Larry mits POV
Kailangan mo ba talaga maging perpekto para lang magustuhan ka ng isang tao?
Sa tanong na iyan, ang masasagot ko.
Hindi, hindi mo na man kailangan maging perpekto para lang magustuhan ka ng isang tao, hindi mo kailangan magpakaperpekto para lang sa taong mahal mo. If she or he truly love you, tanggap ka niya kahit ano kapa.Iyan din ang dahilan bakit maraming magkarelasyon na nagkakahiwalay kasi hindi sila kuntento, gusto nila yung taong perpekto para sa kanila.
Napabugtong hininga ako bago kumatok sa kwarto ni Ate Fe,
"Ate Fe," katok ko uli sa pinto.
Nasa kwarto siya umiiyak, at ang rason...dahil sa pag-ibig. Tanginang lalaki yun, napaka play boy. Akala mo naman kasing gwapo talaga tulad ng artista, Sakalin ko siya eh!
"Yes be?...k-kung kakain kana, umuna k-kana...sunod lang...ako," sabi niya at parang nagpupunas at nagpipigil ng iyak.
Noong down na down ako sa sarili ko, si Ate Fe ang nandiyan.
Di na ako sumagot at tinulak na agad ang pinto ng kwarto niya. Nakita kopa ang mga nakakalat na picture sa kama, silang dalawa ng boyfriend niya.
Mag tatatlong taon nadin sila nong gagong lalaki na yon! pero sa loob ng tatlong taon si Ate Fe lang pala ang nagmahal. Diba, walang kwentang pag-ibig. Hindi patas!
"Ate Fe, wag kana magmukmok dito sa kwarto...ikaw lang ang mahihirapan, sige ka" sabi ko sa kaniya at pinulot ang mga picture at nilagay sa basurahan, nabubwesit talaga ako sa mukha ng lalaking to'
Tinabihan ko siya.
"Ate, di ka naman mabubusog sa iyak mo eh, kain ka mona...balik ka nalang iyak maya, sabayan pa kita!" Pagbibiro ko dito para makalma ang hikbi niya.
"Ikaw talaga," mahina niya pa akong hinampas at maya maya ay niyakap ako at isinandal ang ulo sa balikat.
"Larry ko, ito tandaan mo ha...when you choose a guy, dapat marunong makuntento sa isang tao. Dapat sirado ang puso niya sa iba' dapat na sayo lang ang puso niya....kung tunay ka niyang mahal, hindi ka niya paghihintayin sa ere, hindi ka niya gagawing tanga, at lalong hindi ka paiiyakin" rinig ko parin ang hikbi niya habang nagsasalita.
"I know that we can't stop our heart for loving someone, kahit na paulit ulit niya dinudurog ang puso natin...pero sa paraang ibinuhos natin ang pagmamahal sa isang tao, panalo tayo. Tayo ang nagwagi kahit pa na tayo ang nasasaktan,...panalo tayo sa pagbigay ng totoong pagmamahal sa isang tao. Kahit alam mo sa sarili mo na hindi mo matatamo ang pagmamahal niya, at least ikaw,..totoo ang pagmamahal na binigay mo para sa kaniya."
Habang naglalakad ako papunta sa school, lutang ang isip ko. Dahil sa sinabi ni Ate Fe, parang gusto ko nalang maging matandang dalaga, gaya ng sinabi sa akin ni Vince Rad.
Napakunot pa ang mukha ko sa biglang pagsulpot ng lalaki sa isip ko. What the hell? Ang lala talaga ng epekto ng lalaki saakin na iyon.
"Excuse me," what the fuck?
Napanganga pa ako sa narinig ko mula sa gate, tangina. Kakapasok pa lang niya sa utak ko...tapos maririnig ko na naman ang boses niya?! God, please help.
"Hi Larry mits.... good morning" sabi pa niya at sumabay sa paglakad.
Walang good sa morning' kung ikaw ang bungad!!
"Walang Good sa morning'," pabulong na sabi ko.
"Bakit naman?" Inosenting tanong niya.
Huminto pa ako at huminga na parang naiirita, " kasi, umagang umaga nakikita na naman kita," giit kung sabi at bumalik na sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...