KABANATA 7

8 0 0
                                    

Reo Reese Balvuena

'Di naman talaga ako adik sakanya. Medyo lang. Yung saktong aabangan ko lang siya pagdadaan siya o hahanapin kung wala siya. Aamin ko kinikilig ako kapag nakikita ko likod niya pero 'yung iisipin ko na gusto ko na maging kami, hindi naman.


Alam ko sa sarili ko na saktong paghanga lang 'to at dapat hanggang doon lang. Hindi ako dapat umabot sa puntong umiiyak ako dahil doon.


Hindi 'to.


Pangungumbinsi ko sa sarili habang kumakain ng ice cream na binili ko pagkatapos kumain ng lunch. Halos 2:30 pm naman na at kailangan na pumunta ako sa Hall dahil alam kong kailangan na ako doon.



"Ceeee!" tawag ng isang boses sa malayo at doon ko lamang natanaw sina Kuyang third year na parang kanina pa sigaw nang sigaw saakin.


May dala-dala silang isang mesa at nakaibabaw sa mesang iyon ang iilang papers kaya lumapit naman ako kaagad sakanila.

"Patulong naman ako ng mga 'to! Kailangan ng coordinator eh!" pakiusap niya kung kaya ay agad ko naman itong kinuha mula sa pagkakapatong.

Mabigat? Oo, napakabigat.

May tumulong naman saakin sa pagbukas ng pinto at dali-daling inilgay ang mga papel sa desk.

Nakikita kong busy ang lahat lalo na sa sound system kung kaya ay patulong-tulong lang ako hanggang sa naalala ko kung saan ako mas makakatulong sakanila.

"Nasaan yung application forms? Kailangang i-classify yun, 'di ba?" tanong ko kay Ate Lily.

Ito yung gawain ko lagi last year. Mag-ayos lang ng mga papers na kailangan i-present sa meeting.

"Naayos na, Cee. May nag apply pa kasi habang tulog ka kanina at kailangan na rin ng coordinator kaya pina-ayos na"

Oo nga pala, nakatulog ako habang nagbabantay. Nakakahiyang mag-insist lalo na natulogan ko kanina kaya napatango nalang ako at hindi na pinansin ang sinabi ni Ate Lily.

Pagdaan din ng ilang minuto, unti-unti na rin nadadagdagdagan ang mga tao sa Hall.

Inatasan ako na mag document at pinahiram saakin ang DSLR ng Org.

Nakakamiss din.

"Good Day, writers and journalists--"

Nagsimula na nga ang meeting ng org at nagsimula na rin akong kumuha ng mga litrato. Naka focus sa stage at sa iba't ibang studyante na dumalo ang lente ng camerang dala-dala ko.

Ang iba ay nagre-request ng picture at sino ba naman ako para tanggihan ang mga volunteer models, 'di ba?

Pumwesto naman ako paharap sa audience at itinutok sakanilang lahat ang camera.


1, 2, 3 ....



Pagbibilang ko pa sa utak ko  hanggang sa may nahagilap akong pigura ng taong kakabukas lang ng pinto mula sa lente ng camera.

Ni-double check ko ang larawang nakunan ko at doon nakompirma kong hindi lang ako basta-basta nagha-hallucinate. Nakita ko nga siya.


Pero bakit siya nandito?


"Ba't nandito si Reo?" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan na siyang pasimpleng umupo sa dulo ng meeting.



Pwede ba dito ang non-members?


Hindi ko alam pero hindi din naman ako naabisuhan kung pwede man.


Saktong katabi ko naman si Ate Lily habang dala-dala ang list ng application form sa Org.




It Didn't End With A Happy EndingWhere stories live. Discover now