Chapter 05

36 5 14
                                    

Larry mits POV

Siguro ang tanga ko non, bakit kaya ako pumayag na siya na agad ang partner ko sa project? Putangina naman oh! Ito ngayon, nagka deletché na.

Vince Rad Fuza active 10mins

9:36 am

You: huy, Fuza! Tanginamo mo, asan kana? may plano ka pa ba gumawa ng project?


Bakit koba ito chinat? Okay lang naman saakin na hindi kona siya ka partner sa project, hindi ba? tapos ngayon, tinext ko pa?. Umoo lang ako kahapon dahil gutom ako, paninindigan ko nalang ito.

9:43am

Vince Rad: sorry pu:/ ngayon ko pa po nakita ang message mo.
Sorry Larry(•﹏•) I'm shy na tuloy, madami kasi nag chat eh👉🙁👈

Dati ba itong gago? Siraulo niya naman!

You: bilisan mo at malapit na ang alas dyes, ano ba Vince Rad!

Vince Rad: don't forget the "Pogi"(⁠。⁠•̀⁠ᴗ⁠-⁠) Vince Rad Pogi👉☺️👈

Hindi ko nalang ito nireplyan at naghintay nalang malapit sa coffee shop. Saan naman kaya kami gagawa ng project? Hindi naman pala iyon masyadong mahirap ang gagawin namin, ang kaso lang kailangan talaga ng partner para may katulong ka.

habang nakamasid lang ako sa mga sasakyan na dumadaan, nabigla nalang ako ng may tumabi na saakin na parang dalawang pabango ang nilagay sa damit niya.

Umiwas ako dito at nagtakip ng panyo, nananadya talaga itong lalaki na ito eh!

Kaya naman ang ginawa niya, inamoy niya ang sarili niya. Tinignan niya pa ako habang nakakunot ang noo, at inamoy na naman uli ang damit niya.

"Guni-guni mo lang iyon Larry na mabaho ako, nagpabango kaya ako," depensa pa niya sa sarili.

Hindi ko naman sinabi na mabaho kang nilalang, ang tinutukoy kung pagtakip, ang pabango mo na subrang sakit sa ilong!

"Yung pabango mo, Vince. Ang sakit sa ilong" umusog na naman ako sa pagkakaupo.

"Napasubra ba?... ganyan talaga pag pogi!" Mahina pa siyang tumawa.

Masyado siyang mayabang, alam ko naman na may ipagmamalaki siya...na gwapo siya, pero yung pagiging mayabang niya wala na sa preno.

Sa bahay daw nila ng pinsan kami gagawa ng project. Sumunod nalang ako dito, hindi ko talaga alam bakit hindi sa sariling bahay nila! Hindi narin ako nag tanong, hindi naman kami close no! Feeling close lang siya.

"Oh Rad, pasok kayo," sabi pa ng pinsan niya.

Ito diba yung nakasasakyan at nag tanong kung kilala ko si Fuza? Wow, matino naman to ah! Bakit itong isa kinulang sa buwan!

"Tignan mo nga naman, ayaw na ayaw pa kayo ah! magka partner tuloy kayo sa project." Natawa naman ng mahina ang pinsan niya.

Napangiti ako. Ang gwapo niya ngumiti! Aaminin ko, may mga lahi siguro talaga ang mga Fuza!

"Huy Aldõnio, bat ka nakangiti diyan? kung tinulungan mopa ako dito.....dapat sa bahay nalang kasi eh! papansin din tong si insan!," sabi niya at pabulong na sabi sa huli.

The Two Of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon