A/NThank you for choosing to read my novel. I wanted to let you know that English is not my first language, and despite my best efforts, there may be some grammatical errors and unconventional phrasing throughout the story. I appreciate your understanding and patience as you immerse yourself in the world I have created. Your feedback is invaluable to me, so please feel free to share any suggestions or corrections you may have.
"Each new friendship can make you a new person, because it opens up new doors inside of you."
–Kate DiCamillo"So friends?"Inabot niya sa akin ang kaniyang mga kamay,kinuha ko naman yun.
"Friends!"Sagot ko naman.
Nakakapanibago pero now I am happy to have found someone who can be my friend.
"Sige na uuna na ako.Mamayang gabi ulit manood tayo sa room ko."
"P-wede ba?"nahihiya ako tapos dadalawa lang kaming manonood.
"Don't worry isasama natin si tita."Sagot nito tumawa pa siya ng malakas.
"Ano bang iniisip mo?.Ikaw ha!"Dugtong pa nito tapos susundan pa niya ng malakas na pagtawa.Hiyang hiya na tuloy ako.
Ilang minuto niya pa akong inasar bago lumabas ng bahay.Ako naman ay naiwang tulala.
"Anak!bakit tulala ka?.Oh heto ibinili kita ng prutas."Iniabot niya sa akin ang prutas.
"Ma.Magpapachemo na po ako.Ilalaban ko ito at pangako gagaling ako.Hindi ako papayag na taningan nila ang buhay ko."
Ngumiti naman sa akin si mama at agad akong niyakap."Thankyou anak."
Hindi ako alam pero pakiramdam ko nagkaroon ako ng pag-asang mabuhay.Dahil ba yun sa kaniya?or dahil kay mama?.
Hindi na bale Ang mahalaga ngayon mayroon na akong inspirasyon para mabuhay pa kahit na tinaningan nila ang buhay ko.I don't believe in magic but now?I don't think so.
Matapos kumain ng kaunti ay humiga muna ako sa aking kama at nag-isip isip kahit na isang tao lang naman ang laman ng isip ko simula pa kanina,walang iba kundi si Kylo.
"Laraaa!tara na manonood.Hi tita kasama ka hah!"Napabangon ako sa pagkakahiga,napatingin ako sa may pintuan at doon ay natanaw ko si Kylo.Bakit napakaamo niya?malayo noong unang beses na nakita ko siya?.Ako lang ba pero ang cute niya.
"Oo nga pala.Wait maglilinis lang ako ng katawan."Dahan dahan akong tumayo.Bawal na bawal kase sa akin ang maggagalaw baka maapektuhan ang bituka ko,baka mapaaga pa ang pagkamatay ko neto.
"Manonood kayo?hindi ako pwede Kylo magliligpit pa ako ng kalat dito."Sagot ni mama, nakita kopa ang paglungkot ng mukha ni Kylo.
"Sige po sa susunod nalang."Sagot nito bago kami talikuran.
"Ky! sandali ayaw moba akong kasama?."Sigaw ko habang dahan dahan sa paglalakad.
Agad siyang lumingon at ngayon ay punong puno ng saya ang mga mata niya.How I wish na ganito nalang kami palagi.Masaya at walang iniisip na para bang mga normal kami at walang iniindang sakit.
"Maiintay moba ako?."Tanong ko agad naman siyang tumango."Mabilis lang ako."
Nasa loob kami ng kaniyang room,maganda,makulay at maaliwalas malayong malayo sa room ko na walang kakulay kulay.
"Pina dis-infect kona ito para sigurado ako sa kaligtasan mo."Napatingin ako sa kaniya nagaayos na siya ng latag at pagkain.
"Alam kong bawal ka sa popcorn kaya heto nagawa ako ng gatas at ginayatan nadin kita ng mga prutas na paborito mo."Pumunta ako sa pwesto niya.Tama nandoon nga lahat,maayos na nakalagay sa maliit na mini table.May mansanas,grapes at strawberry.
BINABASA MO ANG
After the rain(Camaraderie Series #1)
HumorCOMPLETED Pagkatapos ng ulan, tandaan na laging may araw na sisilay.Ang bawat patak ng ulan na bumagsak ay parang mga pagsubok sa buhay-ito'y dumadaan, ngunit hindi nagtatagal. Matapos ang unos, lumilitaw ang bahaghari, sumisimbolo ng bagong simula...