Larry mits POV
"Ate, hating gabi na ah? Bakit ngayon kapa?"
Iyan agad ang sinabi ko ni Ate ng makapasok siya sa bahay, nakaramdam pa ako na amoy alak na naman siya.
"Ate, ano ba ang nangyayari sayo?, pwede ka naman magsabi sakin diba?..." Inalalayan ko siyang makaupo.
"H-hindi ko kaya at hindi ko pwede sabihin sayo..." At humagulgol na ito ng iyak.
Anong hindi kaya at hindi pwede?, Hindi ko maintindihan. Anong ibigsabihin ni Ate Fe?
"A-anong Hindi pwede sabihin s-saakin Ate Fe?, ang alin?" Gulo kong sabi sa kaniya.
"I...b-basta bunso, sasabihin ko naman eh! hindi pa ako handa, lika na matulog na tayo," sabay tayo at deritso sa kwarto.
Hindi ko maintindihan ano nga ba ang tinutukoy ni Ate Fe. Sadyang nakakapanibago lamang siya. Nong isang araw pumunta ako sa college, okay naman siya. Masiyahin, palangiti. Gusto ko man kausapin si Ate Fe kung ano ang nangyayari sakanya, iniiba na niya agad ang usapan. Alam ko naman na hindi talaga siya magkukwento saakin ng problema, nagkukwento lamang yan pag good news. Mabait si Ate Fe, pero ang hindi ko gusto sa kaniya ay palagi nalang niya sinasarili ang problema.
Lumingon uli ito saakin at ngumiti, "halika ka na, bunso..."
Pagkagising ko ay nakulangan pa ako sa tulog. Gumising pa ako ng alas tres para tapusin ang project ko, kaya ayon pagdating ko sa school para akong boang na naglalakad sa gilid ng kalsada. Naramdaman kopa ang mata ko na halos gusto na pumukit, ramdam ko din na parang namaga pa ang mata ko.
Pagkadating ko agad sa inuupuan ko ay bagsak na napaupo ako at sinubsob na sa desk. Hindi ko namalayan nakatulog ako.
Narinig kopa ang ingay ng mga kaklase ko...at sa usapan nila andon ang pangalan ni Fuza.
"Huy! kita niyo ba yung post ni Vince?...may pinaparinggan talaga iyon eh!"
"Ako yun, te"
"Chaka!, kita ko din kagabi eh! sino kaya yun?"
"Vince Rad "parinig sakin" Fuza"
"Kapal mo! Ayaw niya sa bagsak!"
Nagtawanan pa sila bago tumahimik.
Gusto ko nga sana buksan ang mata ko, kaso subrang antok ng mata ko, ayaw magpabukas."Ang aga, natulog agad."
Natulog lang ako pero rinig ko ang ingay. At rinig ko ang mahina na pagkasabi non dahil malapit lang iyon.
Kampanti talaga ako na matulog ngayong umaga dahil wala kaming klase sa first period.
"Good morning, class."
Nang marinig iyon ay para akong hinampas ng tabo sa narinig, tangina? Second period na?, napahaba ata ang tulog ko ah.
Para pa akong matutumba dahil sa biglang pagtayo ko. Kahit na gusto ko kusot kusotin ang mata ko ay mas pinili ko ibuka ang mata. Baka sakin deritso ang mata ni Ma'am, lagot na talaga.
"Have a sit, class."
Nagsiupuan na ang lahat.
Kumunot agad ang noo ko dahil nang lumingon ako sa left side, nakita ko si Fuza na nakatingin sakin. What?—tatanungin niya ba ako bakit ang haba ng tulog ko sa classroom?
Napanganga pa ang bibig ko at nakataas ang kilay. Tulala na naman ang isang to!
"So, class..."
Kaya naman ay bumaling na ako sa harap at baka mahuli pa ako ni Ma'am at pasagutin niya ako. Hindi pa naman ako nag review about sa topic namin last week!
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...