Chapter 04

35 8 18
                                    

Larry mits POV

Denelete ko ang friend request ni Fuza kagabi. Akala ko na may sadya siya, ngunit nag hintay ako kagabi, pero hindi naman nag message. Ano pa ang silbi niya sa add friend niya kung wala siyang sadya. Plus, nakakairita din ang isang account niya. Dump account ata niya iyon, pati sa Facebook dinadala ang pagiging feeling!

"So class, we already done discussion about this topic. Naisip ko na... gagawin niyo ito, this is my requirements for this quarter." Ito na naman sa project oh!

"Ma'am? Excuse me po, ilang grupo po daw sabi ni Aniya." Tinuro pa niya si Aniya na nagsusulat, kaya naman napabaling siya kay Ashton. Ito talaga, kahit hindi ka naman nagtanong, mabibigla ka nalang may bumanggit na sa pangalan mo.

"By pair. kayo na bahala, Choose your partner nalang mga anak," pagkasabi ni Ma'am ay nagpaalam na agad siya dahil may meeting pa siyang hahabulin.

Wag kang maghabol ma'am, hindi ka aso! Ikaw lang mapapagod sa huli.

Tahimik lang ako habang ang mga classmate ko ay may mga partner na. Pag pair partner talaga, tapos project pa. Napipilitan nalang ako na mag-isa gumawa.

"Be my partner, Aldõnio."

Anong Be my partner? Puta!, malinaw sana ang pagkasabi, hindi iyong mabibigla ka at mapapaoverthink ng wala sa oras!

"Ayoko." Giit kung sabi sa lalaking nagsabi.

Kapal mo no! anong ginawa mo nong sabado?!

"Oh! Grabe talaga, ayaw mo ba talaga ako ma partner? Ayaw mo non, may pogi ka ng kasama, palagi mo pang makakaharap tuwing gumagawa tayo project" edi wow, only me mona lang yang sinabi mo! nakakabingi.

Tinignan ko lang ito ng ilang segundo at binaling ang tingin sa labas.

May narinig pa ako na may gusto maging partner sa project, pero hindi ko naman siya narinig na umoo.

" Huy, Aldõnio. Ayaw mo?, alam ko na sanay ka na maging independent Ginang—este Woman pala, pero alam ko na mahirap naman ang project na gagawin natin, at hindi mo kay-"

"Kaya ko." Kaya ko nga, kahit gawaing panlalaki. Sanay ang isang Aldõnio!

"Sige na, Larry mits Aldõnio." Hindi ko talaga alam kung meron ba siyang plano o trip trip niya lang to' may sayad pa naman siya.

"Payag ako, pag.....ikaw bibili lahat ng gamit para sa gagawin nating project"banta ko dito, kaya naman napanganga siya.

"Sige ba, ikaw gumaw-" hindi ko siya Pinatapos nang hinampas ko ang balikat niya.

Hindi pa siya nakapag react ay agad kong pulusot na sabi "papasok na si Sir." tamang tama din ay biglang pagpasok ni Sir.

May binulong pa si Fuza na hindi ko marinig. Ang sakit ng balikat ko, Aldõnio!

Habang nasa canteen ay nagsisiksikan pa ang mga studyante. Badtrip! Minsan na nga lang pumunta sa canteen, dipa makabili dahil sa siksikan.

Umupo mona ako sa bakanteng upuan. Itinabi kopa ang mga pinagkainan ng mga studyante na umalis sa inupuan ko'. Kay simpleng Gawain, pero hindi magawa. Masyadong mga senyorito at senyorita! parang hindi nakaranas ng disiplina sa magulang at sa guro.

Napailing nalang ako at tinabi ang mga nakakalat pa na mga basura.
Inayos ko ang pagkaupo ko, bagong plansa kasi ang uniform ko kaya tudo ingat si Larry. Ang hirap pa naman labhan ng uniform namin.

Habang busy ako kakatingin sa mga studyanteng nakalinya, nakaramdam ako ng presensya mula sa likod ko,

"Ehemm....ehem," Fuza.

"Aldõnio, bakit hindi ko na receive sa notification ko ang pangalan mo sa Facebook?.." nagtitipa pa siya sa cellphone niya.

"Ayaw mo nun? may cute at pogi sa Facebook..."

I still don't listen to him. Magdusa ka diyan! Magsalita ka mag isa, sanay ka naman eh.

"Denelete moba friend request ko?...huy inaadd kita dahil ikaw partner ko sa project, saka we are the family in the classroom, right?" Ang daldal niya talaga.

"Bakit isang pictur–" mahina niyang sabi, pero dahil hindi ko parin pinapatulan ang sinasabi niya. Tumayo na ito, at sumiksik sa mga nakapila.

Natawa pa ako dahil ang lalaking nasa likod ko ay umalis na. Akala niya siguro, papatulan ko ang sayad niya. Hell no! Nagugutom na ako!

Narinig kopa ang boses ni Fuza sa mga nagsisiksikan na mga studyante.

"Hep, hep....padaan po! Tita ko po iyang nag titinda, patabi po." Ano daw? Tita? ni hindi nga yan siya Kilala eh! sa tagal kong nag aaral rito, hindi kopa kilala ang nagtitinda dito. Ako talaga nahiya sa kaniya!

Nawalan na ako nang gana, kaya naman tumayo na ako at tumalikod. Nagugutom nanga, iyon pa mararating ko dito, Malas naman!

Hindi ko alam kung may tumawag ba talaga sa pangalan ko, o guniguni ko lamang iyon.

"Larry mits Aldõnio!"

Nakalabas na ako sa canteen ng may malakas na sigaw mula sa likod ko,

"Larry mits Aldõnio, be my partner."

Putangina??!!!! bakit ba parang speaker ang bibig niya? At tangina? Baka akala nila, tungkol iyon sa magkasintahan na gusto ko siya na maging ano—puta? Nakakahiya naman oh! Nasa akin nga lahat ang atensyon, pero maling atensyon ata nila ang nakuha ko. Tanginamo mo Fuza!!

Ano to? K-drama ha? yung naging slow mo ang lahat? Tapos ang dalawang main lead, nag eemote sa gitna ng daan? Kami na ata iyong pinagtitinginan ng tao eh!, nasa gitna pa talaga ng Canteen?

Nakahawak pa siya ng dalawang coke at sandwich habang seryosong nakatingin sa akin.

Tinignan ko lang ng masama si Fuza, bago mahiyang tinignan ang mga studyante sa gilid. Grabe, ano ba ang nakain niya at bakit sa dinami dami na pwede sabihin, iyon pa talaga? Nakakahiya.

Tumalikod na ako at mabilis na naglakad....

Pagkapasok ko agad sa classroom ay isinubsob ko ang mukha ko sa bag na nilagay ko sa desk. The hell? Nagugutom na talaga ako.

"Alam ko na gutom kana Aldõnio, kainin mona itong binili ko." May seryoso sa tono niya.

Kailan pa ito naging seryoso? Wala! Dahil maya maya nyan, papasok na naman ang pagiging baliw niya.

"Sige na Larry..."

"Ano ba gusto mo? Kantahan pa kita para malaman mo na seryoso ako na ibibigay ko talaga ito sayo?.... sumiksik pa naman ako nito, kahit saakin na lahat ang baho ng pawis at kilibells nila..."

Pagkasabi niya noon, imbis na magalit ay natawa pa ako sa last.

Ang sarap sipain ng lalaking ito.

"Sorry na, baby ko. Wag ka nang magtamp-" panimula pa niya sa kanta niya.

"Wag ka na kumanta ang sakit mo sa tenga..." Sabi ko at inagaw ang pagkain sa kamay niya. Pilit ko tinatabunan ang hiya. Puta, gutom kana nga magpapaayaw kapa ba?

"Be my partner, then."

The Two Of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon