Larry mits POV
"Ama mo. . .si D-don. Cuscio Custodo Bernatinm?!" Halos iyak lang ang maririnig dahil sa mahina ang pagkabigkas ko.
"A-ate ko. . ." Yumuko ako at ibinuhos ang iyak.
Pansin ko ang pagkatulala ni Ate sa harap ko, h-hindi, hindi to totoo ang lahat! Hindi!
"Alam ko Larry, alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon dahil sa natuklasan mo pero. . . L-let me explain b-bunso, pleas–" pagmamakaawa niya saakin para pakinggan lamang ang sasabihin niya.
"Wag moko tatawagin na bunso, dahil hindi kita kapatid!"
Matapos ko sabihin ang katagang salita na iyon, agad akong tumalikod at lumabas ng bahay.
Putangina! Hindi ko alam ano ang nangyayari!. Kaya ba na noong nakaraan hindi niya masabi sabi saakin kung ano ang nangyayari sa kaniya? Kung bakit ayaw niya makwento saakin kung ano talaga ang buong pagkatao niya? dahil hindi niya masabi saakin ang mga nangyayari?!
Galit at tampo ang nararamdaman ko sa mga Oras na ito!
Pag bukas ko pa lamang nang pinto, nakita ko na si Vince Rad sa labas ng gate.
Nahiya ako na tinignan siya, alam ko na nagulat siya at alam ko na rinig niya lahat ng pinag uusapan namin at sigawan namin ni Ate Fe sa loob, kung kanina pa siya rito.
Naka uniform pa ako.
"P-pwede ba. . . Vince na— bukas nalang? W-wag mona ngayon?" Saka binuksan ang gate at mabilis na tumakbo.
Hindi ko alam saan ako pupunta, basta ang nasa isip ko ngayon, ayaw ko mona umuwi sa bahay at ayaw ko mona rin makita si Ate Fe. Grabe ang tampo ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na siya ang babalik sa sakit na naranasan ko noon.
"Larry!. . ." sigaw ni Vince.
Huminto ako sa pagtakbo. Hindi ko siya nilingon.
"Sakay." Maikling sabi nito at mukhang nahihiya na halos ayaw tumingin saakin.
"Ayoko." Aniya ko.
"Larry naman eh, kung mapano ka diyan ha?. . . madaming tambay dito, at idagdag niyo pa ang away ng Ate Fe niyo sumigaw kap–" tumigil siya sa pagsatsat dahil makasakay na ako sa sasakyan.
Tinignan ko siya nang masama kaya naman ay napalunok pa siya.
"Okay okay. . ."
Tumahimik nang ilang segundo at hindi siya mapakali sa pwesto niya.
"Kung natatae kana Vince, labas ka." Seryosong sabi ko.
Napahinto pa bigla siya at nilingon ako ng deritso.
"Ano? Larry naman, ang badoy mo!" Halatang irita at di gusto ang sinabi ko.
Hindi ko na siya pinansin at malalim ang iniisip.
Kung si Ate Fe ay anak ni Don. Cuscio Custodo Bernatinm, bakit iba ang ugali ni Ate?.
Isa sa nagpagulo sa isip ko at kung bakit hindi naging masama saakin. Kilala naman kasi ang mga Bernatinm bilang masasamang tao sa lugar namin dati, simula nong mabulgar na nakapatay ang isa sa anak ni Don. Cuscio.
Pero. . . ang hindi ko din lubos maisip bakit inilim ni Ate Fe ang tungkol kay Don saakin, ayokong isipin ng masama ang Ate ko. Hindi ko kayang pagbintangan siya, siya lang ang naging pamilya ko sa panahong walang wala ako. Sadyang. . . nawalan ako ng preno sa pagsasalita dahil sa nasaksihan ko kanina, hindi ko naman inaasahan ang mga nangyari eh.
Kung hindi ako umalis at tumakbo sa bahay kanina, baka kumalma na ako at maintindihan ko kung bakit at ano ang nangyayari.
Pero wala eh. . . iniwan ko si Ate at binigyan ng masakit na salita.
"Ito ang radio balita mula sa gabing ito! dito natin masasaksihan kung gaano nga ba ka tahimik si Larry mits Aldõnio, kanina pa ako satsat ng satsat dito pero tulala parin!"
Hinintay ko siya matapos ang salita niya at nag tanong nang seryoso.
"Vince, mali diba ang ginawa ko kay Ate Fe kanina?. . ." Malungkot kong tanong.
"Maling Mali!" Proud nitong sabi saakin.
"Ah—este oo, may mali sa ginawa mo."
Huminto kami sa patag, kung saan may magandang tanawin, makikita yung malawak na dagat tanging ang ilaw lang na nagbibigay sa lugar ay mga bituin.
Nakasandal lang kami sa sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan. May iilan parin na dumadaan na sasakyan.
"Gusto mo?" Inabot ni Vince yung Ice cream na binili niya daw kanina, papunta siya sa bahay.
Request daw iyon ni Ate Fe, ngumiti naman ako sa narinig.
Kinuha ko ang ice cream na binigay niya. Hindi pa naman iyon natutunaw.
"Alam mo ba Vince, nagsisisi ako sa g-ginawa ko kanina kay Ate. . ."
Nakatingin lamang kami sa karagatan.
"Kasi, h-hindi ko pinakinggan ang side niya, hindi ako nakinig. Pinairal ko ang galit at tampo kanina. . . Siguro kong nakinig lang sana ako, alam ko na ang gusto niyang sabihin saakin. Kasi alam ko naman eh! Alam ko na may reason siya kung bakit hindi niya masabi iyon saakin na. . ." Napahina ang boses ko dahil muntik ko na masabi ang tungkol kay Don.
Napayuko nalang ako at napahikbi dahil sa pagsisisi na nagawa ko kanina.
"Larry. . . nabigla ka lang, kaya siguro nagawa mo ang bagay na yon. Nasigawan mo si Ate Fe, hanggang kanto pa nga yon eh! But, believe me. it's doesn't matter kahit pa na nasigawan mo si Ate Fe mapapatawad ka non, isang sorry mo lang sa kaniya tiyak na mabilis ka niyang yakapin non!. . . Larry, kung ang taong totoong nag mamahal sayo, kahit na nagkasala ka man, tatanggapin ka parin nila tulad ng pag tanggap sayo sa una." Huminto siya at nagbigay ng bugtong hininga.
"Kung mahal ka. Joke lang, syempre mahal ka ni Ate Fe mo nang subra! Binalaan nga ako non eh, ipapabugbog daw ako pag sinaktan kita."
Natawa naman ako sa huling sinabi niya. Nagawa niya pa talagang magbiro.
"Ito na talaga Larlarry ko, trust me. Mahal na mahal ka ng Ate Fe mo." Seryosong sabi niya, tinignan ako at nagbigay ng totoong ngiti.
"Pati ako. . ."
"Mag seryoso ka nga Vince!"
"Seryoso naman ako ah!" Pag depensa pa niya sa sarili.
"Saan ka seryoso? Puro ka nga kalukuh–"
"Sayo. . ."
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa loob ng kotse.
Ilang minuto pa pero wala man lang anino ni Fuza ang pumasok sa kotse.
"Fuza!"
"I'm not Fuza, imo Vince Rad, in short pogi."
Ramdam ko ang kunot noong sabi nito kaya mas lalo akong tumawa.
Masyadong matampuhin ang isang to,
Pumasok nako ulit sa sasakyan, alam ko naman na pag di siya pinilit susunod din naman iyan. Papasok parin yan dito sa kotse.
Basta ang iniisip ko, uuwi ako at haharapin ko si Ate Fe. Yun nga lang, paano? Nakakahiya. Kanina grabe ako, parang di na ako. . . Ngayon naman para akong timang na ang laki nang sala at ayaw na bumalik pa.
"Pinanganak ka bang–" pag rereklamo niya sabay upo.
Sinasabi ko nga ba, papasok din. Nauubos na ang pasensya.
"Ano?" Galit kong tanong.
Agad siyang umiwas at nagpapakabingi na walang narinig.
"Uuwi ka sainyo at kakausapin mo ang Ate Fe mo! sa ayaw at sa gusto mo uuwi ka, manghihingi ka ng sorry sa nagawa mo kanina sa kaniya. cause I will be your boyfriend and future husband soon, not now but soon." Sa mahabang sabi nito ay hindi ko pansin na pina andar na niya pala ang kotse.
"Let's go."
Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Masyadong malawak ang utak niya, dalhin ko na to sa mental, baka lumala lang kung hindi dadalhin.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...