Nagising ako sa mga sigawan. Nang magmulat ako ng mga mata, napansin kong hinihingal at nanghihina sa aking tabi sina Josefina, Jose, at Gloria. Nanginginig sila't halos hindi na makahinga. "A-Anong nangyayari?" Mahina kong bulong. Walang umimik.
Nalaman ko rin ang sagot sa tanong na 'yan nang pumuwesto sa aking harapan ang isang lalaking nakaputing maskara. That bloody red smiley face mocked me as he raised something to my face. Nanlata ako nang mapagtanto ko kung ano iyon.
"H-Huwag... 'Wag m-mong----GAAAAAAAH!"
Puminit sa nakabibinging katahimikan ang pagdaing ko sa sakit. The hot iron stamp was pressed against my forehead. Nagbabaga pa ito nang idiin niya sa aking noo. Nagwala ako sa tindi ng sakit na hatid ng init. I can feel and smell my skin burning as it was being stamped. Blood tricked down the side of my face. Nanginginig at nanghihina akong yumuko nang matapos siya sa pagpapahirap sa akin.
Kapos-hininga kong pinagmasdan ang paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to. Madilim at may iilang lalaking nakamaskra ang nagbabantay sa amin. Binalingan ko ang tatlo ko pang mga kasama at napansin kong umiiyak na pala si Sef.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakapasong marka sa kanyang noo.
REJECTED.
Her flesh bled and smelled rotten. Napansin ko ang takot sa kanyang mga mata habang nakagapos sa pader. Hindi siya makapagsalita dahil nakatahi na pala ang bibig niya. It was stitched tight into a wicked smile.
'Shit!'
What the fuck are they doing to us?!
"You're next."
Natatakot kong pinanood ang pagkaladkad nila kay Jose. Marahas siyang pinaupo sa isang metal na silya at tinapatan ng ilaw sa mukha. A masked man started stitching up his mouth. Napapikit na lang ako nang magwala si Jose at umiyak sa sakit. The metal collars shocked him with high voltage until he sat motionless.
"Ikaw na ang susunod, bata. Magpasalamat ka't may special treatment pa kayo."
Mahinang sabi ng lalaking nag-imprinta ng marka sa akin kanina. That sardonic smiley mask did nothing to hide his rotten soul. Mapait akong ngumiti sa kanya, "At ano naman ang plano ni Ferdinand sa amin?"
"Itatama niya ang isang pagkakamali. You're going to be forced to commit suicide in public. Kawawa ka naman."
Mapait akong ngumiti. Ilang sandali pa, tuluyan na akong humagalpak ng tawa. Natigilan ang mga lalaking nakamaskara at tumingin sa direksyon ko. Maging sina Josefina at Gloria, nagtaka sa ikinilos ko. I smirked like a devil and glared at them.
"Sabihin mo sa'kin, masaya bang maging alipin ng pagiging perpekto? Masaya bang linisin ang mundo at piliting magpakamatay ang kapwa-tao ninyo?"
"Anong---"
"Hindi, 'di ba? Ngayon, sabihin ninyo sa'kin... Sinong mas kaawa-awa?"
Nanahimik ang lalaking nakamaskara. Ilang sandali pa, ako naman ang sinunod nila. Walang-gana ko silang hinayaang kaladkarin ako para tahiin nila ang aking bibig. I didn't scream in pain. I didn't even flinch as the large needle stitched my mouth. Hindi ako natatakot.
Hindi ako mananahimik...
---
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
Короткий рассказBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...