a/n: after a long time na-update ko na rin ito. XD uwaa~ ayun lang... hihihi~ natutuwa ako, :)
---
Kaya ayokong maging babae, ang hirap magdesisyon. Lagi na lang papalit-palit ng desisyon. Hindi mo alam kung anong susundin mo. Grabe! Alam ko matagal ko ng napagdesisyunan ito. Pero hindi ko alam kung bakit nagulo ang desisyon ko about sa paghihiganti sa kanya. Dahil na naman ito doon sa unggoy na iyon.
Hindi ko na inisip yung mga nangyari nung isang araw, este nung isang gabi pala. Kasi kahit anong isip ko sa kung ano talaga ang nangyari ay wala akong matandaan. May short-term memory na yata ako eh~
/Boom!/
Syete! That sound means it is the official start of the SS4 Tour. Pero hanggang ngayon walang matinong desisyon ang nabuo sa utak ko. Iiwan ko ba siya or hindi? Gaganti ba ako o hindi?
Nanginginig ako dahil sa sobrang kaba at excitement at the same time. Sumilip lang ako sandali sa backstage at nakita ko yung sobrang daming tao sa ibaba ng stage. Punung-puno yung concert venue.
Kung ngayon ako aalis, makakapaghiganti na ako ng tuluyan sa kanya, pero...
"Huuuy~ nanginginig ka dyan ah..." sabay tapik sa akin ni Donghae.
"Ay nako!" tapos nag walk-out na ako. Naasar kasi ako sa kanya. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip. Nakakaloka lang.
"O-Oy! A-ano ba'ng problema mo? Galit ka ba sa akin? Ano ba ang ginawa ko?" bigla niya akong kinapitan sa braso ko.
"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko sa kanya tapos pagharap ko, nakita ko si Joonhee sa harapan namin. Agad ko namang pinalis yung kamay niya sa may braso ko. Bigla na lang tumakbo palayo si Joonhee. Hahabulin ko na sana si Joonhee pero mabilis siyang nakaalis sa harapan namin.
"Tignan mo! Ikaw kase!" sigaw ko sa harapan ni Donghae. "AISH~ Nakakaasar ka talaga!" tapos iiwan ko na siya pero humahabol siya.
"U-uy! saan ka pupunta? Maya-maya tayo na yung magpeperform, wag kang lalayo. Mahirap na baka mawala ka..."
"Aalis ako! Iiwan ko kayo. Bahala na kayong mag-perfrom dyan! I hate you..." tapos lumakad ako paalis na hanggang sa may mabunggo ako.
Si Eunhyuk.
Nung nag-angat ako ng paningin ko, nakita kong parang may galit sa mga mata niya.
"Aalis ka? Hindi ka magpe-perform? Iiwan mo nalang ng ganun ang mga audience? Talaga bang mahal mo ang pagsasayaw? Aalis ka na lang bigla. At tinawag mo pa ang sarili mo na dancer. Tss~" dire-diretso niyang sabi.
"H-hindi naman y-yun ang ibig kong sabihin..." paliwanag ko.
"Wag ka ng magpaliwanag. Umalis ka kung gusto mo..." tapos pumasok na siya sa may dressing room niya.
Hinarap kong muli si Donghae, iiling-iling lang ito.
"Tsktsk. Tignan mo, pinasama mo yung loob ni Eunhyuk..." nang-aasar na sabi niya.
"At ako pa talaga yung may kasalanan. Nakakaasar ka talaga DONGHAE!!!" tapos lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ng mahina yung braso niya.
"O-Oy! Wag nga! Ang kulit mo ah..."
Natigil kami nung biglang dumating ulit si Joonhee.
"A-ano? M-malapit na daw si Donghae... P-pumunta k-ka na daw kayo sa stage..." tapos tumalikod agad siya at umalis na.
Napailing na lang din ako sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit lagi kaming naaabutan ni Joonhee na ganito ka-close. Baka sobrang nagseselos na yun.
BINABASA MO ANG
Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*
FanfictionSide-story po ito ng 'My HAEven on Earth'.. Story ni Lee Jae-eun... request ng isang ELFriend na nakilala ko sa Wattpad... ^^ VOTE! MESSAGE! COMMENT! :)) PAYTEEENG!! XD ----------------------------------- Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit...