Chapter 17: The Crash

27 2 3
                                    

a/n: hi po! I'm back after ilang years. haha! Buhay pa naman ako. :) So ayun, eto na yung karugtong...

---

Teka. Bakit ba ako sumusunod sa kanilang dalawa ni Shindong? Saan ba kasi silang dalawa pupunta ng ganito kaaga? Mygad! Kanina pa ako sumusunod. Ang taas na ng metro ng taxi na ito. Hindi pa ba kami makakarating sa pupuntahan namin?

Halos tatlong siyudad na yung nadaanan namin pero hindi pa rin tumitigil sa pagda-drive si Shindong. Magkasama silang dalawa ni Eunhyuk ngayon dahil may pupuntahan sila. Naikwento lang sa akin ni Joonhee. Hindi ko alam kung bakit ko nga sila sinundan bigla, para bang bigla na lang akong na-curious.

After ilang oras na pagda-drive, tumigil na rin yung sasakyan nila sa harap ng isang ospital. Magkasama silang lumabas. Sumunod din ako sandali nung nakita ko na silang nakapasok na sa loob.

Agad akong lumapit sa front desk at nagtanong sa babaeng nandoon, "Good morning Miss. Saan po papunta yung pasyenteng dumaan kanina?" tanong ko, "si Lee Hyukjae po."

"Ah. Si Hyukjae. Papunta siya sa doctor niya."

"Doctor niya? Bakit may sakit po ba siya? Ano pong sakit niya? Gagaling pa ba siya?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya.

"Wala naman po siyang sakit. Theraphy lang po yung gagawin niya... Teka nga po, related po ba kayo ni Mr. Hyukjae?" tanong niya.

"Ah... Parang. Medyo..." nalilito kong sagot.

"Don't worry ma'am, hindi naman po malala yung kalagayan niya, kailangan lang niya ng monthly theraphy after nung aksidenteng nangyari sa kanya. May iilang memories po kasi siyang nalimutan after nung aksidenteng iyon..." paliwanag nung nurse.

"Aksidente? K-Kelan po ba nangyari yung aksidenteng yan?" mas lalo akong nalito sa sinabi nung nurse dahil hindi ko maalala yung aksidenteng tinutukoy niya.

"Yung aksidente po. Yung halos nag 50:50 si Kyuhyun, yung isang member nila. Si Hyukjae, hindi masyadong nasaktan pero dahil siguro sa trauma, may iilang memories siyang nakalimutan. Gusto mo po bang pumasok sa room ng doctor niya para magkita kayo?"

"Ayyy... wag na po. Aalis din kasi ako kaagad . Sige, Bye" agad kong paalam dun sa nurse sa front desk. Baka kasi abutan pa ako nila Hyukjae at kung anu pa isipin nila.

---

Biglaan kong tinawagan sina Joonhee at Sunhi para magkita-kita kami. Buti na lang at wala kaming practice nung mga araw na yun. Dun kami sa paborito naming coffee shop nagkita-kita.

"Girls, anu ba yung nangyaring aksidente sa Super Junior dati?" agad kong tanong pagdating na pagdating ko sa coffee shop.

"Teka, hindi mo alam yun?" gulat na tanong ni Sunhi.

"Parang halos lahat ng fans ng Super Junior alam yun. At nalulungkot sa tuwing pag-uusapan yung aksidenteng nangyari nung April 19, 2007..." pagtutuloy ni Joonhee.

"Hindi ko nga alam. Sabi ko nga sa inyo hindi na ako ganung nakapag-research ng mga past videos at news tungkol sa kanila dahil nga sa hectic na practice." pagpapaliwanag ko.

Kinuha ni Joonhee yung phone niya at agad naghanap nung video nung aksidente na pinag-uusapan namin.

"Oh, kapitan mo yung phone. Ayoko na maalala yan. Sa tuwing maaalala ko yan, naiiyak ako. Wala man si Donghae dyan pero sobrang sakit na makita yung kalagayan ni Kyuhyun pati na rin yung ibang members." pagkukwento ni Joonhee.

Inabot ko yung phone at agad na pinanood yung video.

"Teka, parang di naman masyado nasaktan si Eunhyuk dito ah..." bigla kong komento nung natapos yung video.

"Hello 'te, malamang na-trauma yan. Grabe kaya yung aksidente. Tapos nag 50:50 pa yung isang member nila. Di man siya physically hurt, mentally and emotionally baka may side effects pa rin yung aksidenteng nangyari..." pag-e-explain ni Sunhi

Medyo naliwanagan ako sa mga sinabi nila. Kaya siguro magkasama si Shindong at Eunhyuk, nagpapa-therapy sila dahil sa aksidenteng yun? Dahil na-trauma sila?

Naghanap pa ako ng mga video about dun sa aksidenteng 'yon. Tapos may nakita akong video ni Hyukjae,

There was a sudden jerk, at that moment, it started shaking here and there. Screams can be heard right then, that short moment felt long to me, though it was only 10 seconds. When the car finally stopped, we went to see how the other members were. The members were solemnly helping to clear the place. At that time, when I looked at Kyuhyun, I cried really hard. It was really scary, We were all praying for him. It seemed like everything vanished in an instant" - Eunhyuk

Sobrang sakit siguro sa feeling nun. Kakaumpisa lang nila ng 2005 tapos bagong member nila si Kyuhyun tapos naaksidente ng ganung kalala. Sobrang sakit. Iniisip ko palang. Iba siguro yung feelings ng mga Hyungs niya after ng aksidenteng iyon. Kaya pala kahit medyo bully si Kyuhyun, pinagbibigayan nila, dahil hindi lang member ang turingan nila sa isa't isa, kungdi parang magkakapatid na.

---

Dahil sa sobrang dami ng iniisip ko after ko maliwanagan sa aksidenteng yun, pumunta ako sa practice room ng SME para sumayaw at magtanggal ng stress.

Nagpatugtog lang ako at pinilit i-clear yung mind ko. Nakapikit ako habang pinababayaan yung katawan kong sumunod sa bawat tunog ng musika.

Imbes na mawala yung mga iniisip ko, paulit-ulit na nag-play sa utak ko yung aksidente. Yung pagkasira ng sasakyan. Yung pagdating ng mga ambulansya. Yung pagkakagulo ng mga tao. Yung pag-aalala ng ibang members. Si Kyuhyun. Si Hyukjae... Bumalik din sa ala-ala ko yung time na mag-isa lang akong sumasayaw, walang Hyukjae na dumating sa contest na dapat sasalihan namin. Naisip ko baka naaksidente din siya nun kaya hindi siya nakarating. Patuloy na nagtatalo ang utak ko hanggang ngayon, hindi yata ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan. Napadilat na lang ako at napasigaw ng bahagya.

"Nakakainis. Nakakainis!" nasambit ko na lang pagdilat ng mga mata ko. Nagtungo ako sa pinaglagyan ko ng mga gamit at kinuha ang tubigan ko.

Bigla na lang ako nagulat nung, "Bakit?" may nagsalita sa kwarto.

"Ay! unggoy ka!" gulat kong sabi. Pagtalikod ko, nakita ko si Hyukjae sa may gilid ng room, "Nakabalik ka na pala?" dagdag ko pa.

"Alam mong umalis ako?" duda niyang tanong.

"Ah. Eh. Nakwento sa akin ni Donghae..." pagsisinungaling ko.

"Bakit mag-isa ka dito? Bakit parang hindi maganda ang mood mo?" tanong niya.

"Okay naman ako. May mga gumugulo lang sa isip ko." lahad ko.

"Baka gusto mong pag-usapan nating dalawa yan. May mga gumugulo din kasi sa isip ko..."

---

A/N: after ilang years, shems. eto na po :) Hope you like it. Itutuloy ko na talaga promise. Medyo nawalan lang talaga ako ng inspiration ever since nagpakasal si miming, tapos sunod-sunod silang pumasok sa army. huhu~ Pero konti na lang, makakalabas na sila. Yey! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon