Vince Rad POV
Miss ko na si Mami.
Iyan lagi ang sinasabi ko sa tuwing
may nakikita akong Nanay habang nagpupunas ng likod sa anak nila.Si Mami nalang nga ang inaasahan at nakakapitan ko, iniwan pa niya ako.
Palagi nalang tuwing naaalala ko ang nakaraan, kung paano nila binaboy na pinatay si Mami sa mismong kaarawan niya. Hindi ko maiwasan na maiyak, hindi ko kaya at matanggap bakit kay Mami pa iyon nangyari.
"Vince Rad!" Sigaw ni Daddy saakin mula sa labas ng kwarto ko at may malakas na katok.
"Yes, Dad?.."I asked while not staring at him. I couldn't. Galit na galit ang mata niya.
"You will not stay here," panimula pa niya sa usapan.
My eyes widely. What? Is he saying that I don't belong in this house? Yeah, Vince Rad. Hindi ka naman talaga belong kasi pang no choice kalang, dala mo lang naman ang apelyido ng Daddy mo, kaya kapa nandito sa mansyon nila. Kasi, Fuza ka. Hindi naman kasal ang Mami mo at Daddy mo eh!
"Bakit po ba,...D-dad?" Napahina ang boses ko.
I don't know why I a'm felt like excited and mixed worry.
"Basta. None of your business, Rad." Oo nga Rad, tanong ka ng tanong iyan lang naman ang isasagot niyan eh!
"Isasama kita kay Manang pesa, bahay natin sa Kaluog. Don't worry, na transfer na kita sa school malapit lang don, doon ka magtatapos ng grade 10 at ang financial mo text or call me, what you need Rad." Matapos niyang sabihin ay umalis na ito.
For what I've said, dahil sa nangyari kay Mami... hindi ako nakapag aral noon, natigil ako ng ilang taon sa pag-aaral. Seventeen na ako nong nag grade 10 ako, and now this year, I'm finally getting eighteen na.
Hindi na pinatagal ni Dad ang sinabi niya, pagkabukas ay umalis na kami sa bahay ni Manang pesa. Buti nalang ay may tumayong magulang saakin, at iyon ay si Manang pesa. Mabait, Maalaga, at higit sa lahat mapagmahal. siya lang kasi ang lumalaban saakin noon, sa tuwing sinasaktan ako sa tunay na Asawa ni Dad, at sa mga anak nito... Si Manang lang ang tumatanggol saakin.
Naaalala kopa noon, tuwing uwian ay pinapagod ko ang sarili ko sa paglalaro sa school, para pag uwi sa bahay ay hindi ko maririnig ang mga bulyawan nila Dad at sa Asawa niya. Minsan pag nadadamay ako sa usapan ay pinapapasok ako ni Manang sa loob. Nakakapagod sila.
"Na ayos mona ba ang kwarto mo, Vince?" Manang Pesa asked me.
"Yes po, Ma." Mama ang tawag ko sa kaniya dahil ang taas ng Manang Pesa, at ayaw ko na tawagin ko siya non.
"Intindihin mona lang ang Daddy mo, diba sabi niya, pupunta naman daw siya rito tuwing may vacant siya sa trabaho. Ayos lang yan, nak ha... nandito naman si Mama," ngiti niya pang sabi habang nag iihaw ng pangumagahan namin.
Alam ko na pinapagaan lang ni Mama ang loob ko, pero ayos na kung ganito. Kaya hindi ako galit kay daddy e, dahil ito sa mga sinasabi ni Mama!
Nakausap ko din si Don., nong iginala ako ni Mama sa mga kapitbahay namin dito, nakakaproud lang dahil Isa si Don sa driver namin noon sa mansyon, tapos ngayon may sarili nang bakery.
"Oh Pogi, nandito ka pala.... mabuti at nakabisita ka dito sa dating bahay mo," masayang sabi ni Don.
"Bahay ko daw," natawa naman ako.
Don! Diko po bahay to, nakapangalan lang!Okay ako na nakatira ako dito. Kasi sino naman kasi ang hindi?, Iwas na sa ingay sa mansyon. I have a freedom na, hindi na ako nakatali sa lubid nila.
Nandito naman si Mama, si Don. At ang pinsan ko.Parang si Draken lang ang tinuring ko na pinsan, kasi siya lang naman ang nakilala ko. he's from my mother side, kaya naman tuwang tuwa ako dahil dito pala sila nakatira.
"You will be stay here?...as in hanggat kailangan gusto ng Dad mo?" Tanong ni Insan saakin kaya naman ay napabaling si Tita saamin. Chismosa mo Tita!
"What? Akala koba bakasyon ka lang rito?" Hindi ko alam ano ang ibigsabihin ni Tita.
"Dito daw ako magtatapos ng Junior," sabi ko sa kanila.
"Baka ang Junior, maging college iyan!" sabi pa ni Insan.
"Ayos lang, mabuti pa at dito ka Rad, dika safe doon...baka magalit ang Mami mo sakin, dahil diko naisilip ang Anakin ko"
"Nako Tita, ayos lang.... Pogi naman ako" kaya naman ay sabay kami nagtawanan.
Sa ilang weeks ko na nakatira dito, I feel so Happy. Kahit na kami lang dalawa ni Mama sa bahay ay Masaya kami. Wala nang bulyawan ang maririnig ko tuwing uuwi ako.
"Ay nak, maaga pa naman...bili ka mona pandesal, lakarin mona lang. Malapit lang naman eh! Deritso lang lakad mo,tapos makikita mo ang pangalan na Don Bakery's" tumawa pa si Mama.
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan na mailang sa mga tagarito.
Ang gwapo mo talaga, Vince Rad! tinitignan ka ng mga tao.
Nasa labas pa ako at may pagkalayo sa Bakery ni Don ay sumigaw na ako,
"Magandang umaga Don. Pedro, nandito na naman ang customer mo na pogi!" Sigaw ko.
Nang makarating ako sa loob ay nagulat pa ako dahil sa nakita ko. Tangina. Nakakahiya, akala ko si Don. Sabi ni Mama si Don lang ang nagtitinda sa mismong Bakery niya, eh bakit babae to?
Dahil sa hiya ay may pabiro pa akong nagawa, kahit hindi naman nakakatawa. Tangina, pogi lang ako e hindi tanga! "Halaa.... Bat naging batang babae ka Don. Pedro" tawa ko pa na peke.
Pero tinignan niya lang ako.
"Hi Miss, ikaw ba ang nagtitinda dito?" May pa kamot pa ako sa ulo.
"Obvious po ba? kung wala na po kayong katanungan....maaari ka ng pumili o umalis nalang" seryosong sabi niya.
Wow. Parang napadpad ata tong isang to eh! Pang 19's.
"Masyado ka namang seryoso aking binibini. Tayo'y nasa bagong Henerasyon na, bakit nasa 19's parin ang iyong mga salita" pa seryoso kung sabi dito.
Ang sarap niya pikunin.
"Nanggagago kaba?" Galit pa niyang sabi saakin.
Woah, chill lang miss, para kang dinosaur.
"Hindi kita ginagago aking Binibini, ipinapakita ko lamang ang aking kagwapuhan sayo" Mas lalo lamang uminit ang dugo niya saakin.
"Ano ba? Bibili kaba o hindi?"
"Bibili miss" maayos na sabi ko nang makita na nawala na siya ng gana sa sinasabi ko.
sabi ko nga hindi tayo close!
"Iyon naman pala eh! Anong sayo?" Naghanda na ng supot.
"May bagong luto si Don ngayon, itong pandesal mainit pa at sak-"
"Eh yung nag titinda dito, mabibili koba miss?" Biro ko na naman sa kaniya dahil sa bumalik na sa normal ang mukha niya. Ang cute niya.
Dahil sa biro kung sabi ay binato niya ako ng notebook.
Humanda ka saakin, babae ka!
Nakatingala pa ako sa labas ng gate.
"Bagong buhay ba to, Rad?" Tanong kopa sa sarili ko.
"Oo daw," sagot ko din sa sarili ko.
Nang makapasok ako sa room kung asan ako na section sa grade 10, hindi na ako kinabahan kasi sanay naman ako sa mga ganito. Isa pa, sa buong section ata namin ako ang pinakapogi, lol hindi ako nagmamayabang.
Everyone was watching me, except for—ano ginagawa niya sa ilalim?
Habang nagpa-practice ako ng sasabihin ko sa isip ko ay napahinto nalang ako dahil sa biglang pagsigaw ni Ma'am Ellen sa babae—
"Larry mits, what are you doing?" Napaangat pa ang babae dahil sa gulat.
Hell? That girl....is my classmate?
"U-uh.... ballpen ko..po kasi Ma'am...." Putol putol pa niyang sabi.
So, her name was Larry mits. Nice name huh.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Teen FictionTeen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga magulang. Makakapaghiganti kaya si Larry Mits Aldõnio sa pagpatay ng kaniyang mga magulang? O mananat...