A/NThank you for choosing to read my novel. I wanted to let you know that English is not my first language, and despite my best efforts, there may be some grammatical errors and unconventional phrasing throughout the story. I appreciate your understanding and patience as you immerse yourself in the world I have created. Your feedback is invaluable to me, so please feel free to share any suggestions or corrections you may have.
"The most beautiful things are not associated with money; they are memories and moments. If you don’t celebrate those, they can pass you by."
–Alek WekNaligo mona kaming dalawa,nauna na akong maligo ayon na din sa kagustuhan niya wala naman na akong nagawa dahil hindi kona siya mapipilit pa,binilisan konalang ang pag-ligo para hindi siya magkasakit.
"Tapos kana agad?."Napatingin ako sa gawi ni Kylo, he's only wearing a black boxer shorts.Nakakapagtaka dahil napakaganda pa din ng katawan niya kahit na malaki ang ibinawas ng timbang.
"Stop Staring at my body,it made me feel hard"
"M-aligo kana."Taranta akong lumabas ng bahay,nakinig kopa ang mahina niyang pagtawa.Gosh muntik na ako dun hah!.
Habang naliligo si Kylo ay naisipan ko ng magluto,nagtungo agad ako sa refrigerator upang tinganan Kong may nakaimbak ng pagkain sakto naman at meron,I think adobo nalang ang iluluto ko para madaling maluto.
Nagsalang muna ako ng kanin bago ko sinimulan ang pagluluto,ilang minuto pa ang lumipas natapos kona ang lahat ng gawain ko naluto kona ang ulam at kanin pero ni anino ni Kylo ay hindi ko nakita.
"Ky!"Pagtawag ko pero ilang minuto na ang nakalipas pero wala akong nakuhang sagot.
I feel scared kaya dali dali akong nagtungo sa taas ngunit ni anino ni Kylo ay wala,halos takbuhin kona ang cr sa sobrang kabang nararamdaman.
Bumungad sa akin ang malinis na tiles dahan dahan akong pumasok at doon ay tumambad sa akin ang nakahigang si Kylo,wala itong malay at napakaraming dugo na tumutulo mula sa kaniyang bibig.
"K-ylo"Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sitwasyon niya,sana pala hindi konalang siya pinilit sumama sa akin maligong ulan.
Ang t*nga t*nga mo Ylara!.Marahas kopang sinabunutan ang buhok ko dahil sa sobrang inis.
Masiyadong mabigat si kylo pero nagawa ko siyang maidala sa aming kama wala padin siyang malay,halos lumabas na ang puso ko dahil sa matinding kabang nararamdaman,hindi kona din magawang lumabas pa ng kwarto nilinis kona muna ang katawan niya at agad pinatungan ng kumot bago ako tumabi sa kaniyang hinihigaan.
"M-ahal p-asensya na kung masiyado akong selfish."Pinunasan ko ang tumutulong luha mula sa aking mga mata."S-orry talaga,kung alam kolang sanang mangyayari ito hindi na sana kita inaya na maligo sa ulan"Patuloy pa din ako sa pag-iyak,awang awa ako sa kalagayan niya alam kong hirap at masakit ang dinaranas niya dahil sa pagiging selfish ko.
"Mahal!"
Nagising ako dahil sa pagtawag niya bumangon naman ako at umayos ng tayo
"May masakit ba sayo?may gusto kabang kainin?"Sunod sunod na tanong ko para na akong Ina na nagiintindi ng kaniyang anak.
"I want to eat,pwede?."
"Sure nakapagluto naman na ako"
"I'm sure masarap yan."
"Syempre ako pa"
Kunware ay wala lang sa akin ang nangyari kanina, ayokong iparamdam sa kaniya na naaawa ako dahil isa yun sa mga bagay na pinaka ayaw niya.Yun ay ang kaawaan siya ng mga taong nasa paligid niya.
"Hmmm dabest talaga ang luto ng asawa ko"Saad nito habang punong puno ng pagkain ang bibig.
"Don't talk when your mouth is full "Saway ko saka inabot sa kaniya ang isang baso ng tubig.
Nginitian lang ako nito saka ipinagpatuloy ang ginagawang pagkain.
Matapos ang hapunan ay ako na ang naglipit ng pinagkainan si Kylo Naman ay inayos ang sala dahil gusto niya raw mag movie marathon, Hindi naman na ako makatanggi dahil gusto ko rin naman magrelax.
Matapos kung hugasan ang pinagkainan naming dalawa ay dumiretso na ako sala doon ay naabutan kong naglalatag ng comforter si Kylo,sa unahan naman ay may nakalagay na lamesita may nakapatong doong pagkain na hindi ko alam kung saan niya nakuha."Oh mahal nandiyan kana pala,halika kana dito para makapanood na tayo"Pagtawag nito tinapik pa nito ang katabing upuan senyales na doon ako umupo.
"Ano bang panonoorin natin?"Tanong ko
"lovely runner."
"lovely runner?"pag-uulit ko sa sinabi niya.
"Oo mukhang maganda eh"
Sinimulan na namin ang panonod kapwa kami tahimik,minsan ay sinusubuan niya ako ng pagkain agad ko namang tinatanggap yun.
Makalipas ang ilang oras ng panonood ay nakaramdam ako ng matinding pananakit ng aking sikmura para bang tinutusok ng libo libong karayom.
Umayos ako ng upo at iniunan ang aking ulo sa balikat niya.
Sobrang sakit talaga Hindi ko magawang gumalaw dahil lalong sumasakit kapag ginagalaw ko ang aking katawan.
"Ky—arghh"daing ko agad namang humarap sa akin si Kylo.
"Mahal ko may masakit ba?alin ang masakit?."Umiling lang ako,"Naiipit lang Yung kamay ko"sagot ko bago ngumiti"Sige na manood na ulit tayo"dugtong kopa para Hindi niya mapansin na hirap na hirap na ako.
Bwiset na sakit ito pahirap sa buhay panira pa ng moment.
Natapos ang pinapanood namin na wala akong naintindihan dahil sa pananakit ng tiyan ko.
"Tara na matulog na tayo mahal ko."Pag aya nito, tumango naman ako at sinubukang tumayo pero hindi talaga kaya ng katawan ko kaya mabilis din akong bumagsak.Pero laking gulat ko noong hindi ako bumagsak sa sahig.
"Thankyou"usal ko mabuti nalang at nandiyan siya para saluhin ako.
"Wag mong pilitin Kong hindi mo kaya, nandito naman ako para buhatin ka."
Hindi ako sumagot bagkos ay niyakp konalang siya sa kaniyang leeg itinago ko ang aking mukha dahil tumutulo na ang luha mula sa mga mata ko.
I wish na sanay kayang hugasan ng ulan ang sakit na nararamdaman naming dalawa.
At sana dumating yung araw na wala na kaming mararamdaman na sakit,para maranasan naman naming gawin ang mga bagay na kayang gawin ng isang normal na tao,yun lang at yun nalang ang hilig ko kahit isang araw lang,isang araw lang.
BINABASA MO ANG
After the rain(Camaraderie Series #1)
HumorCOMPLETED Pagkatapos ng ulan, tandaan na laging may araw na sisilay.Ang bawat patak ng ulan na bumagsak ay parang mga pagsubok sa buhay-ito'y dumadaan, ngunit hindi nagtatagal. Matapos ang unos, lumilitaw ang bahaghari, sumisimbolo ng bagong simula...