CMZ 2.16

184 12 0
                                    

BORJ POV

It's been 4 months ng wala si Roni. Medyo nasanay na din ako ng ganito ang setup namin. Everyday naman kaming naguusap yun nga lang hindi na ganun katagal since nauubusan na din kami ng ikwekwento sa isa't isa. Lagi na lang din kasi akong nasa restaurant at ang barkada ay may kanya kanya na ding mga ginagawa kaya hindi na din kami mga madalas magkita.

Nang nasa second floor ako ay dumating naman si Junjun na namromroblema.

Borj: Oh pre- minsan ka na nga lang magpunta nakasimangot ka pa.

Junjun: Si Jelai kasi ee, magkagalit na naman kami.

Borj: Bakit?

Junjun: Ewan dun kung anong maisip na pag-awayan, pinagaawayan namin.

Borj: Nagpapalambing lang yun baka naman puro ka trabaho?

Junjun: Sya din naman.

Borj: Puntahan natin tara?

Junjun: Mamaya na lang, baka mainit pa ulo. Inom na lang tayo?

Borj: Wait tawagan ko sila Yuan. Sa apartment na lang tayo?

Junjun: Sige—

Nagmessage na lang ako sa GC namin at niyaya sila sa apartment para maginom. Namili na muna kami ng mga kakainin at iinumin namin bago kami umuwi sa apartment.

Tinawagan ko din muna si Roni para magpaalam na may get together kami sa apartment.

Borj: Love-

Roni: Yes?

Borj: Mag-iinom kami dito sa apartment.

Roni: Okay!

Borj: Okay lang?

Roni: Opo—

Borj: Tuwang tuwa ka makausap ako ngayon aa—halatang excited na excited.

Roni: Ofcourse!

Borj: Ay ewan sige na babye na.

Roni: Bye!

Binaba ko na yung phone call at nangiinis na naman si Roni.

Junjun: Oh bkit?

Borj: Ewan ko ba dito kay Roni, nangiinis na naman. Wala man lang matinong sagot.

Junjun: Hay naku! Magbestfriend nga sila.

Borj: Malamang si Yuan at Missy din hindi magkasundo ngayon.

Junjun: Nasan ba si Yuan?

Borj: Nandyan lang yun pagala-gala. Baka papunta na din sila.

Junjun: Oh ayan na pala speaking of the ---

Yuan: Wag mo ng ituloy. Nandito na nga agad ooh.

Borj: Kamusta kayo ni Missy?

Yuan: Ewan ko dun may toyo.

Junjun: Hindi kaya pinagtritripan tayo nung tatlo?

Borj: Bakit naman?

Yuan: Malay ko sa kanila. Wala namang okasyon ngayon para manggalit sila.

Borj: Wala namang may birthday diba?

Junjun: Tapos na naman mga birthday nating tatlo.

Yuan: Galitin kaya natin lalo?

Borj: Ops, out ako dyan at nasa malayo yung sakin baka hindi na ako balikan.

Junjun: Naalala mo nung pinagbihis babae mo kami ni Yuan?

Borj: Nung prom? Oo bakit?

Junjun: Diba dapat tatlo lagi tayo tsaka alam ko hindi ka pa nakakabawi samin.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon