A/NThank you for choosing to read my novel. I wanted to let you know that English is not my first language, and despite my best efforts, there may be some grammatical errors and unconventional phrasing throughout the story. I appreciate your understanding and patience as you immerse yourself in the world I have created. Your feedback is invaluable to me, so please feel free to share any suggestions or corrections you may have.
"You can't stop the wave,but you can learn to surf"
-Jon KabatYlara
It's been one month simula noong maging magkakilala kami ni Kylo,at sa bawat araw na magkasama kami napakaraming bagay ang natututunan at narerealize ko.
At isa sa pinaka tumatak sa akin ay ang pagpapahalaga sa oras,dahil palagi niyang sinasabi na habang may oras ay may pag-asa.
Ngunit ang isang nobela ay hindi palaging natatapos sa happy ending palaging may problemang kinakaharap na pagsubok.
One day I woke up and everything really change,pagbabagong Hindi ko akalaing ikakawasak at ikakadurog ng puso ko.
Isang umaga napabalikwas ako ng bangon dahil sa mumunting tinig na naririnig ko.
Anong nangyayari bakit andaming doctor at nurses sa kabilang kwarto?may nakita din akong babaeng umiiyak malapit sa pintuan,mabuti nalang at bubog lang ang harang nh aking silid kaya kitang kita ko kong anong nangyayari sa labas.
Bakit kinakabahan ako?may nangyari bang masama?. Don't think negative things Elara everything's will be fine,bulong ko sa aking isipan.
Hindi na kinaya ng konsensya ko,agad akong lumabas at nilapitan yung babaeng kanina pa umiiyak.
"Miss are you okay? gusto niyo po ba ng maiinom?."
Tumingin ito sa akin,I see the pain in her eyes.Maya maya pa ay may dumating na lalaki may katandaan na ito pero kitang kita sa tindig nito na alagang alaga sa gym.
"I'm sorry if my wife's bother you."Turan nito.
Umiling ako,bago Sila bigyan ng isang napakatamis na ngiti.
"No, don't say sorry po!ako nga po ang lumapit sa kaniya, pasensya na po"
"Pero magtanong kolang po,kaano ano nyo po ang pasyente na na naka admit dito?."Sabay turo sa room ni Kylo.
"I'm Raymond and this is my wife,anak namin ang naka admit jan."
Nagulat ako dahil sa sinabi niya,omg hindi man kang sinabi sa akin ni Kylo na darating ang parents niya.
"And you are?."Binigyan pa ako ng nagtatanong na tingin ng papa ni Kylo.
"Y-lara po,lara nalang K-ylo's friend po"Usal ko,kinakabahan ako ewan ko ba parang ipinapakilala akong girlfriend ni Kylo.
"Ano po palang meron bakit andaming Doctor."Hindi ko mapigilang itanong, bumuntong hininga mona ang papa ni Kylo bago dumiretso ang tingin sa akin ang mama naman ni Kylo ay patuloy pa din sa pag-iyak kaya inaya kona sila sa aking kwarto upang makaupo.
inabutan ko muna ng tubig ang mama ni Kylo,nginitian naman ako nito.
"Iha,alam mo naman siguro ang sakit ng anak ko hindi ba?.
Tumango naman ako,"Opo alam ko matagal ko ng alam."Sagot ko.
"Tumawag sa akin ang Doctor niya kanina,and he said that the virus was too active.Mabilis na kumakalat sa katawan niya, grabe ang reaction ng katawan niya,Ibang iba ito kumpara sa ibang HIV patients ni doc Alex .Napakabilis ng pagkalat nito ang sabi sa amin ng doctor ay epekto iyon ng Alak,mas bumilis ang pagkalat ng virus dahil sa pagpapahina nito sa immune system ni Kylo."
Napatigil ako,ibig sabihin ba hindi na siya makakalabas?. H-indi,hindi mangyayari yun.
"P-lease act normal,wag kang magpapakita ng awa sa kaniya,kilala ko si K-ylo."Tumigil sa pagsasalita ang mama ni kylo at nagpunas ng luha,hinagod naman ni tito Raymond ang likod niya."H-indi niya gustong kinakaawaan siya, please Elara,do it for K-ylo's sake."Doon na tuluyang tumulo ang luha ko.
"He's gonna be okay po diba?."Umiiyak na ako habang nagsasalita.I can't and I don't want to see him suffering from pain.
"He will be okay,kayang kaya ni Kylo yun,malakas siya diba?."Turan ng mama ni kylo,ngumiti naman ako upang ipaalam na sumasang ayon ako.
"Yes po,he will be."
Dumaan ang matinding katahimikan sa aming tatlo,nabasag nalang yun noong biglang dumating si mama.
"Ma!"pagtawag ko saka siya agad din akong lumapit sa kaniya para yakapin siya.
"Oh may bisita ka pala?..Sino po sila?."Tanong ni mama
Tumayo naman ang mag asawa saka lumapit sa aming dalawa.
"Parent's of Kylo Ravenwood,nice too meet you."Nagkamayan pa silang tatlo.
"Ay magandang umaga po,kain po muna kayo may dala akong pagkain,pasensya na pala at makalat ang kwarto hindi kase nakapaglinis bago umalis"Mahabang saad ni mama natatawa ako dahil sa reaksyon niya,para kase siyang aligagang aligaga.
"No, thankyou nalang pupuntahan nadin namin si Kylo.... I-kaw iha sasama kaba?."
"Mamaya nalang po Siguro,kailangan nyo din pong magusap ng personal."Sagot ko
"Thankyou iha,your parents are so lucky to have you"Sa wakas ay nagsalita din ang mama ni Kylo,her words is so warmth nakakalambot ng puso.
"Lucky Po si mama,pero si papa? nevermind nalang po."Sagot ko saka mahinang natawa.
"Sige na uuna na kami!."Paalam ng mama ni Kylo and they left, dumiretso sila sa silid ni Kylo sakto naman at lumabas din ang mga doctor,nagusap pa ang papa ni Kylo at yung doctor.
Humiga ako sa aking kama at magmuni muni,grabe sa loob lang ng isang buwan andami na agad ang nangyari,parang kahapon lang ang saya namin tapos ngayon heto at nagdudusa siya!.How cruel the world for us.
Hindi kona mapigilang maiyak sakto naman at nagaayos ng lamesa si mama,Kung kelan pa naman nagkakaroon na ako ng pag-asa saka naman nangyayari ang mga bagay na ito.
"Anak bangon na kakain na."
Bumangon ako dumiretso ako sa banyo,naghilamos ako saglit,umaayos na ang pakiramdam ko pero matinding ipinagbabawal sa akin ang pagkain ng maalat,sobrang tamis at madami pa,gulay at prutas lang ang pwede,hirap no?.
Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin,maiitim ang ilalim ng aking mga mata,maputla pa din ang aking mga labi,at higit sa lahat ay utay utay ng nanlalagas ang buhok ko.
"Kaya mo ito Lara!sakit lang yan.Nanjan naman si Kylo,sasamahan nyo ang isa't isa hanggang dulo."Saad ko bago ako tuluyang lumabas ng banyo.
BINABASA MO ANG
After the rain(Camaraderie Series #1)
HumorCOMPLETED Pagkatapos ng ulan, tandaan na laging may araw na sisilay.Ang bawat patak ng ulan na bumagsak ay parang mga pagsubok sa buhay-ito'y dumadaan, ngunit hindi nagtatagal. Matapos ang unos, lumilitaw ang bahaghari, sumisimbolo ng bagong simula...