RONI POV
We supposed to have a breakfast ni Borj, kaso lang ay may biglaang meeting sa opisina kaya kailangan kong umalis ng maaga. Tinawagan ko na muna sya para magpaalam na aalis na muna ako at hindi sya masasabayang kumain.
When I called him, halatang kakagising lang nya dahil sa tono ng boses nya. Hopefully, good mood sya para hindi sya magalit na hindi ako makakatupad sa pangako ko sa kanya.
Roni: Goodmorning love—
Borj: Goodmorning, bakit ang aga mong tumawag?
Roni: Kailangan ko kasing pumasok sa office, may urgent meeting kami sa isang client. I can't join you ngayong breakfast.
Borj: Excited pa naman ako makita ka, hatid na lang kita.
Roni: Huwag na pahinga ka na lang muna, kuya will wait for you pati ang barkada. Namiss ka din nila.
Borj: Sige, just message or call me kapag nasa office ka na.
Roni: Yup, I love you!
Borj: I love you too. Mag-ingat ka!
Roni: Opo.
After calling him ay nagbook na lang ako ng grab para mabilis na makarating sa office. Kahit na gusto ko syang makasama today, kailangan ko talagang pumasok. Nang makarating sa office ay agad naman akong kinausap ni Dessa about sa concern nung client.
Patrick came and asked us na pumasok sa boardroom. We need to have an action plan to retain the client. Since ako ang POC ng team sa project na to, I need to make a plan as soon as possible. Kaya nagtulong tulong na kami to revise the proposal para mameet yung kailangan ng client.
Hindi na namin namalayan ang oras sa sobrang daming ginagawa. Ni hindi ko na din naalalang imessage si Borj na nasa office na ako. Nung nakaramdam ako ng gutom tsaka ko lang nilabas yung phone ko para icheck kung anong oras and it's past noon time na pala at hindi pa kami mga naglalunch. Nakita ko naman na sobrang daming messages at missed call ni Borj kaya nagexcuse na muna ako sa kanila at napaalam mag.cr tsaka ko tinawagan si Borj. Nang sagutin nya yung phone ay medyo galit sya.
Roni: Love, sorry, I forgot to message you na nasa office na ako.
Borj: Kanina pa ako nag-aalala pero sige na mukhang busy ka. Kumain ka na ba?
Roni: Hindi pa—mamaya na pagkatapos namin dito.
Borj: Baka magkasakit ka nyan Ronalisa.
Roni: I'll go ahead, I'll call you later.
Binaba ko na yung phone at tumakbo na pabalik sa boardroom. When I came back may food na sa table.
Dessa: Roni, kumain ka na muna, pinabili yan ni Patrick para satin.
Roni: Okay lang mamaya na para matapos ko na to.
Narinig naman ni Patrick yung usapan namin ni Dessa kaya hindi nya napigilang hindi makisabat sa usapan.
Patrick: Ms. Salcedo, would you think na makakapag-isip ka ng tama kung hindi ka kakain. You can still have your lunch and tsaka kayo bumalik sa work.
Roni: Sige po—
Sa isip-isip ko ay okay naman kami ni Patrick nung nasa Singapore pero ngayon ay masungit na naman si Mr. Urgent siguro ay ganun lang talaga sya ka hands on saming lahat. Nagpahinga na muna ako saglit at kumain sa pantry at tinawagan ko ulit si Borj.
Roni: Borj, sorry hindi ako nakapagpaalam ng maayos kanina.
Borj: Okay lang!
Roni: Anong ginagawa mo?
![](https://img.wattpad.com/cover/368264040-288-k708553.jpg)