RONI POV
Tumayo na ako ng kama ng marinig kong umalis na sila kuya. Pumunta na ako sa kusina para kumain kasabay nila Jelai.
Jelai: Sis—goodmorning! Kain na muna.
Junjun: Ang aga nyang ice cream mo lagay na muna natin yan sa ref. Akin na?
Jelai: Namamaga na naman yang mata mo. Wala ka pang tulog?
Roni: Wala pa – check mo nga Jelai kung mainit ako.
Hinawakan naman ako ni Jelai para icheck kung may lagnat ako.
Jelai: Oo sis – kumain ka na para makainom ka ng gamot.
Basty: Nasan mga gamot nyo?
Roni: Meron sa drawer ko sa side table ng kama.
Basty: Wait – kukunin ko.
Roni: Sige, thanks!
Habang kinukuha ni Basty yung gamot sa kwarto ay naalala kong weekday ngayon kaya nagtaka ako kung bakit nasa bahay silang lahat.
Roni: Bakit nga pala kayo nandito diba dapat nasa work kayo?
Junjun: Nagleave ako – hindi ko kinaya mga nangyari kagabi.
Jelai: Ako din—nakaleave baka sa Friday na ako pumasok.
Roni: May nangyari pa ba nung umuwi ako kagabi?
Junjun: Tanungin mo si Basty, Roni.
Sakto namang lumabas si Basty ng kwarto. Nang iabot nya sakin yung gamot ay napansin kong meron syang pasa sa mukha.
Roni: Bakit ka may pasa?
Basty: Wala to – nadapa lang.
Roni: Pati ba naman ikaw magsisinungaling pa sakin?
Basty: Sorry, ayoko na din kasi palakihin yung gulo.
Roni: Si Borj ba?
Basty: Hindi lang kami nagkaintindihan kagabi. Wag ka ng magalit sa kanya.
Roni: Anong nangyari?
Junjun: Sinabi kasi ni Basty kay Borj na kapag sinaktan ka pa nya – hindi magdadalawang isip si Basty na ligawan ka ulit.
Jelai: Oh?
Basty: Oh, sinabi ko lang yun sa inis ko Roni pero diba we promised na maging magkaibigan na lang.
Roni: Sabi ko naman sa inyo na wag na kayong makialam diba para hindi na kayo madamay.
Basty: Ok na naman kami – mag-usap usap na lang tayo pagbalik nila.
Tumayo na muna ako para kumuha sana ng tubig ng mapahawak ako sa lamesa dahil nahilo ako bigla. Napatayo naman bigla si Basty para alalayan ako.
Basty: Oh! Roni, bakit?
Roni: Nahihilo ako.
Basty: Jun, tara dalin na muna natin si Roni sa kwarto nya.
Jelai: Kukunin ko na din yung thermometer.
Pumasok na kami sa kwarto ko at hiniga na nila ako sa kama. Chineck na din ni Jelai yung temperature ko para malaman kung mataas ba ang lagnat ko.
Jelai: Ang taas ng lagnat mo sis—sa pagod, puyat at emosyon mo yan kahapon.
Junjun: Bibili muna kami ni Jelai ng makakain sa labas. Ikaw na muna bahala sa kanya Basty.
Basty: Sige – kukuha lang din ako ng pamunas.