CMZ 2.13

170 10 0
                                    

RONI POV

Maaga akong nagising para pumunta sa office dahil may urgent meeting na pinatawag si Patrick. Nang tumayo ako ng kama ay tulog pa si Borj. Pinagprepare ko na muna sya ng breakfast at nag-iwan na lang ako ng note na kailangan kong pumunta sa opisina.

Maaga naman nagising si kuya para icheck kung may sakit pa ako.

Yuan: Ang aga mo namang nakabihis saan ka pupunta?

Roni: Meron kaming urgent meeting sa office.

Yuan: Si Borj?

Roni: Tulog pa, wag mo ng gisingin para makabawi ng tulog.

Yuan: Halika na ako na maghahatid sayo.

Roni: Sige kuya – una ka na sa baba susunod ako.

Yuan: Dalian mo Ronalisa.

Roni: Opo

Pumasok na muna ako sa kwarto para maggoodbye kiss kay Borj at umalis na din agad. Hinatid na ako ni kuya at bumalik na din sya agad sa apartment.

Pagdating ko sa office ay pumasok na ako sa boardroom at dun na hinintay sila Patrick. Nauna namang dumating si Dessa.

Dessa: Te, I miss you!

Roni: I miss you din – kamusta bakit may biglaang meeting?

Dessa: Urgent te! Pinapapunta na tayo sa States after ng awarding.

Patrick: Goodmorning—ikaw talaga Dessa ang aga ng chismis mo.

Dessa: Sorry na sir, ang agang nagtanong ni Roni.

Roni: Goodmorning Pat!

Patrick: Roni, kailangan nating pumunta sa HQ ng mas maaga, madaming projects na nakaline up and I don't think matatapos sya ng two weeks. I need your whole team to be there. I'll be giving you all the authority to decide what's best for these projects.

Roni: So hindi lang isa o dalawang project to?

Patrick: Hindi, kaya we need to focus and do it immediately.

Roni: What's your calculated timeline?

Patrick: Six months maximum.

Roni: Shocks! Ang tagal nun..

Dessa: Oo nga sir—

Patrick: That's why we need to plan para maaga tayong makabalik. We have several meetings today with the clients. Prepare yourselves malamang hindi na naman tayo makapaglunch on time. Sorry to cut your leave Roni.

Roni: Okay lang—We'll just buy some drinks. You want some?

Patrick: No I'm good, thanks.

Lumabas na muna kami Dessa sa cafeteria para bumili ng makakain at maiinom. Nag-alala naman ako sa sinabi ni Patrick na matatagalan kami sa States. These would be my last projects sa kanila since I'm planning to resign and start my business.

Dessa: Te, anong iniisip mo bakit ka malungkot?

Roni: Ang tagal ng six months girl—

Dessa: Pano mo sasabihin kay love yan?

Roni: Ayun na nga ee-

Dessa: Wait! What's with the ring te?

Roni: Hahaha- dami mong napapansin. Engagement ring from Jimenez.

Dessa: OMG – Congrats! Kaya pala nag-aalala ka.

Roni: I promised him to get married on his birthday hindi pa ata matutuloy.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon