Larry mits POV
"Sige na, Larry. please..."
"No,"
Kanina pa siya pilit ng pilit saakin na sasama mamaya, birthday daw ng Daddy niya at gusto niya na isama ako.
Bakit naman ako sasama? nakakahiya naman sa Daddy niya. saka hindi naman ako mahilig sa mga ganyan eh!
"Sige na, please...kakain ka lang don, babati ka kay daddy, tapos pwede kana magtaga sa madilim kung nahihiya ka o di mo gusto ang naroon." Paliwanag pa niya.
"Marami bang tao don?"
"K-kami lang nila Daddy, Mama at—"
"Sige na nga, puro ka pilit kanina kapa." Suko kung sabi sa kaniya.
Isang Fuza? hindi yan titigil basta hindi ka mapapaoo.
"Yes!"
Masayang sabi niya kaya naman ay mahina pa akong natawa.
"Ay hala Vince, b-baka si Ate Fe di papayag e..." Kaya naman ay tumingin pa siya saakin at mas lalong lumawak ang ngiti.
Eh?
"Tapos na, pumayag na si Ate Fe. Ikaw nalang hinintay ko na pumayag." sabay kidhat.
Napangiwi naman ako sa narinig ko, tarantado talaga ang isa to!
"Kung hindi ka sasama, di nalang ako pupunta." May tampo pa sa boses niya.
"Sasama nga ako. Basta, curfew ha! iuwi mo ako ala—" bastos talaga ang isang to!
"By 10, don't worry ihahatid kita. Ano gusto mong sasakyan? kotse, airplan–"
Dahil may bitbit akong plastic na mineral hinampas ko ito sa balikat niya.
"Isa pang ganyan, tamo di ako sasama, tandaan mo yan! Buang ka."
"Oo na, behave nako'." Napaupo pa siya nang deritso.
Napatingin pa ang iilang mga kaklase namin, alam ko na rinig na rinig nila ang usapan namin. pero tangina, wala akong pakialam sa kanila no! dedma sa mga chismosa! kung iniisip nila na may pagitan samin dalawa ni Vince, wala akong pake, ikalat pa nila.
Habang naglalakad ako papuntang library ay nakasalubong ko ang pamilyar na babae, siya yung nagbigay kay Vince ng chocolate.
Huminto ako dito dahil parang ako naman ang pakay nila. Huminto ang babae na nagbigay ng chocolate kay Vince dati, naka krus ang kamay at taray na tinignan ako ulo hanggang paa. Nagdala pa talaga siya ng dalawang bulldog.
"Tell me, anong meron sainyo dalawa ni Vince?"
Napamura pa ako sa isip ko, puta! baka akala mo magkasing edad lang tayo neng, kung makaasta parang di tinuruan ng manners.
Pag mga ganitong asta saakin, madali lang akong kausap eh.
"Bakit gusto mo pa malaman e obvious naman, hindi ba?" Ginaya ko rin ang posisyon niya.
Naka krus, taray ang tingin at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Maganda lang suot mo, pangit naman ang ugali."Ako ang nagtatanong diba?..." Halatang mainit na ang ulo.
"Girlfriend niya ako, boyfriend ko din siya."
Wag na wag moko hamunin, kaya kong makipagsabunotan kahit sa harap pa ng maraming tao. Sanay nga ako manglimos sa daan, sa sabunotan pa kaya.
May salita na gusto lumabas sa bibig niya pero tanging namumula ng pisngi lang at kunot noo.
Nilagpasan ko lang sila at patuloy na sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...