Maaga akong nagising at tila naunahan ko pa ang alarm clock ko mula sa pagtunog nito.
6:27 am naman na at sakto na ito para maghanda sa klase kaya nagsimula na akong kumilos. Wala rin akong masyadong tulog kahit na halos hating gabi na ako natapos sa pag-aayos ng dadalhin ko ngayon sa University.
Hindi naman halata na excited ako dahil kada labas ko sa banyo ay napapangiti ako lao na kapag ang unang bumubunga saakin ay ang dalawang paper bag na nakapatong lang sa mesa.
Thank you, Reo:>
-Cindy
Yan lang ang nakalagay sa sticky note na nakadikit sa hoodie. Ilang beses kong pinag-isipan ano ang ilalagay ko pero ang ending, tatlong salita lang ang naisulat ko.
"Anak, gising na!" narinig kong sigaw mula sa kabilang parte ng pinto kaya napatingin ako bigla sa dito kasabay ng mga katok.
Si Mommy.
"Gising na po!" sigaw ko pabalik at hindi ko na siya narinig pang nagsalita.
Nagsuot lang ako ng komportableng top at cardigan na ngayon ko pa lang masusuot, denim pants at sneakers. Inayos ko rin ang pagkakalugay ng buhok ko at sandaling nagkulot ng konti sa dulo. Just did a light make up and I'm done.
Isinuot ko na rin ang ID at ang bag ko pagkatapos ay kinuha ang dalawang paper bag na ibibigay ko lang din naman. Got my water with me at bumaba na.
"Ang dami mo namang dala" puna ni Mommy ng makita ako na pababa sa hagdan.
Kasalukuyan siyang nagse-seal ng mga sandwiches na siguradong inihanda niya para saamin ng kapatid ko na nasa elementarya pa lamang dahil first day of school din nila.
"Cookies, tapos jacket lang naman 'to, My" sabi ko sabay kuha ng inihanda niya naman para sakin.
"Tandaan mo Cindy, unang araw, wag gumawa agad ng kalokohan" matigas niyang saad habang tutokutok na naman sakin ang paborito niyang spatula.
Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay dahil sa sinabi ni Mommy.
Bakit pa ako pinapaalalahanan ng sobra sobra tungkol diyan? Ganun na ba ako karebeldeng anak?
"Makabilin kayo sakin Mommy parang napatawag na kayo sa guidance dahil sakin, ah!" pagkukunwari kong tampo sabay busangot ng mukha.
Wala pa naman akong records, muntik lang.
"Kaya nga paulit-ulit kitang pinapaalalahan kasi baka may humabol ngayong college ka na. Kung kailan patapos na" saad niya at nagsimula ulit sa ginagawa niya.
Hindi ko nalang dinibdib ang sinabi niya at tumango-tango nalang ako para matapos na ang usapan dahil buong araw na sermonan na naman yata ito.
"Oo na pooo! Mag-iingat na pooo! Aalis na pooo!" sabay-sabay kong paalam at tinahak na ang daan palabas ng bahay.
Konting paalala pa ang narinig ko mula sakanya kaya oo nalang ako ng oo habang 'di na siya nililingon dahil simula elementarya ay pare-parehas lang naman ang naririnig ko.
Pagkalabas ko nga ng bahay ay wala pa gaanong katao-tao sa daan dahil maaga pa naman. Halos kabataan na papasok din sa school ang nakakasabay at nakakasalubong ko.
Sakto naman din dahil may bus agad ako na natanaw ng makarating sa bus station. Pumwesto ako sa bakanteng upuan at komportableng naghintay pa sa iilang mga pasahero hanggang sa umalis na nga itong sinasakyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/368594194-288-k147840.jpg)
YOU ARE READING
It Didn't End With A Happy Ending
Random"Believe me is I say that it did not end with a happy ending."