Chapter 15: It's Finally Revealed

85 5 6
                                    

Party...

Sama-sama kaming tatlo ni Joonhee at Sunhi. Andun din yung ibang member ng Super Junior. Si Donghae, Eunhyuk, Sungmin, Kyuhyun, Ryeowook, at Yesung. Yung iba mukhang nagpahinga na. Nanatili lang kaming tatlo sa isang sulok habang kumakain at nanonood nung mga nagka-karaoke.

"Uyy! Kanina pa nakatingin sa'yo si Donghae oh..." biglang kalabit ko kay Joonhee.

"Oo nga eh, napansin ko rin... Bakit kaya?" pagtataka ni Sunhi

"Weh? Parang ang hirap namang maniwala sa..." hindi naituloy ni Joonhee yung sasabihin niya dahil pagtingin niya nga kay Donghae ay nakatingin nga ito sa kanya.

"Humanda ka na girl..." si Sunhi

"Papalapit na siya..." sabi ni ko. Hinila ko na si Sunhi para bigyan ng libreng oras si Joonhee at Donghae.

"T-teka, s-san kayo pupunta? Wag nyo ko..." narinig ko pang sabi ni Joonhee pero pinabayaan na lang namin yun ni Sunhi. Dumiretso na lang kaming dalawa doon sa may karaoke at kumanta.

---

Nung natapos yung party dumiretso ako sa may kwarto ko para makapagpahinga muna. Nakahiga na ako pero kahit na sobrang pagod ko hidni pa rin ako dinadalaw ng antok.

Ano ba naman Lee Jae-eun? Ba't hindi ka pa rin makatulog? Kalimutan mo na yung nangyari kanina. May iba pang pagkakataon para makaganti. Pero teka... Itutuloy ko ba yung paghihiganti ko? Maghihiganti pa ba ako? Bakit ako naguguluhan? Hindi ko alam. Parang ayoko ng ituloy pero may pumipigil. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Dahil sa hindi ako mapakali sa kwarto ko, naisipan kong lumabas muna at maglakad-lakad para makapag-isip ng mabuti. Dumiretso ako sa pinakamalapit na kainan tapos bumili ng dokbokki at umorder na rin ng soju.

Hindi ko pa nauubos yung isang bote ng soju pero mukhang tinablan na ako kaagad. Hindi rin kasi ako sanay uminom. First time ko yatang uminom dahil sa sobrang naguguluhan ako.

---

Naglakad na ako pabalik sa dorm namin. Dala na rin ng sojung ininom ko kanina, medyo nahihilo-hilo na ako. May mga instances pang muntik na akong matumba, buti na lang nakakakapit ako sa mga poste at nare-regain muli yung balance ko.

"A-anong nangyari sa'yo?" tanong ng isang pamilyar na boses.

"Oh? Lee Hyukjae... Hello..." pangiti-ngiti pa ako nung maaninag ko yung mukha niya.

"Lasing ka ah..." narinig kong sabi niya.

"Eh ano namang paki mo ah!" sagot ko sa kanya.

"T-teka? Kaya mo bang tumayo? H-halika, ihahatid na kita sa dorm n'yo..."

"Wag mo nga akong makapit-kapitan! Kasalanan mo ito eh! Ikaw ang may kasalanan kaya ako naguguluhan! Nakakaasar ka!!!" sigaw ko sa kanya

"Ano ba'ng ginawa ko? May ginawa ba akong masama?" naguguluhan niyang tanong.

"Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina, eh di sana masaya ako ngayon. Eh di sana nag-eenjoy ako dahil nakaganti na ako sa'yo. Kaso hindi eh. Pinigilan mo ako. At eto naman ako nagpapigil. Nakakaasar ka! Pero mas naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko..." hindi ko alam pero dahan-dahang naglabasan yung mga luha sa mga mata ko.

"Hindi kita maintindihan..."

"At yan lang talaga ang sasabihin mo? Talaga bang nakalimutan mo na yung ginawa mo sa akin nung middle school tayo? Hindi mo na talaga maalala yung pang-iiwan na ginawa mo sa akin nun? Sa bagay, makakalimutan mo nga naman yun. Hindi naman kasi ikaw yung napahiya nung mga araw na yun..." patuloy kong pag-e-explain.

"Middle school?"

"Iniwan mo ako nun! Iniwan mo ako! Hindi kita napigilan dahil hindi ka dumating nung araw ng contest. Iniwan mo ako. Wala kang kwenta tapos ikaw pa ang malakas ang loob para sabihin sa akin na huwag akong umalis... Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan ako..." tuloy-tuloy kong sabi habang hinahampas ko siya.

"Hindi ko man maalala yung sinasabi mo, humihingi ako ng tawad sa kung anumang kalokohan ang ginawa ko sa'yo dati. Hindi ko man alam ang pinagdadaanan mong hirap ngayon pero handa akong tulungan ka kung anumang hirap ang pinagdadaanan mo. Tutulungan kita. Handa akong tumulong. Sabi mo nga, ako yung may kasalanan. Patawad. Pasensya na. Masyado siguro akong childish nung mga panahong iyon kaya nagawa kong iwan ka... Patawad talaga. Kung anuman ang nagawa ko, patawarin mo na ako. Pupunan ko na lang yung mga  kasalanang nagawa ko sa'yo dati. Gagawa ako ng paraan para hindi ka na mahirapan pa..." mahinang sabi niya.

Parang dahan-dahang kumalma yung pakiramdam ko nun. Hindi ko alam kung dahil sa pagod or dahil sa soju pero tuluyan ng pumikit ang mga mata ko nun at hindi ko na naaalala ang mga sumunod na pangyayari.

---

a/n: hihihi~ gusto nyo pa akong mag-author’s note? Ayoko eh. Hahaha... sabaw paren

sige, THANK YOU PO SA PAGBASA :)

Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon