CMZ 2.18

132 9 0
                                    

BORJ POV

Dahil Sunday ngayon naisipan naming magbabarkada na magsimba muna bago namin simulan yung pamimili. Malapit lang naman yung simbahan dito sa bahay namin kaya convenient din para samin. Nagbihis na kaming lahat after breakfast at gumayak na papuntang simbahan.

Nagsabay na lang kami ni Roni sa sasakyan at ang barkada ay sumakay sa sasakyan ni Basty.

Bumaba na kami ni Roni ng sasakyan ng makita namin si Patrick.

Patrick: Uy, Borj, Roni kamusta dito din pala kayo nagsisimba?

Borj: Uy pare, ngayon lang kami nakapagsimba dito. Sinong kasama mo?

Patrick: Ako lang pero tapos na akong magmass.

Roni: I see, oo nga pala Pat-

Patrick: Wait Roni, if that's about work let's talk later na lang pupunta ka naman sa thanksgiving party diba?

Roni: I'll try, may bibilhin din kasi kami nila Borj after nito.

Patrick: Sige, hope you could come since para sa team yun. Well, I don't want to waste your time na guys. I'll go ahead.

Borj: Sige ingat..

RONI POV

Nang makaalis si Patrick ay napatingin naman sakin si Borj ng masama.

Roni: Oh! nasa simbahan tayo.

Borj: Thanksgiving party?

Roni: Let's talk later.

Yuan: Mamaya na yang away dalawang aso't pusa.

Jelai: Magsstart na yung mass tara na.

Pumasok na kami sa loob ng simbahan at umattend na ng mass. Nung nagpeace be with you na ay nagbeso beso na kaming lahat pero hindi ako kiniss ni Borj kaya nagpeace sign na lang ako sa kanya.

Roni: Peace Mr. Jimenez.

Hindi pa din sya ngumingiti kahit na pinapatawa ko sya. The mass ended and we decided to go to our first spot. Pumunta muna kami sa bilihan ng gamit para sa bahay.

While his driving ay nagpatay malisya na lang ako sa kinikilos nya para hindi na lumaki yung away kaya nagheadset na lang ako at nagcellphone hanggang sa makadating kami sa pupuntahan namin.

Borj: Kuha lang ako ng cart. Would you like to come with Jelai and Missy? Kanila Yuan na lang ako sasabay para makakuha ng mga gusto ko.

Roni: Ikaw bahala.

RONI POV

Kumuha na lang din ako ng cart ko at sumabay na kanila Jelai. Magkaiba din naman ang gusto namin bilhin kaya nagsolo na lang din kaming tatlong girls.

Jelai: Anong plano mong bilhin?

Roni: Maraming plato, baso, mangkok etc.

Missy: Bakit? May handaan ba?

Roni: Para pag nagbasag ng pinggan, madaming kapalit.

Jelai: Hahaha – sira ka talaga.

Missy: Hindi pa din ba nakamove on kay prince charming?

Roni: Ewan ko ba dun parang sira.

Jelai: Matatapos din yang selos selos na yan hayaan mo na muna.

Roni: Kaya nga sa inyo na ako sumama. Tara dun tayo parang madaming magagandang gamit dun.

BORJ POV

Hays talaga naman napakatigas ng ulo ng isang Ronalisa Salcedo. Sya na nga tong may lakad ng hindi nagpapaalam sya pa din yung galit. Sumama na lang ako kanila Yuan para tumingin ng mga tools na kailangan sa bahay.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon