CMZ 2.7

139 10 0
                                    

BORJ POV

Roni is right, kung hindi ako naapektuhan sa pagkikita namin ni Bea there's no reason for me not get in touch with her. Naging selfish din ako since hindi ko agad sinabi kay Bea na kami na ni Roni. Every time na merong magtatanong sa kanya kung sino ang boyfriend nya. She's very proud to tell na ako yun. Pero ako hindi ko man lang nagawa yun nung unang beses naming nagkita ni Bea. At this point, naguguluhan na din ako kung ano bang gusto ko. I really love Roni pero natatakot akong masaktan ko si Bea.

Lumingon ako sa kinauupuan ni Roni pero wala na sya. Hinanap ko naman si Patrick at nakita kong nasa labas sya kaya lumabas din ako agad.

Borj: Patrick, si Roni?

Patrick: Umuwi na Jimenez, sa kanila na daw sya didirecho.

Borj: Patrick, Baka pwede mong ihatid si Bea pauwi. I'll call my friends to close the restaurant.

Patrick: Sige Borj, ako ng bahala.

Sumakay na ako sa sasakyan at nagdrive na pauwi sa subdivision. I called Junjun para ibilin na muna yung pagcloclose ng restaurant.

Borj: Pre- baka pwedeng kayo muna magclose ng restaurant susundan ko lang si Roni.

Junjun: Sige pre-- kami ng bahala. Mag-ingat ka sa pagdradrive.

Borj: Si Yuan nandyan?

Junjun: Oo , wait pasa ko yung phone.

Yuan: Bakit Borj?

Borj: Contakin mo naman si Roni, malamang hindi nya sasagutin tawag ko. Check mo lang kung san sya pupunta sabi kasi ni Patrick uuwi daw sa subdivision.

Yuan: Sige -- message kita pag sumagot.

Borj: Sige pre salamat.

Hinintay ko na lang ang message ni Yuan pero nagdrive pa din ako direcho pauwi sa subdivision. Kung didirecho sya sa bahay nila malamang ay hindi nya ako labasin. Sana ay maabutan ko sya sa labas.

Tumawag naman si Yuan ulit.

Yuan: Pre- may pupuntahan daw saglit dun na daw sya maghihintay ng 12.

Borj: Saan?

Yuan: Ayaw sabihin- itanong ko kanila Jelai.

Borj: Sige please--

Nang makadating ako sa subdivision ay naglakas loob na akong pumunta sa bahay nila. Naabutan ko naman sa labas si tita Marite.

Borj: Tita, goodeve po, umuwi po ba si Roni?

Tita Marite: Wala pa, pero sabi nya baka madaling araw pa sya makauwi. I message ko.

Borj: Thanks tita, wag nyo na lang po sabihin na ako naghahanap sa kanya.

Tita Marite: Sige--

Hinintay ko na muna ang update ni Tita Marite at Jelai baka magmessage o magsabi sa kanila si Roni kung nasan sya.

Tita Marite: Nasa O.L daw Borj.

Borj: Sige po tita thank you.. Ako na lang po maghatid sa kanya pauwi.

Tita Marite: Sige mag-ingat kau.

Pumunta na ako sa overlooking na malapit samin. Nang makadating ako dun ay nakita ko sya agad. Hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan dahil alam kong sobrang galit sya ngayon.

Pero knowing her, kapag wala sya sa mood dapat wag mo syang sabayan at hayaan mo lang muna syang manahimik.

Nilakasan ko na ang loob ko at nilapitan sya.

Borj: Roni --

Nagulat sya ng makita nya ako pero imbis na magalit ay iniwas na lang nya ang tingin sa'kin.

Roni: Bakit ka sumunod dito?

Borj: Just want to be the first person to greet you on your birthday. Pahinging beer ha!

Roni: Kuha ka lang ..

Uminom na lang muna ako ng beer at tinabihan lang syang maupo.

Roni: Maboboring ka lang dito Borj, mauna ka ng umuwi satin.

Borj: Okay lang -- wala naman akong gagawin sa bahay.

Lumapit naman ako sa kanya at isinuot ko sa kanya yung coat ko.

Roni: Sino naiwan sa restaurant?

Borj: Pinasuyo ko na lang muna sa barkada.

Roni: Si Bea?

Borj: Si Patrick na maghahatid sa kanya pauwi.

Roni: Baka magalit sya sayo.

Borj: Mas mahalaga ka Roni

Roni: Wow big word --

Borj: I mean it! Sorry if you feel unwanted. I understand why you get mad. Love, mahal kita. Sorry for not clearing things up right away.

Roni: Ang hirap mo naman kasing mahalin Borj.

Borj: Napapagod ka na?

Roni: Gusto mo pa ba sya?

Hindi naman ako nakasagot sa tanong nya agad. I want to clear things up pero mismong ako hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano ba para sa'kin si Bea.

MY COMFORT ZONE SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon