Halos isang oras na akong nakatitig sa kisame at inaalala ang mga pangyayari kanina.
Una, ang pass card na ibinigay ni Parker, pangalawa ang tungkol sa org at syempre ang pangatlo si Reo.
At least ngayon confirmed na.
Aishhh!
Hindi ko mapigilang magmaktol dahil sa anong pwedeng isipin ni Reo tungkol sakin. Akala niya gusto ko siguro si Peter, tapos nakita niya pa ako kanina kasama si Bryan. Iniisip niya kayang mahilig ako sa lalaki?
What if mag explain ako?
Napabuntong hininga na lang ako.
Wala siyang pake, Cind.
Sandali kong itinaas ang cellphone ko sa kisame, saktong lelebel lang sa ulo ko at tiningnan ang kanina ko pang inii-stalk na si Reo.
Naka private lahat ng impormasyon niya at kita kong kakaonti lang ang pina-follow niya.
Nagdadalawang isip ako kung ifa-follow ko ba siya lalo na sa ngayon na medyo may kaugnayan na kami ngunit agad ko namang pinatay ang cellphone ko.
Wag na.
"Malulungkot lang ako kapag di ako finallow back" bulong ko sa hangin.
Itinext ko na rin si Xia na siguradong tulog na ngayon at sinabi sakanya na samahan niya ako sa Peter niya dahil siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Kung 'di niya napagpalit yung paper bags namin, edi sana hindi ako nahihirapan sa ngayon, 'di ba?
Sa pananatili ko sa ganitong posisyon ay 'di ko na lang namalayan nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, kahit sabado ngayon ay kinakailangan ko magpunta sa University para gumawa ng pending task sa Org.
Nakausap ko na rin si Peter and he agreed na magkaroon ng photoshoot for the newly selected sa committee nila at kumuha ng iilang photos while they are playing with the freshmen.
Actually, 4 to 5 am ang training nila pero papasok pa lang ako ngayong 6.
Right, late na naman!
Pero may nacontact naman ako at
nagta-training pa rin naman sila.Nang makarating ako sa University ay deretso akong nagsagawa ng mga dapat kong gawin. Since photoshoot lang naman at kaonting chika para sa report, naging madali lang ang lahat.
Everyone were so friendly at binigyan pa ako ni Peter ng isang ready to grab snacks nila at nagpasalamat naman ako.
Kung nandito lang si Xia, siguradong itatago niya mga balat-balat nitong snacks.
Hindi nakasama si Xia for some reason kaya ako nalang solo ang gumawa.
"Are you done for today?" tanong ni Peter sa akin at tumango naman ako.
Nag-offer siya ng ride at ng nalaman nga niya ang route ng bahay namin ay medyo nagkakomplika dahil malayo sa dapat niyang puntahan.
"Sorry, I can't give you a ride. Akala ko bandang ospital lang dahil 'yon yung nakalagay sa information mo"
Dating residence namin iyon at hindi ko pa napapalitan. Pero nagtaka naman ako kung bakit sa ospital ang ruta niya.
Hindi ko naman napigilang magtanong.
"Bakit ka pupunta sa ospital? Check up?" tanong ko at umiling naman siya kasabay ng isang ngiti.
"My girlfriend, she's sick. I can't just leave her there" saad niya kasabay ng isang makabuluhang ngisi.
YOU ARE READING
It Didn't End With A Happy Ending
Random"Believe me is I say that it didn't end with a happy ending."