You'll be safe here in my side my love

8 5 0
                                    


A/N

Thank you for choosing to read my novel. I wanted to let you know that English is not my first language, and despite my best efforts, there may be some grammatical errors and unconventional phrasing throughout the story. I appreciate your understanding and patience as you immerse yourself in the world I have created. Your feedback is invaluable to me, so please feel free to share any suggestions or corrections you may have.

"In all the world, there is no heart for me like yours. In all the world, there is no love
for you like mine."
                                            – Maya Angelou

Matapos ang seremonya ay kumain pa kaming lahat sa mamahaling restaurant kasama ang parents ni Kylo at syempre kasama ang parents ko.

"I'm happy for the both of you,parang kailan lang umiihi pa sa short itong si Kylo tapos ngayon kasal na agad."Natatawa pa ang papa ni kylo habang nagsasalita.

"Pa!"

"Ano kaba minsan lang naman maging masaya ang papa mo"natatawang saad ni tita Lillian.

Kami naman ni mama ay tahimik na nakikinig sa kanila,napakasarap panooring masaya ang mahal ko habang ako naman ay masaya din habang nakatingin sa kaniya.

"So goodbye? enjoy your day."Saad ng papa ni Kylo hinawakan pa nito ang balikat ng anak bago marahang ngumiti.

"Please take care of my daughter ky,tawagan monalang ako kapag nagkaroon ng problema."

Nginitian ko si mama saka ko hinawakan ang kamay niya at marahang Pinisil iyon.

"She will be safe here in my side madam."Sagot naman ni Kylo saka ako inakbayan,"Salamat kung ganun."Tugon ni mama bago tuluyang sumakay sa taxi.

Babalik ang mga magulang namin sa manila, especially si mama itutuloy niya ang kaniyang trabaho,kami naman ay maiiwan dito sa probinsiya para sulitin ang mga natitira naming araw.

Nandito kami ngayon sa aming silid,kapwa kami nakahiga sa napakalambot na kama.

"Sa wakas my biggest dream become true"

napalingon ako sa pwesto ni Kylo,at binigyan siya ng nagtatanong na tingin,he smiled genuinely at me.

"Alam mo ba noong bata palang ako pangarap kona talagang maikasal,tapos bubuo ako ng sarili kong pamilya.Noon kase wala akong kasama tanging mga katulong lang kaya I feel alone.Tapos madalas pa wala sila mama para samahan ako."Pagkekwento nito ako naman ay tahimik na nakikinig habang hinahagod ang kaniyang buhok.

Parehas kaming nakatingin sa kisame na kulay puti, napasarap din sa pakiramdam na walang ingay at usok na nagmumula sa mga sasakyan,tanging huni lamang ng kuliglig at ibon ang iyong maririnig.

"I'm sorry.If we can't do the things that marriage can do."Malungkot ang boses niya,hindi ako tanga para hindi maintindihan ang tinutukoy niya.

"It was just a little things Kylo.Hindi naman porque kasal ay kailangan ng gawin ang bagay na yun!.As long as you are here at my side ayus na sakin yun."Paliwang ko saka ako umupo nakakaramdam kase ako ng pananakit ng aking sikmura,siguro ay epekto iyon ng hindi ko pag-inom ng gamot.

"Thankyou for your understanding Mahal."

I feel my face becomes red when I heard that endearment.

"Mahal?"

"Oo simula sa araw na ito iyon na ang magiging tawagan nating dalawa."

"Korny"

"Ang sweet kaya,diba mahal?."

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa tono ng boses niya.

"Oo na mahal"Saad ko dahilan para parehas kaming matawa.

Ilang Oras pa kaming nakahiga walang kumikilos hanggang sa namalayan nalang namin na umuulan na pala sa labas, Sumilip ako sa bintana at masayang pinagmasdan ang pagpatak ng ulan.

"Alam moba pinangarap ko noon na makaligo sa ulan, kaso madalas ay pinapagaliran ako ni mama dahil masama sa kalusugan ko"Pagkekwento ko,naramdaman konamang tumayo si Kylo at lumapit sa akin.

Naramdaman konalang ang kaniyang mga kamay na pumupulupot sa bewang ko,ipinatong niya din ang kaniyang baba sa leeg ko.

"Gusto mo bang maligo sa ulan?."

Tumindig ang balahibo ko dahil sa malamig niyang hininga na direktang tumatama sa leeg ko.

"Oo naman that was my dream."

"Ano pang iniintay mo?magpalit kanang damit ng makaligo na tayo."

Kakaibang saya ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya pero agad ding nawala iyon noong maalala ko na bawal nga pala siyang malamigan.

"Bawal ka dibang maligo sa ulan?bawal kang malamigan!."

"Wala ng makakapag bawal sa atin ngayon,from now on sariling desisyon na natin ang masusunod."

Natahimik ako dahil sa tinuran niya, Sigurado ba talaga siya?.

"Tara na!"aya niya sa akin agad naman akong naghubad ng gown sakto naman at nakaready na sa aparador ang mga damit ko kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap ng masusuot.

"Whoahhh ang sarap"Sigaw ko na parang bata habang sinasahod ang aking kamay.

"Ano nageenjoy kaba?"

"Oo sobra, thankyou"

Naghabulan pa kaming dalawa at naglaro ng kung ano ano pa hanggang sa parehas kaming mapagod,umupo kami sa hardin na ngayon ay basang basa na.
Parehas kaming walang imik tahimik kong pinagmamasdan ang kapaligiran na ngayon ay punong puno na ng tubig.

"Are you feeling okay?nilalamig kana ba?"Sunod sunod na tanong nito hinawakan pa nito ang balikat ko saka ako marahang niyakap.

"You can hug me if you feel cold."Dugtong pa nito.Hindi naman ako kumibo bagkos ay ninamnam ko ang mainit niyang mga yakap.

Ilang minuto pa kaming dalawa sa ganoong pwesto hanggang sa maramdaman ko ang mainit na pagtama ng sikat ng araw.

"The sun's coming out,"

"Do you like sun?"I asked

"Oum because I always believe that the sun symbolize hope."Sagot naman nito

"How?"

Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita.

"Because the rain just like thousand of problems and after the rain there always be a sun that will help to erase those problems"

Seryoso ito habang nagsasalita ako naman ay tahimik kang na nakikinig sa kaniya.

Ilang minuto pa kami sa ganoong pwesto hanggang sa inaya ko na siyang pumasok sa loob dahil nakakaramdam na din ako ng lamig.

"I will wait you love after the rain"I uttered binigyan naman niya ako ng nagtatanong na tingin,hindi naman ako sumagot bagkos ay Umakbay nalang ako sa kaniya.

Bago kami makapasok sa loob ay lumingon pa ako sa araw.

"From now on I will never be scared on rain, because this time I believe that after the rain there will be always a sun."Bulong ko bago namin tuluyang Pasukin ang loob ng bahay.



After the rain(Camaraderie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon