Dahil sa linggo ngayon, napagdesisyunan ng pamilya ko na bumisita sa bahay ng Tita ko. Medyo merong kalayuan sa kung nasaan kami nakatira, pero alam kong sulit naman dahil sa kailangan ko rin ng oras na hindi puro kisame ang kaharap ko.
Hindi naman kami taong bahay dahil mahilig din naman ang pamilya kong gumala, pero this past few months ay naging busy si Papa kung kaya mall at playground lang ang naging ruta ko noong nakaraan.
"Hindi naman kayo nagsabi Kuya na darating kayo" nahihiyang saad ni Tita Jena nang makapasok kami sa kusina niya.
Medyo may kalakihan ang bahay nila ngunit halatang naaalagaan dahil napakalinis nito.
"Hindi naman halata na nabigla kayo dahil ang dami niyong handa, bisita lang ito hindi piyesta" pagbibiro pa ni Papa kung kaya ay napatawa kaming lahat.
Natatanaw ko naman ang mga paborito kong pagkain na alam ni Tita Jena.
Napansin ko, sakanilang magkakapatid ay si Tita Jena ang pinakamalapit ni Papa kung kaya sa kanila ang unang punta namin kung gusto naming gumala.
Sila rin ang unang tinatawagan ni Papa para imbitahin kung may outing kami na pinaplano kaya napalapit na rin kami ni Chady sa mga pinsan namin.
"Nasaan po si Kuya Jeremiah?" tanong ni Chady kay Tita Jena kaya naman napalingon ito sa aming dalawa.
"Ay, sila ang nakatuka na magbantay sa flower shop, pagkatapos niyong kumain pumunta kayo doon" saad naman ni Tita Jena habang nakangiti.
Napag-usapan pa nila kung gaano raw kabilis lumaki ang mga bata ngayon, lalo na kaming tatlo nina Chady at Jeremiah. Nag-iisang anak nila si Jeremiah kung kaya ay tinuturing na rin namin itong kapatid.
"Masyado na yatang malago ang flower shop mo." saad ni Papa na nagpangiti lang din kay Tita Jena.
Ilang beses na kaming nakapunta sa flower shop ni Tita Jena at minsan nga napag-utusan na kami sa pagbabantay nito.
"Medyo maayos ang daloy lalo na noong nakaraan. Wag kayong mag-alala, papadalhan ko kayo nung paborito niyong rosas" saad naman ni Tita.
Dahil din sa kay Tita Jena, nahilig ako sa bulaklak at kung napupunta nga kami rito ay sinusulit ko talaga ang pag-aarrange at pagbabantay sa shop.
Naalala ko pa na minsan ay pinangarap kong magkaroon din ng sariling shop pero syempre, habang lumalaki, nawawala na iyan sa mga kagustuhan ko.
"Ate, gusto ko na pumunta" bulong sa akin ni Chady.
Napatingin naman ako sa katabi ko na ngayon ay may dumi sa mukha dahil sa manggang nilalantakan niya.
"Kapag naubos mo na 'yang fruits mo" pangungumbinsi ko pa dahilan para bilisan niya ang pagkain niya.
Napatawa na lamang kaming lahat ng mapansin na limang minuto pa lang ang nakalipas ay inubos na ni Chady ang prutas niya kung kaya pinagbigyan na nila si Chady na pumunta.
Napag autusan na rin akong samahan siya sa shop at bantayan.
"Cindy, alam mo na ang gagawin mo ah" bilin pa ni Mama.
"Opo" tanging sabat ko.
Hindi naman babysitting ang nararamdaman ko pag pinapabantay nila mama sa akin si Chady. More like laro at kaonting pagsaway lang sa paglilikot niya dahil well-behave naman lagi ang kapatid ko.
Kung ikokompara sa mga ka-edad niya, tahimik siya na bata at nag e-excel din siya sa academics. Mana talaga sa akin ang kapatid ko.
Ilang minutong lakaran lang naman ang shop mula sa bahay nila kung kaya ay nakarating kami kaagad.
YOU ARE READING
It Didn't End With A Happy Ending
Random"Believe me is I say that it didn't end with a happy ending."