CMZ SEASON 2 ENDING

257 12 4
                                    

RONI POV

My mom and dad came na din for the interview. It should be taken tomorrow, but we decided to do it today para bukas ay pahinga na kami. It's just a simple interview to let the viewers know about my family background. Sila mommy at daddy talaga ang laging nasa side namin ni kuya everytime na may problema kami.

Kapag nakakagawa kami ng mali ni kuya, they will get mad pero they will see to it na maeexplain nila ng maayos yun samin para maintindihan namin kung bakit kami nagkamali.

Nung tinago ko si Jelai nung naglayas sya my mom got mad and gave me some punishment para hindi ko na ulitin pero hindi din nagtagal yun nung nagsorry ako sa kanya she forgave me.

My dad is strict but not too much he wants us to experience the things na talaga namang pinagdadaanan ng lahat ng tao pero he always guides us. Nakatingin lang sya sa malayo pero pag need nya ng mag intervene he will do so.

My kuya Yuan, my ultimate protector. He's overprotective and always looking after me. Madami kaming hindi mapagkaunawaan before pero kapag inexplain na nila mommy at daddy kung bakit ganun si kuya ay naiintindihan ko din agad. Lagi syang nakabantay sakin nung nililigawan pa lang ako ni Tonzy at Borj. Nung nalaman nyang niloko ako ni Basty hindi sya nagdalawang isip na ipagtanggol ako and nung nalaman nyang dinala ako ni Basty sa motel hindi nya din pinalampas yun. He will do everything for me kahit na sino pa yung kailangan nyang iturn down. Even his bestfriend Borj, whe he knew that Borj have crush on me hindi din naman agad sya pumayag and infact nagkagalit pa sila. Nung si Borj ang nakakuha nung diary ko kahit na sobrang close silang dalawa hindi sya nagdalawang isip i-end yung friendship nila because of me.

Malapit na akong magbukod ng bahay pero alam kong sobrang happy nila for me.

Interviewer: Mommy anong masasabi mo na malapit ng ikasal si Roni?

Mommy: Happy, sobrang happy na kakilala ko yung makakasama nyang bumuo ng pamilya. I saw them grew up together from being friends, childhood crush and now lovers. Masaya ako na alam kong hindi sya paiiyakin nung taong napili nya.

Interviewer: Kayo po daddy?

Daddy: Ofcourse, masakit sakin na talagang they need to settle down na pero I'm happy for both of them, they respect our decision before na wag na munang seryosohin yung mga bagay na ganyan since bata pa sila nun pero ngayon I respect their decision as well to get married, hands down ako para sa kaligayahan ng nagiisa kong anak na babae. I know they will build their own family soon and I hope sana may napulot silang aral samin ng mommy nya kung paano namin sila pinalaki ni Yuan.

Interviewer: Ikaw Yuan?

Yuan: Honestly, at first mahirap para sakin na magkaroon sila ng mutual feelings kasi parehas silang mahalaga sakin pero dahil wala naman akong nagawa kahit anong pigil ko sa kanila natanggap ko na din eventually. I'm happy for both of them. Sana wag silang magsasawang iinclude kami sa new chapter ng life nila.

Interviewer: Any advise that you can give to Roni for building her own family?

Mommy: This wouldn't a smooth sailing journey but always choose to love your partner and understand him as much as you can. Expect na magkaiba kayo ng opinyon sa mga bagay bagay pero if you will have an open communication you can always meet half way. Walang problemang hindi nareresolve sa pag-uusap.

Daddy: I know na pinalaki ka naming mabuting bata and dalin mo yun hanggang sa pagtanda. Ipasa mo sa mga anak mo hanggang sa mga apo mo yung pagiging mabuting tao para dumami pa kayo. Enlighten your home anak, sa ngiti mo palang magiging magaan na sa inyo ni Borj ang problemang dadating sa inyo.

We finished the interview and may oras kaming mamasyal nila daddy. Sabi nga ni Borj family time muna kaya nagspend kami ng time together para enjoyin ang view ng Palawan.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon