Nagising akong kinakaladkad ako palabas ng sasakyan ng mga lalaking naka-maskara. Ang huling naaalala ko ay nang turukan nila ako ng kung anong likido. Hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sakit na dulot ng pagbaon ng malaking karayom sa balat ko. Nonetheless, the pain is a dull reminder that I can still feel my body.
"S-Saan niyo ako dadalhin?" Garalgal at halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas.
Walang sumagot sa akin.
Nanlabo ang aking paningin nang matanaw ko ang malaking gusaling bumungad sa'min. Namalayan ko na lang na kinakaladkad na nila ako roon na para bang isang baboy na kakatayin anumang sandali magmula ngayon. That thought was enough to send a chill down my spine.
"Here's another one."
"Dumarami na yata ang mga pangahas ngayon."
"Namali raw ng spelling. Kawawang bata."
Halos hindi ko na maintindihan ang usapang nagaganap sa paligid. Soon, I was pushed into another room, the cold metal flooring did nothing to ease my fear. Madilim ang paligid at halos hindi ko na maaninag ang kisame. Ilang sandali pa, ipinuwesto na nila ako sa tapat ng isang lubid. A chair was conveniently placed underneath my feet. Nanginginig na pala ang mga kamay ko habang isinusuot nila ang lubid paikot sa aking leeg.
Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga lalaking naka-puting maskara. Smiley faces painted in crimson paint that resembled blood. These men stared at me in anticipation. One of them, who held a clean and crisp folder, spoke in a baritone voice, "Antonio Servantes, age 17. Nakatira sa Eastwood Heights, kasama ang parehong ina at ama... You have committed a fatal crime, boy. Isang malaking kalapastanganan at kahihiyan sa educational system ng Eastwood ang ginawa mo. Maling spelling. Hindi ka naging perpektong mag-aaral, at hindi natutuwa si Mr. Mayor sa ginawa mo. Alam mo na siguro ang nangyayari sa mga estudyanteng tatanga-tanga at nagpakita ng kahinaan sa larangan ng akademiko, hindi ba?"
Nanuot sa katahimikan ang sinabi niya. Halos hindi na ako makahinga. Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko, ngunit alam ko namang magsasayang lang ako ng laway. Kapag nagkamali ka, wala ka nang kawala. Isa ka nang salot sa lipunan.
"K-Kailangan kong mamatay."
"Dahil?" The devilish man cocked his head to the side, amusement in his voice.
Napapikit ako at naikuyom ang aking mga kamao, "d-dahil walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto."
Sabay-sabay na tumango ang limang lalaking nakamaskara.
"Go ahead. Kill yourself. Save us the humility. Save yourself. Save the society." Sabay-sabay nilang sambit nang paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit hanggang sa halos mabingi na ako sa kanila. Nanindig ang balahibo ko sa tunog at tila ba may nag-uudyok sa'kin para gawin ito.
"Go ahead. Kill yourself. Save us the humility. Save yourself. Save the society."
Save myself. How can I fucking do that?!
Napasigaw ako sa sakit nang bigla nilang ibinaon ang isang patalim sa binti ko. Halos maiyak na ako sa tindi ng hapdi ng kalamnan ko. "D-Darn it!"
"GO AHEAD. KILL YOURSELF..."
Malalalim na ang paghinga ko. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. The eerie voices chanting in a demonic manner can drive anyone crazy. It can push anyone to the edge of madness.
"...SAVE US THE HUMILITY. SAVE YOURSELF..."
Dumausdos ang luha mula sa aking mga mata at halos kumawala na ang puso ko sa kaba. Pagak akong natawa. Nang dahil lang sa maling spelling? Oo.
"...SAVE THE SOCIETY."
'Fuck the society,' that was my last thought before I let my feet slip off the chair. Napasinghap ako sa gulat nang biglang humigpit ang pagkakasakal ng lubid sa leeg ko. The air suddenly escaped my lungs, and soon, my body was dangling from the ceiling. Unti-unti na akong nawawalan ng ulirat habang nakatitig ako sa kulay puting kisame. Nanikip ang dibdib ko at bigla na lang akong namanhid sa lahat.
Nagtawanan ang mga lalaking naka-maskara at sinimulang sunugin ang katawan kong nakasalambitin sa ere. Pinaliguan nila ako ng gasolina at tinapunan ng nakasinding posporo. Maya-maya pa, naramdaman ko na ang nakamamatay na init at natunghayan ang apoy na lumalamon sa katawan ko. Sinubukan kong sumigaw pero wala nang lumalabas na boses sa bibig ko.
My eyes stayed wide open as the flames devoured me.
An inferno for imperfect souls.
---
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
Short StoryBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...