PART 6 OF 12

53 10 0
                                    

Mas gusto ko ang gabi kaysa sa araw. Tuwing dumadako ang mga mata ko sa madilim na kalangitan, pakiramdam ko ang payapa ng mundo. Naglalaho ang lahat ng mga problemang isinusubo sa'tin ng buhay. "Pero hindi naman talaga natin matatakasan ang problema," mahina kong paalala sa sarili ko at umayos ng pagkakaupo.

Nasa rooftop ako ng isang lumang gusali malapit sa human dumpsite. Ito rin ang gusaling ginamit namin para konektahin ang zipline---which we had to quickly discard before the authorities discover it. This old building is saftely outside the boarders of Eastwood and rotten inside-out. Walang magtatangkang pumunta rito.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang ilaw ng lungsod sa di-kalayuan.

Naglakad ako patungo sa dulo, ilang sentimetro ang distansya ko para tuluyang mahulog at bumulusok pababa. I carelessly stood on the edge and felt my neck. Naroon pa rin ang marka ng lubid. Isang permanenteng alaala. Isang linggo na mula nang magpakamatay ako.

"At bukas, sana matapos na ang kalokohang ito."

Maglalakad na sana ako pabalik ng clubhouse nang mapukaw ang atensyon ko ng isang pigura. I focused my vision on the familiar person running across the empty streets. "Gloria?"

Saan naman siya pupunta?

Dala ng kuryosidad, mabilis akong tumakbo pababa ng gusali. Halos talunin ko na ang mga hakbangan. I pushed open the door and ran out into the dead night. Maingat kong sinundan si Gloria at naglaho rin sa kadiliman ng isang eskinita. Pasikot-sikot ang daan at papalapit na kami sa sentro ng bayan. I tried my best to remain silent as I stalked her.

'May itinatago ba si Gloria?'

Kinabahan ako sa naiisip. She always seemed to hate everyone. She's a fearless bitch who doesn't have a heart...or so I thought.

"Ate Gloria!"

Natataranta akong nagtago sa likod ng isang sari-sari store at pinanood ang sumunod na tagpo. Nanlata ako nang mapansing sinalubong ni Gloria ang isang batang babae na mukhang nasa pito o walong taong gulang pa lang. Gloria pulled down her hood and hugged the little girl.

"Giselle! Ang bilis mo talagang lumaki!"

Mahinang natawa ang bata, "Ate, bakit hindi na kita nakikita masyado? May problema po ba kayo?"

Natigilan si Gloria. Malungkot siyang ngumiti, "Wala, Giselle. W-Walang problema..."

'She's lying.'

Kitang-kita ko ang pag-aalala ng bata sa kanyang ate. Alam ba niyang patay na si Gloria? Kailan pa sila lihim na nagkikita? After a few moments of silence, Gloria scanned their surroundings and smiled at the girl, "Tara na. Kamusta ang pag-aaral mo? Kwento mo sa'kin. Na-miss kita eh."

Nakakapanibago.

Ito ang unang pagkakataong nakita kong masaya si Gloria. Lihim akong napangiti. Behind every bitch is a kind-hearted person. Napabuntong-hininga na lang ako.

"A week after Gloria died, she started seeing her younger sister every Saturday. Hindi niya sinasabi sa'min, at naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang may makaalam."

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita. From the corner of my eye, Josefina smiled warily as she watched Gloria and Giselle walking away.

"Ulila na sila sa magulang, kaya si Gloria na lang ang bumubuhay sa kanila."

"'Yon ba ang dahilan kung bakit siya nagnanakaw noon?"

Tumango si Sef, "Walang kompanyang gustong tumanggap kay Gloria dahil sa ugali niya. She barely smiles, and that made her a useless employee. Sa panahon ngayon, kung hindi ka marunong ngumiti, kahit puro pa ito kaplastikan, walang tatanggap sa'yo. But Gloria always said fake smiles are signs of a toxic society, kaya humanap na lang siya ng ibang paraan para buhayin si Giselle. She became a thief, got caught, and the rest is history."

Nauunawaan ko na si Gloria. Iyon mismo ang dahilan kaya ayaw niyang sagipin ang lipunan at ang mga taong biktima ng mga ekspektasyon nito...dahil galit siya sa mga ito. I can understand her stand on that, but I'd like to at least, try to make a change. Gaano karaming biktima pa ba ang kailangang magpakamatay para magising sila?

Perfection is the new social cancer, indeed.

"Sinundan mo rin ba siya noon kaya mo nalaman ang tungkol sa mga pagkikita nila?"

"Yes. Pareho tayo, Tonyo. Masyado lang rin ako nadala ng kuryosidad."

Tumango ako sa kawalan at pinanood ang pagkislap ng ilaw ng mga sasakyan sa kabilang dulo ng siyudad. Wala na akong planong balikan ang buhay ko noon. I started walking away. Josefina quickly followed me.

"Saan ka pupunta?"

"Don't worry, I'm not gonna kill myself again."

"If you are, then I'm willing to join you. Kahit saan ka pa pumunta."

Napalingon ako sa dalaga. Mahirap makita ang ekspresyon niya dahil sa kawalan ng liwanag. Amidst the darkness, I smiled warmly at her and held onto her hand. My fingers found hers as I spoke, "Kung ganoon, sumama ka sa'kin."

---

✔ Suicide ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon