CMZ 2.8

160 10 0
                                    

BORJ POV:

Bago kami magsara ng restaurant ay nagpaalam na din si Bea na uuwi na buti na lang at nag-offer si Patrick na ihatid sya. Hindi man nagpatuloy ang love story naming dalawa. I'm still grateful to see her again, naging part sya ng buhay ko at hindi mababago yun.

Borj: Bea, thank you for helping me out. Thank you for understanding and I sincerely apologize for what happened.

Bea: Ano ka ba Borj, we'll see each other again. I'm always here for you. Maswerte si Roni sayo.

Borj: Magiging maswerte din yung taong mamahalin mo ng sobra.

Bea: Thanks Borj, I'll go ahead pasabi na lang sa kanila na umuwi na ako.

Borj: Sige Bea, Ingat kayo. Patrick, thank you din ingat kayo.

Patrick: Wala yun. Thanks din Jimenez sa trust sa grupo.

Borj: My pleasure Pat!

Umalis na sila at pumasok na ako sa loob ng restaurant. Nakapag-ayos na kami kanina kaya magsasarado na lang.

Jelai: Ready ka na Borjing?

Borj: Oo – salamat sa suporta at tulong nyo.

Basty: Ikaw pa pare—

Junjun: Tara na hinihintay ka na ni Roni.

Missy: Lolo, Lola – tara na po?

Lolo: Tara na mga apo.

RONI POV:

I'll admit it. I appreciate all the things Borj did today just to apologize and prove that he really loves me. Kahit na gaano ako kadaling sumuko, hindi sya nawawalan ng pag-asa na humanap ng mas better option to continue this love story. Ako yung laging unang nakikipaghiwalay saming dalawa dahil ayokong maging sagabal sa kanya pero sya pinapatunayan nya lagi na ako yung happiness nya. Nakakaguilty at some point na kapag alam kong masasaktan ako umiiwas na lang ako sa takot. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya pero sana mapatunayan ko din sa kanya na kaya ko syang ipaglaban.

Habang nageemote ako sa gilid ng pool ay nilapitan naman ako ni kuya at ni Tonzy.

Tonzy: Anong iniisip mo? Kanina lang masaya ka.

Roni: Naisip ko lang si Borj.

Yuan: Bakit?

Roni: Ang bilis ko kasing magdecide na umiwas o iwan sya kapag nasasaktan na ako pero sya he always prove to me na mahal nya ako at lahat gagawin nya para maramdaman ko yun.

Tonzy: Roni, sya yun ee, ganun sya magmahal. In a way, may mali ka since nawawala agad yung trust mo sa kanya pero that's normal if nasasaktan ka. We understand na ayaw mo lang masaktan ng sobra.

Yuan: Alam mo Roni, since nung bata pa lang tayo takot ka ng magkasugat. Sa pagbabike nga lang bago ka namin mapilit ni daddy na mag-aral ng bike nakailang iwas at iyak ka kasi natatakot kang matumba. Siguro, ganun ka lang talaga iniiwasan mo yung isang bagay para lang maging safe ka which is mali. Paano ka matuto sa ng bagong bagay kung hindi ka tataya ng todo. Paano ka magiging masaya kung hindi ka susubok ng mga bagong bagay. You really need to take risk, para may magain ka.

Roni: Siguro nga duwag lang ako.

Tonzy: Don't blame yourself for being that way, dapat ang thinking mo is to prove to yourself na kaya mong ibigay lahat para sa ikakasaya mo. Minsan kasi yung pagiging social worker mo sumosobra din ee. Kakaisip mo sa feelings ng iba you always forget your own happiness.

Yuan: Tama—kung si Borj yung happiness mo fight for him. Ipakita mo sa mga girls na nakapaligid sa kanya na kaya mo syang ipaglaban. Kung deserve mong mahalin ng sobra ganun din si Borj.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon