Chapter 21

10 2 15
                                    

Larry mits POV

"Huy tarantado! baba mo yan." Tawag ko sa mga kaklase kung may pinagtatawanan na isang studyante habang binitay nila sa kahoy.

"Wag kana dito Larry, pag nakialam ka! Lagot ka samin!" Sabi naman ng isang bulldog.

"Do I care?, ibaba niyo yan o ibababa niyo?" Panakot ko pa dito.

"Pinagtatawanan lang naman namin eh! Napaka KJ mo talaga Larry, saka ayaw mambigay ng pagkain e" habang mahina silang napatawa at napatingin sa binitay nila na studyante.

"Ah pinagtatawanan niyo dahil di kayo binigyan ng pagkain?. . . kung tutuusin kayo pa nga ang may kaya na makabili ng pagkain e! Mga may sayad, kung kayo ang nasa posisyon niya tapos ibibitay kayo? sige nga, kung makapag bully kayo sa kapwa studyante niyo akala niyo yayaman kayo, sino ba ang mapapagod kakabully diba kayo? Masakit na nga sa panga kakatawa, Sayang pa sa oras! Mga bobo! para kayong mga bata." Mahabang sabi ko sa kanila at madaling itinuro ang studyante na nakabitay sa puno.

"Ano? Kung titigan yan? bababa naba siya? diba hindi? syempre tatanggalin talaga!. . ."

Binaba na nila ang studyante at saka umalis.

"Ayos ka lang?" Tanong ko dito dahil namutla nalang siya bigla. Malapit na talaga siguro siya kikitilin kanina, nakita ko lang.

"O-oo. . . salamat ha, Jonathan pala." Sabi niya kaya naman ay napalaki ang mata ko.

"Welcome. Una nako ah!" Naiilang kong sabi dito.

Tumalikod na ako at sabay din siyang naglakad sa classroom nila.

Di naman ako nag tanong kung ano pangalan niya e, malay ko ba sino siya. Basta, tinulungan ko lang siya! palagi nalang kasi tumatarget ang mga yun dito tuwing recess.

Tinignan ko uli ang lalaki na si Jonathan na papunta sa classroom nila, patuloy lang ako sa pag lalakad at ang tingin ay nasa likuran.

"Gago naman yun, di ko naman–" napatigil ako sa aking pagsasalita nang may makabangga akong tangina, ang laki laki ng daan sa nilalakaran kopa talaga, wala ba siyang mata?

"Ano ba?!" Galit kung hinirap ang bumangga saakin.

Napalaki pa ang mata ko dahil sa nakita ko.

"Ikaw pa ang galit, ikaw naman ang tingin ng tingin sa likuran. Hindi tinitignan ang nilalakaran." May galit sa boses niya habang pasulyap na nakatingin sa likuran ko.

Salubong ang kilay niya.

"Edi ikaw nalang sana umadjust!" sabi ko at dumaan sa giliran niya.

"Huy Larlarry, bakit ka ganyan? joke lang naman yung galit galitan ko sayo eh! pero totoo talaga na galit ako."

Napahinto ako at binalingan siya, ano daw? Putangina. di siya galit pero galit talaga siya? Argh may sayad talaga ang isang to!

"Huh? Wag ka ngang maging tarantado diyan, Vince!" Sabi ko sa lalaki na ngayo'y nakangisi at napakamot pa sa ulo.

Binigyan ko lang siya ng irap at tumalikod na agad.

"Selos kaya ako don,"

Mabilis lang niya yun sinabi, pero malakas.

Napahinto na naman ako at tinignan siya uli.

"Huh? nagseselos ka—? What? Saan ka nagseselo–" taka kung tanong sa kaniya.

"Sa lalaking nakatali sa puno kanina at ang pangalan ay Jonathan. . . sino pa ba ang kausap mo kanina kahit umalis na hindi parin mawala ang tingin mo." Malakas ang boses niya sauna hanggang sa panina na ng pahina sa dulo.

The Two Of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon