Eurice's POV
Naalimpungatan ako dahil sa mumunting tapik sa aking pisngi. Umiikot ang pakiramdam ko kaya ayaw kong imulat ang aking mata. It's like I'm riding a roller coaster.
Isang beses pa lang ako nakasakay sa ganun at ganito ang pakiramdam pagkababa ko ng ride na iyon. Parang kapag isang mulat ko lang nakahanda nang umakyat sa bibig ko lahat ng mga kinain ko.
Ipinikit ko ng maigi ang mga mata ko. Alam kong masusuka lamang ako kapag nagmulat ako. Ayoko na. Para akong nilalagnat na hindi ko maintindihan.
Alam kong lasing ako ngayon at pinagsisihan ko iyon. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang epekto ng alak. Parang pinaghihiwalay ang utak ko sa ulo ko. Para kang nasa duyan pero yung duyan paikot na. Ganyan ko mailarawan ang pakiramdam ko ngayon.
"Hey, baby." tapik ulit niya.
"Ano ba? Masakit ang ulo ko." sabi ko at pinikit ng maigi ang aking mata. Diyos ko po! Ano ba kasi ang ininom namin at bakit ganito? Masarap naman 'yon ah? Pero bakit ganito? Grabe namang panlilinlang 'yon.
"Baby, let me take you inside. You can't sleep here." aniya. I know it's Titus at mas lalo akong nainis. Akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya kanina? Matapos lang itong parusa ng diyos sakin lagot sakin ang lalakeng ito.
I don't know bakit ang tapang ko ngayon. Siguro epekto din ng alak saakin.
"Baby, sino kasi ang nagsabing uminom ka? I already told you about drinking. Paano na lang kung hindi ako doon dumating?" daldal niya. Hindi ko siya pinansin. Ayaw ko nang gumalaw. I know na mahihirapan lang ako kapag pinatulan ko pa ito.
Ilang minuto at wala na akong narining mula sakanya. Akala ko hinayaan na lang niya ako kaya medyo nagtampo naman ako, but I was wrong dahil bigla ko na lang naramdaman ang pag-angat ko sa ere. And let me tell you this, mas lalong lumala ang sama ng pakiramdam ko. Alam niyo 'yong naka upo ka sa isang mataas na lugar tapos may biglang tumulak sayo? Ganun ang pakiramdam.
Dahil doon hindi ko na napigilan ramdam ko ang pag-akyat ng mga kinain ko at nasuka na ako.
"Sh*t!" sabi niya. Ayan. Gulantang siya. Kung hinayaan lang sana niya ako doon edi sana hindi ko nasukahan ang damit niya.
Agad akong nagpumiglas at umalis sa pagkakabuhat niya. Ayaw pa sana niya but wala siyang nagawa. Nasuka na ako ng tuloyan sa sahig. Naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko.
"Okay, just let it out. Sumuka ka lang." sabi niya.
"Ikaw kasi. Kung nagtext ka lang sana at hindi ako pinag-alala, hindi ako mawiwiling uminom doon. Ikaw ang may kasalanan nito." umiiyak kong sabi. Gusto ko nang magdasal sa sitwasyon kong ito. Diyos ko po, buhayin niyo lang po ako ngayong araw, hinding hindi na ako iinom ng alak na iyon.
Hindi siya nagsalita at hinayaan lang akong sumusuka habang umiiyak. I saw him fetch his phone mula sa bulsa niya at may pinindot doon.
"Vlad, can you stop by a convenient store? Buy some medicine there or any remedies for a hang over. Also some Pocari Sweat or any water with electrolytes. Yes, that's all. Thank you." rinig kong sabi niya bago niya in-end ang tawag.
Tapos na akong sumuka pero pakiramdam hinang hina ako. Sinuka ko ba naman lahat ng kinain ko kanina? Grabe ang dugyot ko.
"Come here. Buhatin na kita." aniya. Hindi na ako nagreklamo kasi ubos na ubos na talaga ang enerhiya ko. Wala na. Para na akong lantang gulay and I hate this situation. Last na 'to.
Kahit papaano ay nabawasan ang hilo ko dahil sa ginawa kong pagsusuka. Para na ako ngayong nakalutang sa alapaap. Tahimik ang paligif at tanging yabag lang ni Titus ang naririnig ko. Umaalog alog din ako na hindi nakatulong sa sitwasyon ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Enraptured
Romance"You're mine and mine alone. I will not let anyone take you away from me. I will bury them alive if they attempt to. Keep that in mind, Little Kitten."
