PART 12 OF 12

76 14 10
                                    

Ten years later.

"Joyce!"

"Yes, ma'am?"

"Spell 'boisterous'!"

Mabilis na pumunta sa board ang dalaga at nagsulat roon. The chalk scratched and made a deafening noise as her classmates anticipated the answer. Ilang sandali pa, ipinakita na niya sa guro ang kanyang sinulat.

BOYSTERUS.

"Mali."

Kinakabahang yumuko ang estudyante, "Sorry po ma'am, mahina po ako sa spelling eh."

Imbes na pagalitan, ngumiti si Ma'am Castro. Namumuti na ang kanyang buhok at tinapik sa balikat ang estudyante, "Ayos lang 'yan, anak. Sa pagkakamali tayo natututo. Walang taong perpekto."

At pasimpleng binalingan ng matandang guro ang bintana ng silid. Napansin niya ang estatwa ng apat na martyr sa sentro ng kanilang bayan. Ang apat na bayaning walang takot na sumira sa sistema ng lipunan. Mga bayaning naging daan upang mabago ang lahat. Sila mismo ang nagturo sa mga mamamayan ng kahalagahan ng pagtanggap ng mga pagkakamali.

Pinahid ni Ma'am Castro ang luhang namuo sa kanyang mga mata at malungkot na ngumiti. 'Perfection is just an illusion,' she thought.

"Mas magaling ka pang guro kaysa sa akin, Antonio."

THE END.

✔ Suicide ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon