6. Danger

468 26 1
                                    

Erykah Sunshine

.

All done and dusted. I got the item he needs and he bought one hundred shares which was surprising for me. I find him attractive, but he seemed not available. Mabilis siya at tahimik. Wala kaming pinag-usapan maliban lang sa konting conversation sa item na pinapa-bid niya. Gusto ko pa nga sanang magpaliwanag sa rules tungkol sa pagiging share holders ng SOLO, pero pinigilan niya ako. May kontrata naman daw. Alam niya raw kung paano magbasa.

Napangiti ako sa sarili habang iniisip ito. Kakaiba nga naman siya.

"That was surprising. You bid on that item at a lower price?" Ngumiwi si Samantha.

Pinagalaw ko lang ang ilong ito at saka niligpit na ang iilang mga gamit rito. "He bought hundred shares on me, Samantha. That should pay more than enough for the SOLO."

"What? One hundred shares?" Napatakip-bibig si Samantha. "Kaya pala ang laki-laki ng ngiti ni Mrs Bridget sa' yo kanina. Ganoon pala ang nangyari. My goodness! Bilib na talaga ako sa karisma mo pagdating sa pagbebenta." Bahagyang tawa niya.

Napailing ako at inabot kay Miguel ang mga papelis na napirmahan ko na. Siya ang kanang kamay ni Mrs Bridget.

"Thank you, Miss Erykha. You are a gem to this company today. Without you, we would not have had a huge amount of sales."

"Not a problem, Migs." Ngumiti ako.

"Mrs. Bridget is waiting for you in the private room, Miss Erykah."

"Okay. Thank you." Sumenyas na ako kay Samantha bago pumasok sa pribadong kwarto ni Mrs. Briget.

It was a good talk as Mrs. Bridget holds a few shares in my father's company. Konti lang ang share niya. Nasa mga three percent ito, at aktibo siya sa kompanya. Hindi niya raw gusto ang pamamalakad ng madrasta ko. Hindi lang siya dahil marami sila. Gusto niyang subukan kong patakbuhin ito, pero umayaw ako.

Hindi pa ito ang tamang panahon, dahil sa huling testamento ni Papa, ay si Emelda ang guardian ko at pansamantalang hahawak sa lahat ng ari-arian na nakapangalan sa papa ko. Magbabago lang ito kapag nagkaroon na ako ng pamilya at dapat ay sa tamang lalaki ako.

"Then, I wish you all the best in finding your perfect prince. I can recommend someone, Erykah. Atty Philip Dela Merced? Hindi mo ba siya type?"

Kumurap ako habang nakangiti. Mabait si Philip, pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At isa pa, may nililigawan na siya ngayon.

"He's not an Engineer, Mrs. Bridget," pagtatama ko. Talagang pinangangatawanan ko na ito.

"Oh, my bad. I forgot about the Engr thing." She laughed. "Then let's look for an engineer!" she energetically smile and I nodded. Hindi na ako papalag para matapos na kami. Gusto ko ng umuwi at magpahinga.

Days has passed and true to her words, Mrs Bridget was actually arranging dates for me. Nakakatawa nga ito, dahil parang naging matchmaker ko siya pagdating sa pagpili ng mapapangasawa.

Emelda had noticed it, as she saw me twice at the Crown Casino with my date as we were having our dinner there. I didn't do the first two dates, which were very aggressive. I turned them down.

"I still have another one for you, Erykha. He might be the best for you. He is tall, dark and handsome, plus an engineer!" tugon niya sa kabilang linya.

Peke akong ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung paano siya hihindian sa mga bagay na ganito. Sinusunod ko lang naman ang payo ni Samantha. Malay ko raw, baka nandito lang sa tabi-tabi ang prince charming ko.

Again it was a big fail. Engr Mata-Mata was not tall and handsome at all. He was the complete opposite of my ideal prince charming. Not to mention, he seems clever and very kind. Mabait at maginoo siya, pero iyon nga lang masyado siyang mahiyain. Halos wala kaming napag-usapan dahil nasa laptop niya palagi ang mga mata niya. May tinatapos raw siyang sketch plan at kailangan niya itong gawin, dahil sa deadline. Kaya ayon. Pinauwi ko na.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅     Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon