaya madaming bumibili ng pandesal.
Pagkabigay ko non ay saka ako nagpasalamat "Maraming salamat po," nginitian naman ako ng Ginang.
Rereplyan ko na sana si Ate Fe, ng may bumili na naman. Lumingon ako at sumilip.
"Ano ba sayo? ito nalang cookies, gusto mo?....wag na iyak ang Ellie ko.."lambing at mahinang sabi ng Ina sa anak niya.
Galing ata sila sa byahe, may bitbit pa kasi na bag.
"Takot ako, Ma..." Kinusot naman ng bata ang mata niya.
Imbis na tatanungin ko sila kung ano ang sakanila, pinagmasdan ko sila na nag-uusap mag-ina. Nakakainggit.
Namiss ko tuloy ang mga magulang ko. tuwing may mga ganitong eksina, hindi ko maiwasan na mainggit sa kanila.
Natauhan lang ako nang tumawa na ang bata. Parang ako lang dati, sa tuwing may pasalubong ang mga magulang ko, grabe na ang saya ko.
"Bente na pandesal, at cookies tatlo..." Pinunasan niya pa ang luha sa anak niya.
"Ito napo, maraming salamat po." Ngiti kung sabi sa Ina at nginitian ko rin ang bata. Kumaway naman ito at malawak ang ngiti.
Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina na papalayo, ay hindi ko namalayan na may tao pala sa gilid. Saka ko pa nalaman ng magsalita ito,
"Naiinggit kaba?..."
Napatalon ako, kumakabog ang dibdib ko sa bigla na pagsulpot. Putangina, kay aga ba naman.
Iyong kaba na sa mukha ko ay napalitan ng kunot ng noo at galit. Ano ba at palagi ito nakakainit ng ulo ang lalaking ito? Nandito na naman siya? Ang ingay niya talaga!!
Nakakrus pa ang kamay niya at nakasanday siya sa lagayan ng mga tinapay. Nakaharap siya sa daan, ngunit ang mukha ay nakabaling saakin, habang ang suot niya ay nakaitim na sando at short na puti. Nag jojogging ba ang lalaking ito? Sigurado ba siya? nag jogging pero ang sapatos ay iyong mabibigat? May sayad talaga.
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Kung bibili ka, bilisa-" naputol ang sinabi ko ng magsalita ito.
"Cookies, lima. pake lagay nalang sa supot...at tubig din, salamat." Seryosong sabi niya.
so, hindi na ako nag alinlangan pa inilagay kona sa supot ang limang cookies na inorder ng senyorito. Customer ko siya ngayon, hindi classmate.
Inilapag ko na ang supot na may lamang cookies at isang bottle na tubig.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...