PART 1 OF 12

149 14 4
                                    

BE PERFECT. One mistake, and society forces you to kill yourself. A deadly punishment masked as suicide. Twisted, isn't it?

"Antonio!"

"Yes, ma'am?"

"Spell 'silhouette' on the board!"

"Yes, ma'am."

Walang emosyon akong tumayo, inayos ang nagusot kong uniporme at maingat na naglakad papunta sa harapan ng klase. My shiny black shoes created a monotonous sound, an eerie echo amidst the silence. I could almost see my reflection on the newly polished floor, not a speck of dirt in sight. 'This world is just too damn perfect for such imperfections,' I thought. Huminga ako nang malalim at parang robot na kinuha ang kapirasong chalk sa kamay ni Ma'am Castro. My face remained neutral and stoic---I've already mastered the art of concealing emotions. We're required to do so. Kung bakit? Iyan ang mananatiling isang malaking katanungan para sa akin.

Ngunit imbes na manatili sa pisara ang mga mata ko, hindi ko maiwasang silipin ang mga kaganapan sa labas. The window gave a limited view, but from here, I can clearly see a girl being dragged across the streets. Isinakay siya sa isang itim na armored van at tinangay papalayo. Mapait akong ngumiti. Alam ko na kung anong gagawin---o "ipapagawa"---sa kanya. She made a mistake. She became imperfect.

And in our society, there's no such thing as imperfections.

"Antonio!"

"Y-Yes, ma'am."

At marahan kong isinulat ang mga letra sa blackboard. Malinis dapat. Hindi lalagpas sa guhit. Uppercase lahat. 'Wag magmamadali. 'Wag mabagal. Sakto lang. Kailangan walang mali.

Walang mali..

Walang mali....

SILHOUET.

Kung kanina, nakabibingi ang katahimikan, ngayon naman, para bang sinasakal ako nito. The four corners of the room suffocated me, and I found myself gasping for air. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang naisulat ko sa pisara. Horror struck me, and I instantly felt my hands shaking in nervousness.

"A-Antonio?!"

Maging si Ma'am Castro ay nabigla at tila ba hindi makapaniwala sa pagkakamali ko.

'Isang pagkakamali.' Lagot na.

Aksidente kong nabitiwan ang yesong hawak ko at napahakbang paatras. "H-Hindi ko po sinasadya---!"

Bago pa man ako makapagpaliwanag, isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa katahimikan. Natataranta kong nilingon ang mga kaklase kong nakatitig pa rin sa kawalan---para bang hindi naaapektuhan. It didn't surprise me. We were programmed to be "perfect students" after all. Ilang sandali pa, nangyari na ang ikinakatakot ko.

Several men wearing black suits barged into the classroom and started dragging me away. "I-I'M SORRY! HINDI KO SINASADYA! P-PLEASE, TAMA NA!" Sinubukan kong magpumiglas, ngunit sadya yatang nakatadhana na itong mangyari.

Nakatadhana akong magkamali.

Nakatadhana akong magpakamatay.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagpintig ng puso ko. Binalot ng tensyon ang paligid habang pinatitinginan na ako ng ibang tao. Pinilit nilang ngumiti at umaktong walang nangyari. 'They always do that, they always pretend the society doesn't control us!' Napadaing ako sa sakit nang gumasgas sa balat ko ang magaspang na kalsada. My skin grazed a sharp object, leaving blood smeared on the ground. Ilang sandali pa, namalayan ko na lang ang sarili kong ipinapasok sa loob ng maalamat na armored van.

The smell of rotten flesh and iron almost made me sick. Kinilabutan ako nang unti-unti nilang isinara ang pinto ng van---locking me away in a vast darkness that made my skin crawl in fear and anxiety.

Heto ang napapala ng mga taong kagaya ko. Mga taong hindi pinalad maging perpekto.

"Wala na akong takas sa kamatayan."

---

✔ Suicide ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon