Dumating na ang tamang oras. Ang oras ng pagkamatay namin.
Namalayan ko na lang na may nakataklob na palang tela sa aming mukha at nakagapos ng lubid ang aming mga kamay. They led us outside, where the air was warm and dry. Huminga ako nang malalim at pinakinggang maigi ang paligid. Maingay at maraming nagbubulungan.
Huminto kami sa isang entablado.
The masked men took off the cloth that covered our ugly faces, making our eyes adjust to the sunlight.
Narinig kong suminghap sa gulat ang mga manonood. Nang mapagmasdan kong maigi ang sitwasyon, napagtanto kong nasa tapat pala kami ng city hall. A makeshift stage was placed and several hundred people gathered around us to watch. Nakasuot sila ng kulay itim---mukhang handa na silang paglamayan kami.
"Si ano 'yan, 'di ba?"
"Ay, oo! Kawawa naman."
"Kadiri."
"Paano sila nabuhay?!"
Naagaw lang ang atensyon ng lahat nang may magsalita sa microphone. My eyes found Ferdinand standing there, wearing a black suite and shiny shoes, as he proudly addressed the crowd.
"May dalawang tao sa mundo; ang mga perpekto, at ang mga salot ng lipunan. Aking mamamayan, nakatayo ngayon sa inyong harapan ang mga nilalang na matagal na nating itinapon. Mga walang-kwenta at mahihinang pundasyon ng ating lipunan," binalingan niya kami't nandidiring itinuro. Matapang kong sinalubong ang mapanuri nilang mga mata. From the corner of my eye, I can see Josefina, Gloria, and Jose do the same.
Alam naming hindi pa ito tapos. Hindi pa.
"Citizens of Eastwood, today, we shall all learn an important lesson. Ito ang napapala ng mga taong nakagawa ng kamalian at piniling labanan ang gobyerno ko at ang batas ng ating lipunan. Panoorin ninyong maigi, at nang matauhan tayong lahat!"
Maya-maya pa, may ipinosiyon nang mga lubid sa aming harapan. Ang parehong mga lubid na ginagamit sa pagpapakamatay. Four nooses hung infront of us and wooden chairs were settled below each rope. Uulitin nila ang pinagawa nila sa akin, at sa libu-libo pang mga biktima ng pagkakamali.
Pinilit nila kaming tumuntong sa upuan at tumapat sa mga lubid. The masked men cut off the ropes binding our hands and guarded us. Guns and knives flashed underneath their suites. Isang babala na sa oras na may gawin kaming kalapastanganan, walang pagdadalawang-isip nila kaming tatapusin.
Either way, we'll die today.
The citizens cheered as they watched us suffer. Nalason na nang tuluyan ang mundong ito. Ferdinand laughed demonically and grabbed a knife from one of his men. Lumapit siya sa akin at mahinang tinanong, "Any last words before you die?"
Nagkatinginan kaming apat nina Josefina, Gloria, at Jose bago ako tumango.
Ferdinand then cut off the stitches on my bloody mouth and lend me his microphone. Nanghihina kong binalingan ang mga taong nakasubaybay sa amin. A thousand eyes watched as I tried to lick the blood off my mouth. Ngumiti ako sa kanila.
"Lahat tayo ay magpapakamatay..."
Nanahimik ang lahat. Binalot ng tensyon ang paligid at marahan kong ipinagpatuloy ang sasabihin ko, "Namali ako ng spelling, kaya ako nandito. Siya?" Binalingan ko si Jose, "Masyado siyang mataba kaya siya nandito. Si Gloria naman," itinuro ko si Gloria na nakayuko, "hindi siya pala-ngiti kaya't walang tumanggap sa kanyang trabaho. Kinailangan niyang magnakaw para tustusan ang mga pangangailangan ng taong mahalaga sa kanya." Mabilis akong tiningnan ni Gloria. Naroon ang gulat, ngunit napansin ko ring kalmado lamang siya. She almost seemed thankful. Ngumiti akong tiningnan naman si Josefina, "Si Sef naman, ipinagtabuyan ng mga magulang dahil sakitin siya."
I paused and made eye contact to the spectators. Naikuyom ko ang aking kamay, "Bobo sa spelling. Mataba. Magnanakaw. Sakitin. Iyan lang naman ang nakikita ninyo 'di ba? Puro pagkakamali ang pinapansin ninyo sa kapwa, at hindi ang kabutihan. Oo, bobo sa spelling pero nag-aral ako nang mabuti sa iba pang mga asignatura. Naka-99 pa ako sa Math at Science at pinangarap kong maging guro. Oo, mataba nga si Jose, pero siya ang pinaka-devoted na taong nakilala ko. He worships God and reads the Bible by heart. Oo, magnanakaw si Gloria, pero ginagawa niya 'yon para mabigyan ng maayos na buhay ang kapatid niya. Oo, sakitin si Josefina, pero buong buhay niya, naging masunurin siya sa kanyang mga magulang kahit pa ayaw nila sa kanya..."
Walang nagtangkang mag-ingay. Pagak akong natawa, "If society is expecting us to be perfect and live a fucking perfect life, then we'll all kill ourselves in the end. Hangga't patuloy ang sistemang ito sa lipunan natin, asahan ninyong mauubos ang tao sa planeta. Hindi namin kayang maging perpekto, pero kaya naming maging totoo."
"That's enough!" Asik ni Ferdinand na ngayon ay namumula na sa galit. I smirked at him, "Hindi ka rin perpekto, Mr. Mayor. You claim to have cleaned this society, but why are we still here? Hindi ka naging matagumpay sa pagpatay sa'min."
"Bullshit. Kaya nga't tinatama ko ang pagkakamaling nagawa ko!"
Natigilan ang lahat sa sinabi ni Ferdinand. His eyes widened when he realized what he said. Lumakas ang bulung-bulungan at maging ang kanyang mga tauhan ay nabigla.
"Inamin mong nagkamali ka, Mr. Mayor. Dapat mag-suicide ka na rin."
"Kalokohan!" Sigaw ni Ferdinand at binalingan ang mga mamamayan ng Eastwood. He snapped his fingers and ordered his men to force us into suicide. Nagkatinginan kaming apat at sumilay ang malulungkot na mga ngiti sa kanilang mga labi. Nagpapasalamat ako't nabigyan ako ng pagkakataong maging miyembro ng isang grupo. Ang Suicide Club.
Huminga ako nang malalim at ipinulupot na sa leeg ko ang makapal na lubid.
I glanced at Ferdinand again and smiled innocently.
"Mr. Mayor?"
"What?!"
"S-I-L-H-O-U-T-T-E. Silhoutte."
At sabay-sabay na kaming apat na tumalon mula sa upuan. The rope gripped our necks and our bodies dangled in midair. Bago pa man ako maubusan ng hininga, mabilis kong kinapa ang detonator sa loob ng aking bulsa at pinindot ang button. Nanghihina kong hinawakan ang kamay ni Josefina na hindi na rin gumagalaw. May luha sa kanyang mga mata habang hinihintay namin ang pagtatapos.
BOOM!
Kasabay ng pagpapakamatay naming apat, yumanig ang lupa sa lakas ng pagsabog. The bombs we planted underneath the city hall exploded in a succession of music and everything burned into flames. Nanghihina kong tiningnan ang ekspresyon ng mayor.
His silhoutte was the last thing I saw before the flames devoured him with us.
Before death claimed us at last.
Pero sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng kapayapaan. Nakangiti akong namatay.
---
BINABASA MO ANG
✔ Suicide Club
ContoBE PERFECT. Iyan mismo ang pangunahing batas ng lipunan namin. Isang pagkakamali at pipilitin ka na nilang magpakamatay. A punishment masked as suicide. Twisted, isn't it? Akala ko noon, walang lugar para sa mga taong hindi kayang maging perpekto. P...