Larry mits POV
"Larry."
Napabaling naman ako kay Ate Fe.
Nandito lang kami sa bahay ngayon, matapos naming maglinis sa buong silid ay napag desisyonan namin na titingin ng TV dahil mamaya pa naman daw ang klase niya.
"Bakit po Ate?" sagot ko naman dito.
Lumunok pa siya ng laway. Ang seryoso ni Ate Fe ngayon ah.
"What if,...what if makita mo yung pumatay sa mga magulang mo?"
Kaya naman dumilim ang paningin ko.
"Ang totoo ate... hanggang ngayon diko parin alam ano magiging reaction ko...kung makita ko man si...D-don,"
"Ang hirap. Nakakatruama. Buong buo parin sa utak ko kung paano niya binaboy na binaril sa harapan ko ang mga magulang ko.." may galit sa tono ko.
Ang sakit sakit mawalan ng magulang.
Lumapit si Ate Fe saakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry. Nag open pa ako,"
Natawa naman ako, " ano kaba Ate"
Matapos ang eksina namin ni Ate kaninang umaga ay sabay pa kaming namasyal sa Mall. Takdi, bakit ba at nag aya siya sa Mall? Daming pera Ate ah!
Habang busy si Ate Fe kakatanong sa nagtitinda ng cellphone ay busy din ang mga mata ko na tumitingin sa mga pamilya.
They're so happy. While me, the world was just tough for me. I don't even experience the best birthday ever. Poor me, never enjoy the childhood.
Sa busy ng pagtitingin sa mga magpamilya ay tinawag ako ni Ate Fe.
"Dito ka lang ha, babalik ako may tumawag lang." Ngiting sabi ni Ate Fe at kumaway habang papalayo.
Minsan talaga gusto ko makipagkwento kay Ate Fe, she never shared her life with me. Tapos ako halos lahat nalang ay nasabi ko na sa kaniya. Malalaman ko nalang na may problema siya pag umiiyak na at pag nasawi sa pag-ibig.
"Sakay tayo don, Ma.." A little girl call her Mom.
Pinagmasdan ko lamang sila. Dalawa sila magkapatid yung isa ay lalaki, mas matanda ka unti.
"Wait lang, may kausap pa si Mama" sabi naman ng Mama.
"Jazi, ahh..." Sinubuan naman ng lalaki ang batang babae, kapatid niya.
Kaya naman ay napasayaw pa ito dahil kanina pa pala takam na takam sa kinakain ng kuya niya. Ang cute nilang dalawa.
Nang makaalis na sila ay nanatili ang ngiti sa labi ko. Ang saya siguro kong hanggang ngayon nandito pa si Mama at Papa.
"Dalawa na tayong nakangiti"
Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Tangina.
"Buwesit ka Fuza!" Sigaw ko sa kaniya at binigyan ng irap.
"Shit...ako na naman, totoo naman kasing naiinggit ka eh! kahit ako." Depensa pa niya sa sarili.
"Mang aasar ka na naman ba, Fuza? Wala kabang magawa sa buhay mo–"
"Meron,"
Hindi na ako nagsalita at kinuha anh cellphone ko nang may nag text.
Ang magandang si Fe : bunso, may emergency lang na lakad si Ate Fe mo, gala ka mona riyan ha. Iloveyou:>
Habang binabasa ko ang message ni Ate Fe ay pagsulpot din ni Fuza sa likod. Binasa niya rin ang message ni Ate!
"Sanaol may I. Love. You..."
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...