Kung puwede ko lang masakal 'tong babaeng 'to, nagawa ko na.
Parehas kaming nanlumo at napa-upo nalang sa bench na nakita namin habang dala-dala ang ninakaw namin pabalik na paper bag na ibinigay ko kanina kay Reo.
"Sure ako nalagay ko yun eh" saad niya pa habang tiningnan ulit ang paper bag na ngayon ay may laman nalang na chocolates at wala na ang letter.
Eh bakit wala na?
Pagkakuha kasi namin, wala na ang sinasabi niyang letter na para kay Peter.
So, it's either nabasa niya na at itinapon sa kung saan, o tatanga-tanga lang talaga 'tong babaeng ito at hindi nailagay ang letter sa paper bag.
Sana nawala nalang.
"Ayos din ng confession mo eh, first day of school" nakasimangot kong sabi at nginisian niya lang ako.
"Para masimulan agad love story namin, hihi" saad niya at inirapan ko nalang.
Kakasimula niya ng love story, 'yong saakin naman ang natapos.
"Tingnan mo sa bag mo, baka nasipit mo lang sa kung saan." sabi ko pa.
"Atecco, ilang beses na natin kinalkal ang locker ko, locker mo, tsaka 'tong bag ko" pagpapa-alala niya saakin kaya mas lalo akong nalungkot.
Hiling ko na lang ngayon ay 'di niya binasa kung siya man ang nakakuha ng letter.
Alam ko kung gaano ka oa itong kasama ko sa pag-ibig at 'di ko alam anu-ano pinagsusulat nito doon.
"Sorryyyy na" pagpapa-cute niya pa bigla saakin habang nakabusangot pa rin ako.
Hindi ko napigilang mapabuntong hininga dahil wala naman na kami pwedeng gawin pa.
"Oo na. Wala na tayong magagawa" saad ko habang nakasimangot pa rin.
Naisip ko may pangalan naman ni Reo 'yung isang paper bag kaya malalaman niya talaga na para sakanya yun.
Peroooo baka anong isipin nun sa letter.
"Hindi naman tayo sigurado na si Reo talaga ang nakaku-"
Pinutol ko naman kaagad ang sinabi niya.
"Ssssshhhhh. Kalimutan na natin. Wala na tayong magagawa, okay na." pangungumbinsi ko pa sakanya payi na sa sarili ko para 'di na namin isipin pa.
Kalimutan nalang ang lahat, yun yung solusyon. Hindi naman ako mamamatay dahil don eh. Hindi nalang ako sakanya magpapakita. Magtatago nalang ako habang-buhay at susulyap sulyap nalang sakanya.
Sheeet, naudlot agad love story namin.
"Libre nalang kita as my apology" napalingon naman ako kaagad kay Xia na ngayon ay halatang guilty sa nangyari.
Hindi niya rin naman kasalanan na nagkapalit kami. Aksidente rin na iba ang nadampot naming dalawa kaya hindi ko masyado dinadamdam. Pero yung libre, hindi ko tatanggihan.
"Okay lang naman sak-" pinutol niya naman kaagad ang sinasabi ko.
"Edi di na kita ililibre, okay lang naman pa-" agad ko naman siyang kinurot
dahilan para mapahiyaw siya."Syempre ililibre mo parin ako. Minsan ka nalang magyaya, tapos babawiin mo pa" saad ko habang hinahaplos haplos niya ang kinurot ko.
"Ang sakit ahhh! Baka nakakalimutan mo anemic ako" sabay tingin niya sa kinurotan ko.

YOU ARE READING
It Didn't End With A Happy Ending
Rastgele"Believe me is I say that it did not end with a happy ending."