Larry mits POV
I can't move my body, pawis na pawis ako kahit na ang lamig ng silid.
"Larry, you okay?..."
Tumango lang ako sa tanong ni Vince, at mas lalong diniin ang titig ko sa Don.
"Kain mona tayo," hinawakan pa ni Vince ang balikat ko para mapatalikod sa kanila.
Narinig ko din ang matandang babae, ang tinutukoy ni Vince na tunay na asawa ng Daddy niya.
"Happy birthday, Hon!"
"Happy birthday, Vyxcent..."
Marami ang bumati pero ang mas narinig ko ay ang Don, ngayon ko lamang narinig ang boses niya. Wala paring pinagkaiba, masama parin kung magsalita.
Nagpaalam pa si Vince sa Daddy niya na kakain mona kami, alam ko na napabaling sila saamin dahil sa pagtawag ni Vince. Hindi ako lumingon dito at nakayuko lang, narinig ko pa ang Asawa ni Tito Vyxcent..."girlfriend yan ni Vince, Hon?" Sumagot naman si Tito kaya tumahimik na siya.
"Kanina kapa tahimik, Larry. di naman kita inaway ah, pasensya na... ang pagkakaalam kasi ni Dad ay ipapakilala kita bilang g-girl friend ko," nahihiya tugon niya.
Nasa labas kami ngayon, nagpapahangin. Matapos kasi naming kumain ay pinigilan ko si Vince Rad na hindi mona kami pupunta sa loob, mukhang busy nadin sila. Ayaw ko din makita ang naroon.
"Wala naman saakin yon, Rad." sabi ko kaagad sa kaniya.
Nilalaruan ko ang mga buhangin, ngayon lang ulit ako nakahawak nito.
"Larry...bakit Rad?"
Napatingin naman ako ng tingin sa kaniya, nakanguso na ito.
"Pangalan mo? nakakain ka lang nakalimutan mona pangalan mo" pilit na nililibang ang lungkot, galit sa nakita ko kanina.
I can't lie, hindi ko pa pala kaya ang mag higanti, hindi pa kaya ng sarili ko na makaharap at makausap ang pumatay sa magulang ko.
"Vince ang gusto ko."
"Edi, Vince."
Tanging alon lang at hangin ang nagbibigay ingay, ni wala saaming dalawa ang nagsalita.
Basta ang iniisip ko ngayon, paano at ano ang gagawin ko kung magkataon man na magkita kami ni Don. Cuscio Custodo Bernatinm.
Tuwing naaalala ko ang nangyayari saakin, bigla bigla nalang tutulo ang luha ko, kahit tanggap ko na wala na sina Mama at Papa, isinisisi ko parin ang sarili ko dahil wala man lang akong nagawa sa mga oras na yon, naging mahina ako. umiyak lang ako hanggang sa duguan na ang mga katawan nila.
"Larry, bakit ka umiiyak? Larlarry naman eh! sabing hindi kita ina..."
Dahil nadala ako sa mga iyak ko, yumakap ako kay Vince bago ibinuhos ang iyak sa balikat niya.
"away..." Hinahaplos lamang niya ang buhok ko at pinapatahan sa pag iyak.
"Shh... tahan na, Larry."
"susumbong natin yan kay God, inaaway ang angel niya...tahan na!"
"V-vince... h-hind–" hindi ko kaya makita si Don.
"I know, I know Larry. alam kong hindi mo pa kaya, no pressure, andito si Vince." Iba ang ibigsabihin niya.
Nang tumahan na ako sa kakaiyak, naramdaman ko pa ang bigat sa mata ko, gusto ko na matulog. Gusto ko itulog ang lahat ng iniisip ko.
"Magpaalam mona tayo kay Dad, bago tayo umalis." Sabi pa ni Vince na ngayo'y sinusuklayan na ang buhok ko gamit ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...