CMZ 2.17

192 10 0
                                    

RONI POV

Masaya ako na nakauwi na din ako sa wakas. Sa four months na pinilit kong matapos lahat ng kailangan naming tapusin worth it lahat ng pagod at puyat. Siguro ay kahit ang mga kateam ko ay masayang nakauwi sa kani-kanilang pamilya. Maganda man sa ibang bansa kung hindi mo naman kasama ang mga mahal mo sa buhay napakahirap pa din maging satisfied.

Alam kong madaming tanong si Borj ngayon pero hindi pa sya makapaniwala na nakauwi na ako. Habang tahimik syang nakatingin sakin ay hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti.

Borj: Talagang masaya ka pang makita akong naguguluhan.

Roni: I'm just happy na you already know I'm here.

Borj: Ang dami kong gusto itanong pero hindi ko alam kung saan magsisimula?

Roni: Magsimula na muna siguro tayong magbreakfast?

Borj: Lunch na mahal na prinsesa.

Roni: Tara na sa kabila?

Borj: Mamaya na love please –

Roni: Why?

Borj: Gusto pa kitang masolo. Gusto ko tayo lang munang masolo kita.

Roni: Then I'll cook.

Borj: I'll call them na mamaya na tayo pupunta sa kanila.

Roni: Pupunta din sila dito para namang napakalayo ng apartment mo sa kanila.

Borj: Then let's go somewhere else.

Roni: Where?

Borj: Basta tara na – magdala ka na lang damit mo.

Roni: San tayo pupunta? Maliligo muna ako.

Borj: Sige basta dalian mo—wag ka ng magtanong, just come with me.

Roni: Fine, wait for me—

Borj: I will—

BORJ POV

Naligo na si Roni at naghanda na ako ng mga gamit na dadalhin namin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong maging selfish at masolo lang sya ngayon. Tsaka ko na sya isheshare sa barkada kapag nakamove-on na ako sa mga nangyari. Tinawagan ko na muna si Yuan para ipagpaalam yung sister nya.

Yuan: Yes? Happy ka?

Borj: Juanito, tsaka na ako babawi sayo pero dahil may kasalanan ka sakin. I can't accept no as an answer.

Yuan: Go – anything you want bestfriend.

Borj: Aalis muna kami ni Roni overnight!

Yuan: Siraulo ka ba? San mo dadalin sister ko?

Borj: Wala ka bang tiwala sakin?

Yuan: Meron, pero san kayo pupunta?

Borj: Basta! Malayo sa inyo.

Yuan: Oh siya sige – hintayin namin kayo bukas. Borj! wag mong kalimutan na magbestfriend tayo at alam mo kung gaano kaimportante sakin si Roni.

Borj: Ngayon ka pa talaga nag-aalala samin.

Yuan: Sya sige – ako ng bahala magsabi sa barkada.

Borj: And dahil pinagtulungan nyo akong lahat. Puntahan nyo yung restaurant ko pakibantayan muna please –

Yuan: Okay po sige, noted! Mag-enjoy at mag-ingat kayo.

Borj: Thanks! Tsaka na tayo magtuos lahat pagkabalik namin.

Yuan: Ge, pre.

Natapos ng maligo si Roni at magmamakeup pa sana sya pero hinila ko na sya para umalis.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon