"Finally natapos din..." yun yung huling narinig kong sinabi ni Eunhyuk after niyang lumabas sa isang room. Sumunod na lumabas doon sa room na yun si Kyuhyun na tatawa-tawa pa. Agad kong nilapitan si Kyuhyun para kausapin, nilagpasan ko lang si Eunhyuk na kakamot-kamot ng kanyang ulo.
"Anong nangyari?" agad kong tanong kay Kyuhyun.
"Wala. May itinanong lang sa akin si Eunhyuk..." nakangiting sagot ni Kyuhyun sa akin.
Kakausapin ko pa sana siya ng matagal kaso,
"Bilisan mo na dyan, magpa-practice pa tayo..." tapos lumapit sa akin si Eunhyuk at kinapitan ang aking braso at hinila ako palayo kay Kyuhyun.
Hindi man lang ako nakapag-babay kay Kyuhyun T^T
Nung nakarating na kami sa practice room, wala pa si Donghae doon.
"Paano tayo magpa-practice nyan? Wala pa pala yung si Donghae..." angal ko kay Eunhyuk. Sayang yung moment namin ni Kyuhyun.
"Kahit na! Pwede naman kahit tayong dalawa lang ulit ah... Bakit kailangan pa nating hintayin si Donghae. Tsaka wala ka namang ginagawa eh... Sayang yung oras, malapit na pa naman yung concert..." mahabang paliwanag ni Eunhyuk.
"Okay fine..." maikli kong sagot tapos kinuha ko na yung bag ko para makapagpalit na ako ng damit ko.
After kong bumalik, napansin kong wala pa si Eunhyuk sa kwarto at nakita kong naiwan niya yung cellphone niya doon. Nalaman ko na parehong-pareho nga yung style nung cellphone naming dalawa kaya pala napagkamalan kong cellphone ko ito. Hindi ko alam yung pumasok sa isip ko at binuksan ko ang cellphone niya. May password yung cellphone niya at hinulaan ko. 040486 yung unang hula ko. And guess what? Bumukas yung cellphone niya. :)
Tinignan ko yung mga songs at pictures niya doon. Karamihan yung mga kanta nila pati mga pictures niya kasama yung ibang members. Napadpad ako sa videos niya, doon ko nakita na may video pala siyang naka-save na kanina lang vinideo. Tinignan ko yun, at pinanood.
Sa buong video, tawa lang ako ng tawa. Pinag-aaralan kasi ni Eunhyuk yung 'Hot Times' na kanta ng SM The Ballad kung saan kasama si Kyuhyun.
Kaya pala sila magkasama doon sa room kanina, eto pala yung pinagkakaabalahan nila. Grabe, nakakatawa!!! Evil nga si Kyuhyun... wahahaha :)
[a/n: If you want to watch the video, dito po sa may multimedia corner -----> ]
Pinapanuod ko pa yung video nung biglang bumukas yung pintuan, agad kong itinago sa likuran ko yung kapit kong cellphone.
"Hi! Si Eunhyuk?" tanong ni Donghae.
Kinabahan ako nun, akala ko kasi si Eunhyuk yung papasok. Muntik na akong mahuli nun.
"Ah... Eh... Nagpapalit ng damit, magpa-practice kami eh..." sagot ko kay Donghae.
"Yes! Di pa ako late... Sige, sige, babalik na lang ako ulit kapag andito na siya..." tapos ibinato niya yung bag niya sa loob at agad na umalis.
"Tsk. Tsk..." napapalatak na lang ako at napailing-iling. Tapos sinimulan ko ulit yung panunood nung video. Nasa kalagitnaan pa lang kasi ako nung umepal si Donghae.
Tumawa na naman ako ng tumawa habang pinapanuod muli yung video. Hindi ko na napansin na may pumasok na pala ulit dahil enjoy na enjoy ako sa pagtawa ko.
Natigil na lang ako sa pagtawa ko nung biglang may umagaw ng cellphone na kapit ko.
"T-teka! Hindi pa ako tapos manood..." sabi ko tapos pag-angat ko ng ulo ko, yung mukha ni Eunhyuk yung nakita ko. Agad kong pinigilan yung tawa ko at ngumiti na lang sa kanya.
"Bakit mo pinanood yung video ko?" galit niyang tanong.
"Ah... Eh... Hindi ko naman sinasadya eh... Pasensya na..." paliwanag ko sa kanya.
"Bwisit talaga. Kung bakit kasi vinideo pa ito. Sinabi kong wag ng i-video eh. Bwisit! Bwisit talaga..." kukunin na niya yung gamit niya tapos lalabas na ng practice room nung bigla ko siyang pinigilan sa kamay niya.
"Uy... Sorry na..." tapos nag-pout ako at medyo paawa effect yung mukha ko. "Hindi ko na ulit papakialaman yang phone mo. Pasensya na talaga..." dagdag ko. Tapos yumuko ako sa harap niya. Natakpan ng buhok ko yung buong mukha ko.
"Fine. Fine. Mag-practice na lang tayo..." sabi niya tapos ibinalik niya yung gamit niya sa may gilid ng room.
"Hot Times pala ah... hihihi" mahinang bulong ko sa sarili ko.
---
A/n: pasensya sa maikling update… I’ll try to make another long one. Sana wag muna akong antukin… PAsensya muli. Sadyang hindi pa talaga ako inspired eh… wait lang hihihi ^^ after ko panuorin yung movie na yun, baka ma-inspire na ako ulit… :) Ayun, maraming salamat sa pagbabasa… AYLABYOW!! :DD ♥♥♥
BINABASA MO ANG
Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*
FanfictionSide-story po ito ng 'My HAEven on Earth'.. Story ni Lee Jae-eun... request ng isang ELFriend na nakilala ko sa Wattpad... ^^ VOTE! MESSAGE! COMMENT! :)) PAYTEEENG!! XD ----------------------------------- Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit...